Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

02 April 2015

Ano Ang Penitensya Mo?

4/2/2015 2:16:43 PM

Psst.

Ikaw. Oo, ikaw nga. Ikaw na nagsasabing mahal mo ang Diyos, ‘di ba? Ikaw na nagyayabang (na hindi sa masamang kahulugan) sa iyong pananampalataya sa Kanya.

Alam ko may araw naman ng Linggo para magpahinga. Pero ‘tol. Semana Santa na. Pwede ka munang prumeno mula sa mga makamundong gawain mo. After all, tao ka pa rin naman na nagkakasala madalas ay dapat lang din naminsan ay mahimasmasan sa pananampalaya, di ba?

Uso magdasal. As long as bukal naman sa iyong kalooban ang iyong ginagawa. Yun naman ang mahalaga ‘di ba?

Pero hindi ako nandito para mang-asar (dahil 14 na oras nang tapos ang April Fool’s Day, at ang mga bagay na may kinalaman sa Diyos ay madalas sineseryoso talaga), at hindi rin kita pipilitin. Bagkus nagtatanong lang ako na may halong suhestiyon at payo nga lang.

“Ano ang penitensya mo?”


Hindi naman siguro inoobliga sa iyo ng Poong Maykapal na gawin ang mga bagay na madalas na nakakagawian ‘di ba? Gaya ng Alay-lakad, Visita Iglesia, 7 Palabras, at ultimo ang Senakulo. Pero okay kung gagawin siya, nang bukal sa iyong kalooban. Kung gusto mo ba.

Ang hindi pagkain ng karne? Tol, kung maari lang, awat muna tayo dyan. Ang madalas pa naman na pagkakarne ay nakasasama din sa kalusugan.

At pagdo-Dota? CoC? Candy Crush? Unless kaya mong gugulin o maglaan ng oras sa mga seryosong bagay, ay kung maari itigil mo muna yan. Tignan mo nga sa kakadota mo, yung palakol mo, marami nang nakasulat na pulang nota (notes, pare), samahan mo pa ng problem sa iyong syota, yung ugali mong mas mayabang pa sa mga lehitimong nagtatrashtalk at kung anu-anong kabalbalan.

Yan, ‘yang pagiging marumi ang utak mo. Hindi porket sinabi kasing “clean and green” ay dapat maging malinis at maging malibog. Lugar-lugar din, ano po?

Ang pagse-selfie? Naku, isa din yan na isantabi mo muna. Mula sa mga segundo ng pagmulat ng iyong mga mata hanggang sa sandali na pagtulo ng iyong laway ay mag gaya ka pa rin na magselfie? Kagaya ng sinabi ko sa itaas, lugar-lugar din. Nakakahiya naman kung magseselfie kayo (o sa madaling sabi, dahil marami nga kayo ay "groupie") ay mas pogi pa kesa sa inyo yung nahahagip niyong mga photobomb, ‘di ba?

Yung pagpapatrend mo sa mga mababaw na bagay? Naku, pwede ba tigilan na natin yan? Masyado nang showbiz at romantiko ang lipunan sa totoo lang. Kaya kung tutuusin, tigil-tigal mo na rin ang hugot na yan. Yung pinaniniwalaan mo nga sa itaas ay nagpapahinga nga e, what more pa yung mga artista pa na hinangaan mo?

Ang pag-inom ng alak, pagyosi at ultimo ang paghithit? Tsong, break ka muna dyan. Wala sanang masama sa pagbibisyo kung hindi ka rin umaabuso. Kung alam mong tama na, tama na. 

At kung panahon naman ito para magnilay ka, ganun sana ang gawin mo. Walang masama kung magte-take ka ng “timeout” (ika nga sa basketball) para tignhan ang sarili, lalo na sa ispiritwal na aspeto. Lalo na kung isa ka sa mga taong napakavocal sa usapin ng relihiyon o pananampalataya.

Actually, sa ilang mga taong nakausap ng inyong lingkod, ang ilan sa kanilang penitesnya raw ay pagliban sa mga pagpe-Facebook, pagti-Twitter, pag-inom ng softdrinks, pagkain ng matatamis, pagagala, at ultimong abstinence mula sa mga pagtangkilik sa mga nakikita at naririnig nila.

At madalas ay para daw maglaan sila ng oras sa isang napakahalang prayoridad.

Walang masama sa ganito, lalo na kung kusang-loob mo naman itong ginagawa. O kung plinano mo na sa iyong kaisipan na idisplina ang sarili mula sa mga ganitong bagay. Ikaw yan e. Disiplina mo yan. Kung para naman sa ikabubuti ng iyong sarili at pananampalataya sa itaas yan, go.

Ulit, ang mga nabanggit sa blog na ito ay pawang mga suhestiyon lamang. Maari mong sundin, o maari ring hindi. 

Ikaw, ano ang penitensya mo?

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!