Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 April 2015

Tirada Ni SlickMaster: The Sagada Swarm

4/12/2015 10:36:55 AM

Nasobrahan ata 'to sa hugot, ah.

So, nang dahil sa That Thing Called Tadhana ay naging tanyag na tourist destination ang Mount Kiltepan sa Sagada, Mountain Province.

Oo, at dahil sa sobrang tanyag nito, naging tampulan ng isyu ang naturang bundok na naging pamoso na rin sa kakaibang ganda nito. Oo, lalo na pag tumanaw ka at makikita mo ang naglilitawang kaulapan sa pagsapit ng araw.

Kung maalala kasi, (warning: spoiler na ito, at wala ka nang magagawa dahil hindi na rin ito palabas sa alinmang sinehan sa Pilipinas) naqging parte ng pelikula ang naturang lugar dahil sa eksenang naglalabas ng sama ng loob (ops, hindi siya tumatae dun) si Mace—na ginampanan ni Angelica Panganiban. As in sinigaw niya dun ang lahat ng kanyang himutokmsa break-up ng kanyang jowa for 8 years; and take note: sa seven words din niya sinabi yun. 

Balik sa eksenang pinag-uusapan, ano bang meron sa Kiltepan kaya naging tampulan ng balita ito recently.

May “open letter” kasi dito na nailimbag sa isang blog nun na naglalarawan kung gaanbo daw diumano sinira ng That Thing Called Tadhana ang naturang lugar; yan ay sa kabila pa ng apela ng mga residente ng Sagada na huwag munang dumugin ang lugar na iyun.

Bakit kaya? Marami sugrong dahilan. At maaring may kinalaman ito sa kulutra nila. At ‘yun, kung tutuusin, ay kailangan nating igalang bilang tao dahil sa magkakaiba tayo ng kabihasanan at nakagawian.

Pero hindi kaya noon pa man ay talaga namang pinupuntahan ng mga turista ang Sagada, partikular ang tuktok ng bundok Kiltepan? Maari, kaya siguro naging usap-usapan na rin ito kahit papaano sa publiko. At baka sa malamang, nagdagsaan pa nga ang mga ito matapos ang hype, na hindi lang naman dala ng pelikula mismo, kundi ng mga ilang pahayagan na tinutukan ang pelikula at ang mga bagay na may kinalaman dito.

Subalit maliban pa kasi doon ay hindi naman talagang nakalaan para maging mass tourist destination ang Sagada. Ayon yan Department of Tourism secretary Art Boncato sa kanyang panayam sa Interaksyon.com; bagkus, maituturing lamang ito bilang espeyal na destinasyon para sa mga tao.

Ganun? Oo. Ganun nga.

At isa pa: nagiging problema sa lugar ang suplay ng tubig na nangagagling sa mga spring nito at pinaghahatian ng mga kabahayan at mga hotel.

Yun pa pala: nagkakaroon din ng shortage sa mga lugar na pwedeng makapag-accomodate sa mga dumarayo.

Ngunit maliban pa ba sa klasipikasyon ng pagiging “special destination,” ay isa sa mga napapansing dahilan kung bakit naging hot topic ang Mt. Kiltepan sa nakalipas na araw ay ang mga pagdayo ng turista mismo—na nagresulta naman sa pagdumi diumano ng lugar. Na halos masira na naman ang kalikasan dahil sa pagdumog ng mga ito.

Ayon ito sa litrato ni Dayanne Crisologo sa kanyang Facebook account.

Photo credits: Dayanne Crisologo (Facebook), Interaksyon
So ibig sabihin ba niyan ay maraming sawi sa pag-ibig at gustong sumigaw ng “Tangina! Ayoko naaaaaa!” Maari, pero ewan ko pa rin. 

Tama nga naman: hindi na nagiging maganda kung makikita mo kung gaano kakaumpul ang mga ito na may kakayahang bagtasin ang daan papuntang Sagada nang ilang oras para lang masilayan ang kagandahan ng pagtanaw dito.

Subalit, ang mas masisisi ko dito ay ang mga turista. Nagpadala sila sa pelikula e. Parang instant commercial nga ang dating tuloy ng eksenang ito; siyempre, dahil nakita nilang maganda ang lugar na ‘yun, nasambit tuloy nila na “hanep. Tangina, gusto kong pumunta sa Sagadaaaaaa!!!”

Hindi na bago ang mga ganitong klase ng isyu kung tutuusin. Basta sumikat ang isang lugar, naging tampok sa ilang palabas at tinangkilik naman ng mga tao at nagustuhan nila ito, malamang expect mo na ang ganyang pangyayari.

At kung may kasamamng anggulo ito na “with mass people comes mass garbage,” malamang, isa na rin itong sakit sa ating kultura. Since time immemorial ba naman ay basta dinumog ng mga tao ang lugar—maliban na lamang kung ang lugar ng iyong kinatitirikan ay gaya ng Makati Central Business District, Bonifacio Global City, Capitol Commons at Subic—may mga basurang nakakalat sa kung saan-saan. At sa kasamaaang palad ay tilang wala nang lunas sa ganiutong karamdaman dahil sa katamaran ng mga kumag na idisplina ang kanilang sarili.

Sa totoo lang, maaring hindi ako sang-ayon sa lohika na dapat sisihin ang pelikula sa nangyari. Ngunit sa kabilang banda, dapat nga naman nating alagaan ang ating kalikasan. 

Siguro, talagang nakokompromiso ng turismo ang kalikasan. At moreover, wala talaga tayong disiplina bilang mga tao.
LINKS:http://www.interaksyon.com/entertainment/blogger-blames-tadhana-director-for-sagada-swarm/http://www.interaksyon.com/lifestyle/that-place-called-sagada-residents-and-travel-advocates-ask-tourists-not-to-visit-during-holy-weekhttp://www.gmanetwork.com/news/story/459014/lifestyle/travel/conservationists-urge-tourists-to-skip-sagada-during-holy-weekhttp://self-displacement.blogspot.com/2015/04/reason-for-deleting-open-letter.html

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!