Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

10 April 2015

Yung Totoo?

4/6/2015 8:59:08 AM

Sabagay, may pagkatotoo rin naman ang litratong ito. 

(This photo's randomly spotted over Facebook)
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang tunay na diwa ng alinman sa sagradong bagay, o yung mga may kinalaman sa relihiyon o ispiritwal na aspeto ng ating buhay.

Yung totoo: EVANGELISM o EVANGE-LIGAW? Ang ginagawa mo ba ay para sa ebanghelyo, o dahul may pinopormahan ka lang talaga.

Kunsabagay, isa sa mga katangian na hinahanap ng ilang tao sa kainlang mga partner ay ang “may takot sa Diyos.” Meaning, dapat ay sa kabila ng pagiging matapang nito, mapangahas, o kung anu-ano pang mga karaktesitika na tinataglay ng isang tao ay dapat marunong pa rin itong makonsensya, magbigay ng limitasyon sa sarili partikular na kung ito’y magdudulot ng kasakiman o anupamang uri ng kasamaan.

Kaya nga naman kapag nanliligaw pa silang mga lalake ay minsan (kung hindi madalas) sumasama sila sa mga relihiyosong aktibidades ng mga babaeng nililigawan nila. Yun nga lang, wala sanang masama dito kung ang pakay ng mga ito ay ang seryosong pamamanata sa nasa itaas, at hindi lang sa kanilang faith para sa kanilang sinisinta.

Pero, evangelism o evangeligaw? Hindi na bago ang mga bagay na ito. Siguro, sa panahon na hindi pa uso ang mga telepono ay may mga ganito na. At bakit ganun? Malamang, human nature e. Kagaya ng sinabi ko kanina, ang mga taong may gusto o nililigawan, gagawa ng paraan para makuha ang mga matatamis nilang “oo.”

Besides, hindi naman lahat ng mga taong nag-iibigan ay sa mga gaya ng eskwelahan, opisina, gimikan, at ultimong motel lamang nagkakakilala. Meron din d’yan, nasa simbahan nagkatagpo sa kauna-unahang pagkakataon sa kanilang tanang-buhay.

Pero yung totoo: namamanata ka ba talaga o dahil may sinisinta ka lang talaga? Mula Simbang Gabi hanggang Semana Santa, hanggang pista at ultimong mga ordinaryong araw (yung araw ng Linggo, ang tinatawag nilang araw ng pag-simba), ay ganito ang nagiging gawi. Pero hindi sila magsisimba o mananalangin man lang?! Ayun lang.

As in hindi sila andun para sa seryosong bagay gaya nun? E kung gagawin mo lang naman dating place ang Simbahan, aba, kung ako sa inyo, sa iba na lang kayo magpunta. Wala e. Nakasisira lang ng essence of faith ang ginagawa na yan e.

Cool ba tignan? Actually, hindi e.

Author: slickmaster | (c) 2015 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. This is why I never forced my fiance to practice the same religion I practice. It's never a good thing if your partner gets involved in religious activities only because he was forced, or because he feels that he has to. It always has to come from the heart :)

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!