3/22/2015 9:29:38 PM
Masyado nang nakakaurat ang mga balita, mula sa pagbatikos kay Binay hanggang sa sa mga pagiging matigas ag ulo ni PNoy (both literally and figuratively), hanggang sa hangover ng tao sa Binibining Pilipinas mula sa bwarsh-bwarsh na pagsasalita ng isa sa mga hosts (eh? Si Ariella Arida daw ba ‘yun?) hanggang sa mala-stand up diumano ni Toni Gonzaga off-air, hanggang sa pagmulta ni Beau Belga dahil sa pagiging patola diumano sa ilang siraulong fan ng PBA (sino bang nasa katinuan ang mambabato ng bote sa hardcourt? Kups ampucha!).
Pero maiba tayo, pasensya na kung bigla akong nashowbiz dito. I heard na si Willie Revillame ay babalik sa telebisyon ah.
Yes, after pumirma ng kontrata sa GMA-7, si Kuya Wil ay nakatakdang magprograma sa network twing Linggo ng Hapon.
Hmm, iniisip ko, papalit kaya ito sa Sunday All-Stars (na hmmm... nagki-click ba sila? No offense meant ha?) o magpoprogram after nun?
Sabagay, humina ng husto ang programming ng GMA pag ganung roas e. Pelikula muna bago ang SAS. Ang problema: simula nung nagbabye ang SOP sa ere, unti-unti ata nanamlay sa kumpetisyon ng ratings ito. Bagamat okay naman ang Party Pilipinas, parang hindi ito sumapat para tumapat sa ASAP ng ABS-CBN.
E nung nag-Sunday All-Stars? Hmm... mukhang naiiba ang format ng progama ah. I mean, may showdown sila. Nakagrupo ang production numbers.
Pero mula alas-dose ng tanghali ay naging 1:45 ang airing nila. Yun lang. Tapos nagsialisan pa ang mga talent ng GMA na parte ng programang yun. Ouch.
So isipin mo, kung magpoprogram si Willie dun ng “Wowowin” ang pamagat? I think magki-click yan, pero to think na once a week lang yun eere? Mahirap nga lang siguro yun. Besides, ang daming issue ni Willie both on-cam and off-air (napakaevident na yan mula Wowowee hanggang Willing Willie).
Okay siguro kung nabigyan siya ng chance na maging parte ng telebisyon muli. Yun nga lang, good luck unless maging matino ang kalalabasan ng programa niyan sa halip na maging kagaya ng Willing Willie na obviously ay naging TV5 version lamang ng Wowowee. Ito minsan ang hirap sa novelty type e.
It doesn’t matter kung may natutulungan siya. It doens’t matter kung may kontrobersiya na may magaganap on-air. At kahit sabihin pa na “tangina, siya na naman?” to be accompanied by [insert derogatory statement here].
Basta, just hope na hindi magcome in full circle yan – yung tipong lilipat pa ng isa sa mga previous network yan, at magtanda naman sana ang batikang host, no.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!