3/2/2015 5:09:04 PM
Photo credits: Leo M. Sabangan II, Philippine Daily Inquirer, 02/20/2014 |
EDSA. Minsan tao, madalas kalye.EDSA. Minsan People Power. Madalas, people suffer.EDSA. Minsan malawak. Minsan mahaba. Pero parang wasak lang sa tindi ng trapiko.EDSA. Minsan ay minahal ng tao. Ngunit madalas ay minumura na ng tao.
EDSA. Ang nag-iisang EDSA. Ang natatanging Epifanio delos Santos Avenue. Ang kalyeng ipinangalan sa isang historian-slash-gobernador ng Nueva Ecija-slash-dating director ng National Museum. Sa madaling sabi, siya ay isang tanyag na iskolar noong unang bahagi ng ika-20 siglo.
EDSA. Ang pinalitan ng 19 de Junio at Highway 54 . Ang naging pangunahing daanan ng Metro Manila, maliban sa mga gaya ng C5, at Roxas Boulevard. Ang tanging kalsada na binabaktas ang ilan sa mga pangunahing distrito sa National Capital Region.
EDSA. Ang naging pangunahing lugar sa mga makabagong malakihang rebolusyon sa bansang ito.
Noong ika-25 ng Pebrero ay ginunita ang EDSA People Power Revolution. Nagsisilbing paalala sa isang matinding pakikibaka sa demokrasya noong 1986.
Ngayon? Maliban sa MRT, mga naglalakihang mall, ano na?
Noong sinara ang kalsadang ito, halos isang linggo ang nakalipas, nagkaroon ng matindihang epekto ang EDSA sa kamalayan ng karamihan sa mga taga-Maynila. At walang kinalaman dito ang rebolusyon.
Kundi ang pasakit na dala nito sa mga tao noong araw na iyun. Dahil isinara nga ang EDSA, hayun. Nagresulta ito sa matinding trapiko sa lansangan. Mantakin mong sa MRT nga, heavy traffic na; ay what more pa kaya sa major throughfare mismo.
Pero may bago pa ba dito kung tutuusin? Halos wala. Sa ordinaryong araw, isa hanggang dalawang oras kang aautan ng traffic pag binaybay mo ang EDSA.
Pero last week? Tangina. Parang forever lang ang datingan. Yung iba na napakaaga na nga umalis para makapasok sa kani-kanilang opisina ay tiyak na inabutan ng ganitong kalbaryo. Nagresulta rin ito ng matinding bigat ng daloy ng trapiko sa iba’t ibang kalsada gaya ng Ortigas Ave., Aurora Blvd., Quezon Ave.., at iba pang gaya ng C5.
Sa mga nabasa ko nga sa mga news feed noong mga nakaraaang araw ay inabot ang ilan ng apat hanggang anim na oras sa kanilang byahe. Yung iba, umuwi na lang ng kani-kanilang mga tirahan.
E bakit kasi di pa kayo umisip ng ibang paraan e no? Minsan kaya, mas okay pang maglakad kesa maghintay ka at magbakasakaling may sasakyan ka pa sa ganoong pagkakataon. Para ka namang tanga e.
Pero, sa kabilang banda, hindi ko rin mawari sa isipan ko: bakit mga estudyante lang ang sinuspinde? Bakit hindi ang mga nagtatarabahong nilalang ay hindi na rin sana pinapasok? Ano ‘to, gaguhan? Aasahan ba nilang kokonti ang mga sasakayang babagtas sa Kamaynilaan?
At huwag na tayong maglokohan dito: ano ba ang pakialam ng mga bata sa EDSA revolution?
Oo, tama yung isang nabasa ko sa Instagram noong araw na iyun.
@passive_me_agressive_you (via Instagram) |
Kung ipinagdiwang nila ang araw na yun, tapos may pasok pa rin ang mga empelaydo at ultimong mga negosyante, e di sana binuksan na lang din ang kahabaan ng naturang kalsada. Sa halip na bigyan ng magandang memorya at imahe ang EDSA ay tila nababahid ito ng nag-aalab na emosyon dala ng mga bwakananginang hindi nag-iisip at nagplano nang maayos.
Kawawa tuloy yung taong pinangalanan ng kalsadang ito (at pati na rin yung mga kaanak nito). Si Mang Panyong, naging numero unong problema ng mga ordinaryong Pilipino.
Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!