28 April 2015

Last Save

4/28/2015 9:39:11 AM

Sa totoo lang, ang isyung ito ay hindi na bago. Mula pa sa mga kasong gaya nila Sarah Balabagan at Flor Contemplacion hanggang sa mga nitong kamakailan lamang na kaso nila Elizabeth Bataoin at Sally Ordinario.

Isang Pilipino na naman ang mahahatulan ng parusang kamatayan sa ibang bansa dahil sa paglabag sa isa sa mga batas, at may kinalaman ito sa isa sa mga tinaguriang "salot sa lipunan" – ang pagbibitbit ng droga.

Pero ang mas nakalulungkot na pangyayari dito ay ang kaso ni Mary Jane Veloso (kabilang ang ilan sa mga drug trafficker) ay isa sa mga panibagong biktima ng isang sakit ng ating kultura – ang tinatawag na Last Minute Syndrome. Sa madaling sabi, ura-urada. O kung sa termino ng mga estudyante, cramming.

Ano pa bang bago maliban dito?

Kawawa naman ang ating kababayan. Ang masama lang ata dito ay kung kelan na nilabas ng Indonesia ang hatol sa kanilang ‘suspek’ ay saka lang aakto ang pamahalaan.

Masyado ka namang marahas! Ang dami kayang problema ng pamahalaan!

Oo, marami nga. Pero maliban sa nuknukan ng kababawan ang ilang mga sigalot, gaya ng pagpatol sa mga isyu sa showbiz, ano pa bang inatupag ng gobyerno?

Kahit sino, umaapela na; mula sa mga ordinaryong mamamayan hanggang kay Manny Pacquiao.

Pero may nangyari ba?

Masyado raw matigas ang pamahalaan ng Indonesia dahil sa ilang beses na pagdeny sa apela natin. Kumbaga sa pag-ibig, manhid daw sila dahil ilang beses tayong di pinagbigyan o binasted. Aba, tayo na nagmamakaawa, tayo pa ang may ganang magsalita ng ganyan?

Pero ano bang magagawa natin? Una, iba ang sistema ng batas natin sa kanila. At alam niyo yung kasabihang “dura lex sed lex,” o ang kahulugan ay ang batas ay marahas, pero yan ang batas?

Ganyan ang kalakaran sa mundong ito. Pag gumawa ka ng kasalanan sa ibang bansa, paparusahan ka ng ayon sa gaano ito kagrabe o kabigat. Yun nga lang, maaring labas na rito ang saklaw na diplomasya na pinapairal ng mga organisasyong gaya ng United Nations.

As much as nakikisimpatiya ako gaya ng karamihan sa kasong ito (na siyempre naman, higit pa rin na mahalaga ang buhay ng tao), ay ganoon talaga ang batas. Ang nature nito ay minsan, may pagka-imoral. Taliwas sa alinmang may kinalaman sa humanity o moralidad. Napakahirap lang kung tutuusin, kahit may mga argumento daw na siya rin ay biktima ng panlilinlang, o kung ano pa. 

At minsan, dyan din nagkakamali ang tinatawag na "hatol."

Sinsabing ang recruiter ang may kasalanan nito. At sa totoo lang, "Tangina, ito yung dapat nasa kalagayan ni Mary Jane eh!" Tsk. Ayos makapanlamang sa kapwa ha? Dapat nga sana ay mabulabog ang konsensiya ng loko. Tsk.

Kaya kung anuman ang magiging kahinatnan ng araw na ito, ay magsilbi sanang leksyon ito para sa atin. Na kung bawal, bawal talaga. At matutong kilalanin (kung hindi igalang) ang mga alintuntunin ng ibang bansa.

Ang problema kasi sa atin (bilang isang lupon ng mamamayan) ay alam na natin na may mga ipinagbabawal ay pasaway pa rin tayo. At pag nahuli naman ay aapela tayo, magrereklamo, o kung anupaman yan.

At oo, matuto tayong kumilala ng batas ng ibang bansa. Hindi naman siguro sila gagawa para lang sa masabing bawal talaga ano? Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naimbento yan ay para rin sa kapakanan ng ibang tao, o mga nakararami. Ang siste kasi, sa atin dito sa Pilipinas, alam na nga natin na bawal, alam na rin nating mali, sige pa rin tayo. Simpleng pagtawid nga sa kalasada lang e, o pagtatapon ng basura, hindi pa natin magawa ng maayos (o hindi, at all).

Yun lang.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.