05/12/2015 04:24:59 PM
Photo credits: Interaksyon |
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko isinulat ito. Hindi naman ako ganap na dubista kung tutuusin, at hindi nga ako nakapanood ng last gig nila na pinamagatang Endless.
Basta ang alam ko ay isang bagay lang: trip ko ang musika nila. At kahit sa panahon na nagiging baduy na ang karamihan sa mainstream OPM, isa ang Urbandub sa mga bandang hinahangaan ko na nanatiling nakatayo sa kanilang bakuran kahit pa ang ilan sa mga pipitsuging artista na ang nagiging “musikero” sa kasalakuyan.
Basta ang alam ko ay isang bagay lang: trip ko ang musika nila. At kahit sa panahon na nagiging baduy na ang karamihan sa mainstream OPM, isa ang Urbandub sa mga bandang hinahangaan ko na nanatiling nakatayo sa kanilang bakuran kahit pa ang ilan sa mga pipitsuging artista na ang nagiging “musikero” sa kasalakuyan.
Hindi man nila kasingtanda ang gaya ng Parokya ni Edgar, o nakasabayan sa pag-usbong ang Eraserheads at Rivermaya, at mas tunog elitista pa sila kung ikukumpara sa mga gaya ng Yano (dahil lahat—kung hindi karamihan—ay Ingles ang lyrics); pero tangina men, ang Urbandub ay isa sa mga dahilan kung bakit buhay ang tinatawag na Origial Pilipino Music (at kung sinumang nagsasabing “OPM is dead” ay malamang nilamon na ng bulok na sistema).
Kaya sa totoo lang, nakakapanghinayang lang para sa mga gaya ng inyong lingkod ang kanilang pagretiro mula sa pagbabanda. Akala namin isang bonggang April Fool's Joke ang lahat, lalo na't marami pa naman ang mga taong nauuto sa Facebook dala ng mga samu't saring balita pag pumatak ang a-uno ng Abril sa kalendaryo.
Pero tangina, hindi e. Seryoso. Disbanded na sila pagkatapos ng taon na ito. At kahit may mga nakaschedule pa sila na commitment sa nalalabing bahagi ng 2015 ay nitong nakaraang Sabado ay itinakda nila ang huling petsa na ang orihinal na apat ng Urbandub ay magtatanghal. Yan ay sa kabila ng biglaang buhos ng ulan at matinding trapiko sa ilang pangunahing kalye sa Kalakhang Maynila.
Ginanap sa Metrotent Convention center sa Ortigas ang Urbandub Endless. Medyo may kamahalan ang ticket, kaya sa kasamaang palad ay hindi nakapunta ang inyong lingkod—maliban pa sa mga napapabalitang nagkaubusan ng ticket sa naturang event; patunay lamang kung gaano kapatok ang Urbandub sa nakararami partikular ang mga mahihilig sa rock music.
Isipin mo na lang kung gaano katindi ang roar ng crowd lalo na kapag nagsising-along sila sa ilang mga kanta ng banda. Bagay na makikita mo man sa ibang konsyerto, pero... iba pa rin talaga ang Urbandub. Sa bawat gig nila ganito kainit ang reception ng mga tao sa kanila. Oo, masasabi ko talaga yan dahil minsan ay napanood ko na sila sa isa sa mga dating event na pinagperforman nila.
Sa loob ng isang buong gabi, ang astig na musikahan, mga alaalang nakunan ng mga telepono at camera, ang wild na sigawan at talunan ng crowd, at kung anu-ano pang memorableng mga bagay. At isipin niyo, maliban pa sa front act na Franco ay 21 sa mga kanta nila—na hinati sa 3 sets (kabilang ang encore). ASTIG!
Pero pagkatapos ng lahat, goodbye Urbandub na....
Sabihin na nating marami pang ang kagaya nila sa industriya sa ngayon, at marami pa ang mga umuusbong na mga banda dyan.
At sa totoo lang, yan ang mga tipong dapat maappreciate ng tao kahit madalas kinukulang sa exposure.
Pero iba ang Urbandub e (no Mace Castillo-impersonation pun intended). Sila Gabby Alipe yan, sama mo pa si Lalay Lim, saka sila Janjan Mendoza at Janjan Dinopol. Ibang klase ang tugtugan nila, dinayo pa ang Maynila at ibang bahagi ng Pilipinas at utlimong ibang bansa para palaganapin ang musikang ibinabahagi nila.
Pero alam niyo mga tol. Okay na rin: 15 years is no joke. Napakabihira lang ng mga banda ang umaariba ng ganyang katagal sa eksena. Yung iba nga dyan, sobrang galing tapos nadidisband pagkatapos e (at tama si Chito Miranda sa statement na ito).
Wala e. Ganun naman talaga ang buhay e; hindi lang sa musika, kundi sa pangaklahatan. Ika nga ng isang antigong kasabihan, all things must come to an end (kung magpapakadrama ka, parang kanta lang yan ni Nelly Furtado: All good things come to an end).
Pero hindi biro ang 15 taon. Sa kabuuan ng panahon na yun, sila ang kauna-unahang indie band na nagkaroon ng album—at nairelease pa ito nationwide sa tulong ng isang major record label. Astig!
At tingin ko, panahon naman na para magkaroon sila ng panahon sa kani-kanilang mga ibang prayoridad sa buhay, lalo na't pamilyado na ang karamihan sa kanila. Si Lalay Lim (na isa sa mga crush ko dati) ay may pamilya na gaya ni Gab. Maliban pa riyan, may negosyo pa siyang ginagawa at tila tumutulong pa sa paghulma ng talento ng bawat batang musikero sa ngayton. At walang masama sa ganun.
Sa loob naman ng isa't kalahating dekada ay napakarami naman nilang naimabag sa industriya at kultura e, mula sa dumadagundong na tambol hanggang sa makapangyarihang tunog ng gitara hanggang sa tindi ng boses ni Gab, hanggang sa pwersa't mensahe na dala ng kanilang mga nilapat na titik. Sapat na yun.
Ika nga niya, panahon naman para sa iba; sa bagong henerasyon ng music fans.
Siguro ang pinupunto ay ang mga taong magmamahal sa musika dahil sa "musika sila," at hindi dahil sa.... alam niyo na. Sabi nga naman niya sa isang ulat ng Rappler, "There's no such thing as endings, only new beginnings."
Basta, kung may reunion conert man ito, doon na lang ako babawi!
That's a big IF though.
Mabuhay ang Urbandub at ang lipunan ng mga dubista!
Naniniwala ako ang musikang pinalaganap ng mga Cebuanong ito ay ENDLESS, kahit pa sabihin nating THE FIGHT IS already OVER and they are GONE for their own good.
That's a big IF though.
Mabuhay ang Urbandub at ang lipunan ng mga dubista!
Naniniwala ako ang musikang pinalaganap ng mga Cebuanong ito ay ENDLESS, kahit pa sabihin nating THE FIGHT IS already OVER and they are GONE for their own good.
This may not be the FIRST of SUMMER anymore but certainly anyone will wish the spirit will last forever.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!