4/4/2015 1:06:46 PM
Parang sa kahit anong panahon pa ang magkaroon dito sa Republika ng Pilipinas, ay may kanya-kanya tayong bersyon ng pagdiriwang ng Semana Snata, mula Visita Iglesia hanggang Senakulo, hanggang Alay-Lakad, hanggang Kursipiksyon. At walang masama dito. Patunay lamang ito kung ano tayo bilang isang lahi na may likas na debosyon sa ating paniniwala.
Ngunit, Pinoy ang Semana Santa kapag…
Noon, wala kang mapapanood sa TV. As in signed off sila mula midnight ng Holy Wednesday hanggang morning ng Easter Sunday.
Ngayon, may kanya-kanya silang offering para sa’yo. Siyempre, para hindi ka mabore. Besides, hindi naman lahat ay palasimba (though siyempre, ganun sana e. I mean, dapat nga ilaan ng karamihan ang panahon para magnilay-nilay e).
Mga drama special ang pinapalabas mula Lunes hanggang Sabado. At ultimo ang mga paborito mong variety show ay may mga drama special din.
T’wing Holy Week naman ay kadalasan ang mga paborito mong teleserye na may kinalaman ang tema sa inspirasyon ang madalas nirereplay o minamarathon.
At pagdating ng Huwebes hanggang Sabado, ang tatlo sa mga espesyal na episode ng iyong paboritong drama anthology program naman ang ineere. Sa ABS-CBN, Maalaala Mo Kaya; sa GMA naman, Magpakailanman; at kung nanunood ka ng Studio 23 noon, 7th Heaven.
Madalas din nun na napakabihira lamang ang mga programang pangbalitaan. Dahil ika nga ng 4 Oras (yung parody ng Bubble Gang sa 24 Oras), natutulog din ang mga “tagapagbalita.”
Ngunit ngayon, may mga bits, at least. Okay lang yun, para malaman mo kung saan ka pupunta sa panahon ng Semana Santa. Alalahanin mo…
Pinoy ang Semana Santa pag hindi matrapik sa mga malalaking kalsada. Pero sarado naman ang ilang daanan para magsilbing lakaran ng mga tao papuntang simbahan. At walang masama dun.
Napupuno ang simbahan gaya ng mga pangyayari twing pista ng mga patron o Simbang Gabi. Walang masama dito as long as seryoso sa pamamanata ang mga tao. Hindi yung nagsisimba sila para lang masabi na “in” sila. May mga ilan nga dyan magse-selfie pa tas iaupload pa sa kani-kanilang mga Facebook, Twitter at Instagram account nila ang kanilang pagmumukha. Okay sana e. Pero maari mo naman siguro isantabi yan, ano? Sa ngalan ng “penitensya.”
Ito yung nakakaasar kasi eh: kung ginagawa mong lokohan ang mga alay-lakad o bisita iglesia, tas pipiktyuran ang sarili na ginagawa iyun. Oo, nakakaasar yun, lalo na kung malaman mo na mas pogi/maganda pa sa’yo yung mga naging photobomb sa litrato mo!
Ang mga espesyal na palabas kapag Holy Week nun ay ang mga programa na may kinalaman sa tema ng naturang mga araw — ang pasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Kabilang na d’yan ang Siete Palabras o yung tinatawag na “Seven Last Words.”
Sa mga pelikula naman, mga gaya ng The Ten Commandments. Oo, yung 1956 film na gawa ng Paramount Pictures. Matagal nga lang ito. Kung keri mo magtiyaga sa loob ng tatlong oras at 39 na minuto, na walang commercial break. Naalala ko, sa CINEMAX ko pa painanood ito noon kasama ang uncle ko.
Noon, Pinoy ang Semana Santa kung magkakasama sila sa Simbahan. Ngayon, madalas ay tatlong bagay: ang pagsisimba, ang pagbabakasyon out-of-town, o ang staycation lang at magmu-movie marathon.
Pinoy ang Semana Santa kapag ang inooffer sa mga fastfood ay mga pagkaing may halong isda. Kung sa Jollibee ay Tuna Pie, sa McDo naman ay Fish Fillet.
Noon, ang Pabasa ay ginagawa sa nakasanayang tono. Pero nakapagtataka lang: Bakit tinawag siyang PaBASA kung actually ay kinakanta siya? Relax, nagtatanong lang po ang inyong lingkod.
Ngayon, sa ganun pa rin naman e. Yun nga lang, may mga pabasa rin na ginagawa sa pagra-rap. Siguro pamamaraan ito para mahikayat ang mga kabataan—lalo na yung mga… alam niyo na—na magkaroon ng pagkakataon na ilan ang ganitong bagay sa kanilang mga kamalayan. Yun nga lang, sana ay naisasadiwa nga lang ito, ano?
At dahil marami ang nagro-road trip pag Holy Week, malamang, may mga Lakbay-Alalay na help desk. Hindi lang para sa sasakayn mo, kundi na rin sa iyong kalusugan. Dahil mainit ang panahon, at walang kinalaman dito ang nag-aalab na kalandian na taglay mo (hoy, umayos ka! Semana Santa pa naman!)
May mga ilang bagay pa siguro dito na hindi ko pa nabanggit. Pero anupaman yan, patunay lamang yan kung ganao tayo ka-Pinoy. Kung gaano pa tayo kadeboto sa ganitong panahon. At walang masama dun, kung nasa wasto naman at may pagkukusa mula sa ating kamalayan, hindi yung tipong nakikiuso lang.
Yun lang.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!