3/1/2015 4:55:31 PM
Anong meron sa dress na ito?
WIRED.com |
Una siyang pumutok sa popular site na Tumblr, dala ng argumento ng user sa kanyang mga kaibigan. Agad naman itong pinatulan ng iba kaya nagtrend siya sa Twitter sa pamamagitan ng hashtag na #TheDress
Pinagtatalunan kasi kung white-and-gold o black-and-blue and kulay ng damit na ito.
Ganun? Damit pala yan. Kala ng tropa ko, basahan e. Sa mga serye ng mga news portal, nailabas ang mga kuro-kurong white-gold diumano ang kulay na itoSamatalang may blue-black na bersyon naman ito.
At presto, pinutakte naman ito. Pero, teka....
Ano naman ngayon kung ang kulay ng damit na ito ay white-gold, o bluie-black? Ano naman napala natin, maliban sa gumana ang utak natin sa kakaisip at makipagtalo?
Sobrang tindi ng ekspalanasyon ng siyensya ukol dito. Sa sobrang tindi nga lang, pati ang inyong lingcod ang nahilo sa pasikut-sikot na mga termino. (Pasensya na, isang hamak na blogger lang po ako at hindi scientist.)
At sa sobrang teorya niyan, mga rocket scientist na siguro ang makakaintindi niyan, mula tantalizing theory, checker-shadow illusion, pati ultimo ang teorya ng color-blindness.
At sa bandang huli, isa raw itong halimbawa ng tinatawag na “color-perception illusion.” Kung ano ang color-perception illusion, aba’y ewan ko. Mag-Google ka naman paminsan-minsan sa halip nas a mga gaya lang ng Facebook nakatuon ang iyong oras sa pag-iinternet (dahil nga masyado itong kompliakdo apra maintindihan ko pa; malay mo, mas maintindihan mo pa yan kesa sa akin).
Pero, anuman ang kulay ng jeskeng dami na ‘yan, e ano naman? Mabuti sana kung lahat – oo, lalake (mind you, may nagsusuot ng skirt na mga lalake ha?), babae at kahit ikatlong sex pa – ay makakapgasuot niyan.
Malay mo, ginamitan pala ng Photoshop ‘to? Pero obviously, tangina naman, sinong tanga ang magpoipost ng ganun kung minanipula pala?
Pero malay mo, minanipula ka ng nakita mo sa internet. Alalahanin mo: maraming mga artikulo at litrato sa birtwal na mundo ang ginagawang kalokohan ng iilan. Daig pa nito ang pagmock ni Bray Wyatt kay the Undertaker nitong nakraang PPV ng WWE kamakailanlang.
Sa madaling sabi, baka naman tino-troll ka, at hoax pala yang nakita mo. Yan kasi napapala mo eh. Ang bilis mong maniwala na parang si Mace Castillo lang (ng pelikulang That Thing Called Tadhana) kung magsabi ng “Tangina, hindi nga?!” (with feelings of course).
Saka isa pa, kung sakali man totoo ang kulay ng damit na ‘yan, kaya mo bang bilhin yan sa halagang 50 euros?
The irony pa nga e. Maraming tao ang nakikipagpatayan sa isyu ng damit na yan, samanatlang may mga tao na ganito na ang kasuotan.
Isa pa, may kasabihan:, at isa itong ironiya sa buhay: masyado tayong gumagastos ng limpak-limpak na salapi sa mga magagarbong damit, samantalang ang ilang mga masasayang bagay sa buhay ay nagaganap nang walang saplot.
Ops, hindi ko tinutukoy rito ang pakikipagtalik (bahala nang hindi umintidi ang mga supot ang utak dyan); bagkus ang punto ay, bagamat pangunahing pangangailangan man natin ang pananamit, hindi ito garantiya na magdadala ng kaligayahan sa buhay. Oo, ang sexy mo ngang tignan. Pero sa sobrnag sexy mo, kulang na lang ay turukan ka ng dextrose.
Ay, ano nga ba kulay nito? Pakisagot nga, Dwayne!
Links:
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!