Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 March 2015

Taunt After Taunt

3/18/2015 10:37:51 AM

So, isa sa mga pinakamalalang kaganapan recently sa Philippine Basketball Association ay ang pag-taunt diumano ni Beau Belga sa ilang mga tagahanga ng PBA sa isang laban noong nakaraang araw ng Linggo sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Tila hindi kasi nagustuhan ng ilang tagahangan ng Ginebra ang antics ni Beau Belga. Napikon ba. Kaya nambato na lang siya ng bote ng tubig.

Isa dun ay yung pagdidisplay ng cross-crotch sign – oo, kung fan ka ng Attitude Era ng WWE noon, alam mo na signature ito ng grupong Degeneration X (“If you’re not down with that, We’ve got two words for you: SUCK IT!”).

Napapansin ko lang, ano: isa ang Cuneta Astrdome sa mga lugar na tanyag sa pagkakaroon ng mga alterkasyon na may kinalaman sa laro ng basketball. Maliban pa yan sa ilang mga sagupaan noong mga nagdaang dekada sa ULTRA.

Naalala ko lang: ang isang laro ng Ginebra nun kontra San Miguel noong 1996 ay halos humantong na sa isang riot nun, tapos may nambato pa nun ng barya sa sahig. Ilang taon naman ang nakalipas, nagkaroon naman ng matinding alterkasyon sila Celino Cruz at Don Allado sa laban ng Red Bull vs. Alaska; kamakailanlang lang din, nagsapakan sa hardcourt sila Marc Pinris at Kelly Nabong sa salpukang San Mig Coffee-Globalport.

Balik sa kasong ito: si Beau Belga nga lang ba may kasalanan? 

Maaring siya ang mas nakitaan ng pagkakamali kung tutuusin. Dahil nga naman kailan pa ba naging maganda ang pumatol sa ilang tagahanga ng PBA, ‘di ba? Pero sa totoo lang, kung hindi lang ganun kakalat ang trabaho ng mga opisyales ng korte sa pag-ooficiate ng laro, malamang hindi hahantong sa ganitong seebnaryo ang lahat.

Naobserbahan ko lang: yung sa insidente ng double foul, ang tagal tawagan e. Hindi yata napansin ni ref na nasa paanan lamang yung dalawang manlalaro na sila Belga at Mark Caguioa na halos nakabuhol na. Nangyakap na nga ang isa para pigilan ang laro pero hindi pinituhan. O baka dahil masyadong malayo ang tingin ni ref?

Pero mali ang tawag dun. Yun ang nakikita kong nagtrigger sa insidente para lumala pa.

Pero para isisi kay Belga ang lahat ng naganap dun? Na pinagmulta ng sitenta mil (P 70,000) para sa sari-saring infratcion? Kasama na rin sila Raymond Almazan at ultimong di Dorian Pena sa kanilang involvement sa ilang fracas nung naturang laro?

Isisi kay Belga ang lahat? Kaya siya nagtrend at naging tampulan ng batikos sa laban na yun? Balido ang dahilan kung ang sasabihin ay ang mga extra-motion niya, lalo na sa kaso ng pagtama ng tuhod at siko nito kila Eman Monfort at Chris Ellis.

Kaso sa mas malaki-pero-masalimuot na pangyayari nun ang usapan...

Teka muna: kahit sabihin nating mali ang nagawa ng malaking mama na yun, sino ba ang nagprovoke? Ang mga referee? Oo. Pero mah kulang.

Yung ilang mga tagahanga. Minsan kasi aprang mga siraulo ang ilan e. Natural man ang mang-asar ng kalaban; pero alalahanin mo, pag napikon yan, maaring siya ang maging tampulan din ng hatol; pero may kasalananan ka pa rin: pinilit mo na mangyari ang ganung insidente. Provoking factor ba.

Kaya tama lang din na palabasin sa bato ang nambato ng botelya na yun. Nah, kung pwede nga lang, gawaran ng mahabang panahon ng ban yung dalawang yun eh. Parang blacklisted ba o wanted. Ngunit sa dami ba naman ng mga tagahanga na nanunood dun ng live, malabo talagang mangyari yan.

Bottomline: lahat ng partidong sangkot, ay talaga namang kinakitaan ng pagkakamali. Sana nga lang ay nnaging patas ang hatol sa mga ito. O kung hindi man, matuto sana; lalo na yung mga siraulong “tagahanga.”


Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!