3/1/2015 1:27:32 PM
Photo credit: Rappler |
Malaking biro raw ang paglalaro ni Manny Pacquiao sa Philippine Basketball Association, ayon yan sa isang import dati ng liga.
Oo. Isang import lang naman ang nagawang mang-insulto diumano sa isang manlalalro na mas kilalal bilang boksingero at konrgesista.
Sino nga ba si Daniel Orton para insultuhin si Pacquiao? Isang manlalaro ng isa sa mga pinakakilalalng sport sa buong mundo. Nakapaglaro na siya sa NBA, PBA, at CBA. Sapat na ba yun para diktahan niya ang PBA na isang malaking “joke time?”
Pero si Pacquiao yan e. Eight-time division world boxing champion. 10th overall pick sa PBA. Tapos head coach pa siya at manager. Ayos. Sino ka nga ba para insultuhin siya?
Joke nga e. Okay sana kung bilang boxingero o congressman. Pero basketball player?
Insulto nga naman, ‘di ba? Ayon sa ilang nakakainteract ko na tagasubaybay sa PBA, ‘tila nagiging showmanship na lamang ang PBA sa halip na maging isa itong sports league.
Aniya, hindi dapat ganito ang maging halimbawa. Kunsabagay, magkaiba kasi ang pananaw ng tao pagdating sa mga liga. Sa mata ng mga atleta, ito’y isang sport; pangalawa na lamang sa kanila ang entertainment. Kung sa mata naman ng publikom isa itong pang-aliw.
Sa kabilang banda naman, si Pacquiao ay naglalaro talaga ng basketball bilang parte ng kanyang cross training. Besides, bago pa siya mag-PBA ay may-ari na siya ng isang basketball team dati sa NBL – ang MP Gensan Warriors. Kaya sa totoo lang, isa sa mga panagrap ni PAcquiao ang makapaglaro sa PBA.
Pero, di kaya lahat sana ay dumaan sa tamang panahon? Preacher pa siya ‘di ba? At isa sa mga kasabihan sa mundo – relihiyoso man o hindi – ang “you can’t serve two masters at the same time.” Oo, kahit sa panahon pa ng multi-tasking. Hindi man natin siya i-derpive sa pangarap niyang makapag-PBA. Pero hindi rin ibig sabihin nito na pagsasaby-sabayin niya ang lahat. Come to think na may laban pa siya sa PBA at sa susunod na taon ay eleksyon na naman.
Pero, kung malaking joke si Pacquiao, ayon kay Orton, bakit hindi rin pagmultahin ang mga taong nagsasabi ng kaparehong sentimyento? Dahil ba may bayag lang talaga ang banyagang manlalaro sa kanyang winika?
O excuse lang naman ni Orton yun (by te way, walang relation sa wrestler na si Randy Orton) dahiul sa sobrang hina ng kanyang performance sa koponan na Purefoods Star Hotshots?
Sabagay, nakarating sa international media ang balitang ito. Yun nga lang, sensationalized din gaya ng mga naiuulat dito sa Pilipinas. Hindi sinisante ng Purefoods si Orton dahil sa pagsasabing joke si Pacquiao, at ultimo ang officiating. Kundi dahil nga sa ipinakita nito sa kanyang mga laro.
At yan ang kalakaran ng mga import sa PBA. Expected na dapat sila ay malakas. Repleksyon ito ng lipunan natin na dapat malalakas ang mga bisita nating manlalaro kesa sa mga local. Misan, tama rin. Pero minsan, para mo na ring sinabing di pa sapat na lakas ang mga manlalarong Pinoy nito.
At hindi tama yun.
Maiba naman. Kung pinutakte din ni Orton ang officiating, at hinatulan siya ng multang nagkakahalagang P250,000 ay bakit hindi rin pagmultahin ang ibang mga tao na nakapagsasabing may luto sa officiating sa PBA? Opisyal man, o manlalaro, o ultimong mag tagahanga. Tiytak na yayaman sila pag ginawa nila yun. Yun nga lang, basgak din ang kanilang integridad at baka mamaya niyan ay malugi pa sila.
May bayad nga ba ang magsabi ng kuro-kuro. O kung tama rin naman ang kanilang hinaig, may bayad na rin pala ang magsabi ng totoo?
Yun ang joke time.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!