4/28/2015 12:10:05 PM
Alam ko, may mga tropa ko na taga-Unibersidad ng Pilipinas na hindi naman ganoon ang ugali gaya ng mga naglalabasang mga jeskeng kuro-kuro na naglalarawan (sa pamamagitan ng stereotype) sa mga mag-aaral dun. (As in magaganda naman ang karakter nila.)
At alam ko din, na isang linggo na mula noong pumutok ang balitang ito (at nagtataka rin ako kung bakit nga ba pinuntirya ng mainstream media ang mga walang kakwenta-kwetang balita sa social media). Nagviral ang video ng isang lalake na diumano’y nainigaw sa isang empleyado ng SM.
At ano ang dahilan? Sinasabing hindi raw satisfied ang customer sa nasabing crew. Tinawag nga niya itong “incompetent” at nakagawa ng isang “unforgivable mistake.”
Hmmm... tangina, ang labo pa rin.
Ayaw ko sana manghimasok sa isyung ito kung hindi naman ganun kalinaw sa mga ulat kung ano ang ugat ng isyung ito.
Ngunit kung may mas kapuna-puna siguro dito ay yung mala-ad hominem na panduduro at kung anu-anong personal na tirada ang binibitawan ng galit na customer sa kanya.
Sa totoo lang, ewan ko ba kung bakit pa kailangan mong ipangalandakan na taga-UP ka. O, siya, taga-UP ka nga...
E ANO NAMAN NGAYON? Sasambahin ka na ba namin dahil nag-aral ka na dun sa isang eskwelahang pinapangarap ng maraming mag-aaral (oo, huwag mo kong idamay!)? Diyos ka na ba dahil angat ang pamantasan mo?
Taga-UP ka? E ano ngayon? Pagbibigyan na ba kita na makadaan sa trapiko sa EDSA?
Taga-UP ka? E ano ngayon? Kaya na ba ng bayag mo na makipagmatigasan sa maraming nakakaangat?
Taga-UP ka? E ano ngayon? Sa tingin mo ba, ikatutuwa ng mga kasamahan mo sa eskwela ang pinagagawa mo? Lalo na’t alam naming lahat na hindi ganyan ang asal ng isang iskolar ng bayan.
Oo. I know for a fact na karamihan sa mga kilala kong taga Peyups ay hindi gaya ng ugaling ipinakita mo sa viral na video. Kaya sa susunod ay ingat-ingat ka sa pagpapakilala sa sarili ha?
Dahil sa totoo lang, wala kaming pakialam kung ilan taong ka na, ilan ang pinapaaral mo, ilang bahay ang inaabonohan mo pagdating sa bayaran ng tubig, kuryente, at kung ano pa, kung gaano kabusilak ang kalooban mo para sa bayan, at kung ano ang katayuan mo sa buhay.
So ano naman kung mataas ang pinag-aralan mo, madadala mo ba sa hukay yan? So ano naman kung taga-UP ka, tingin mo UP ka na kumpara sa amin na iba ang eskwelahang pinag-aralan?
Yun lang.
Hindi kailanman naging okay ang magbitaw ng mga argumentong labas sa pinag-uusapan. Kung incompetent ba siya? Dahil sa ganun kababa ang pinag-aralan niya? Hoy, tangina ‘wag ka, may mga dropout nga dyan o hindi nakatapos ng kurso o ni high school man lang (baka nga elemtarya pa e); pero matagumpay naman sila sa buhay. Kung ikikumpara sa inyong mga nag-aral nga sa mga pamosong paaralan, pero hindi naman pantayan ng talino ang antas ng kayabangan.
Kaya ingat-ingat lang din sa pagbibitaw ha? Lalo na kung ang yabang mo ay parang mga tipikal na tambay sa kalye – mga nagpapanggap na G pero ang totoo ay wannabe jejemon lang.
Author:
slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!