5/2/2015 2:07:53 PM
memecrunch.org |
Isang bagay ang kulang sa lipunang ito: maging appreciative sa mga bagay-bagay.
Ano ang tinutukoy ko? Tignan mo ang kaso niu Mary Jane Veloso na halos inayak ng karamihan sa Samabyanang Pilipino ilang oras bago ang kanyang nakatakdang execution noong nakaraang Abril a-28.
Okay sana e. At least nakaligtas siya kahit makipagtalo ka pa na pansamantala lang naman ang reprieve sa kanya eh. And as much as ayoko sanang patulan ang isyung ito dahil sa nuknukan ng pagiging kumplikado, may nakita ako na isang problemadong anggulo: ang pagiging ingrata ng kanyang ermat na si Celia Veloso.
“Hindi raw tinulungan ng pamahalaan ang kaso ni MJ.” Nakatulugan ba, o long overdue.
Ows, talaga lang ha? Hindi naman obvious na ginagago mo naman kami nito, ano po?
Ayon sa ilang mga ulat, noong 2010 pa nga raw ito tinututukan ng Department of Foreign Affairs. Aba dun pa lang pala ay kahit papaano ay napansin na ito. At ayon na rin yan sa isa sa mga kaibigan ko na nag-OJT dun before (International Relations ang kurso niya). Kung tutuusin, makikitaan pa nga ng problema si MJ sa kasong yun, ayon sa obserbasyon niya.
Sa madaling sabi, kahit maliit na bagay ay may ginawa ang administrasyon. Pero dahil mahihilig tayong magreklamo o manisi ay tinatanggap na lamang nila ito. Sa mata natin, sila na lang ay mali, kahit minsan wala naman silang ginagawang masama.
At dahil may “command responsibility” na tinatawag, inaako talaga ito ng kuya mo.
At hindi ako kumakampi sa administasyon ha? Pero hindi rin ako panig sa mga siraulong gumagawa ng isyu sa lipunan para lang manggago ng kapwa nila.
Pero balik sa isyu: nailigtas na siya sa ngayon. At baka sa malamang, marami pa ang mangyayari sa kasong ito.
Pero, walang ginawa ng pamahalaang ito? Sigurado ka, hija?
Siguro sinasabi niya dun dahil naiinip sila. Oo, limang taon ba naman ang abutin bago ito makarating sa kamalayan e.
Siguro nasambit niya yun dahil kelangan pang ma-media ang mga kalagayan para lang magising sa sampal. Pero hindi kasi lahat ng mga pangyayario ay kailangang idaan sa mainstream media lalo na kung kapakanan naman ng tao ang makokompormiso (na para bang kailangan mong sabihin ang lahat sa social media).
Pero dahil nga nangahas na silang magsapubliko ng kanilang hinaing, good luck na nga lang, ano.
May sinasabi din: na maaring pinulitika ang lahat. As in brainwash ba. Tsk. Basta pulitika nag pinairal, sira ang sistema.
At sa kasong ito, maaring mainis tayo, bilang taumbayan sa ginawa ni Celia. Pero gaya ng anggulong human trafficking na ipinukol sa kaso kay MJ, ang ermat din mismo, tahasang kinokondena bilang 'ingrata' ay maaring isa ring biktima ng sistemang ito. At sa puntong ito, hindi pa ring masasabing kasalanan ito ni PNoy at ng kanyang mga alipores; ngunit mas nakakaawa nga lang ito sa parte ng pamilya (Oo, kahit ingrata pa kamo sila).
Siguro sinasabi niya yan dahil sa nagwiwika ang pamahalaan kung ano ang nagagawa nila sa bawat suliranin, particular sa kasong ito ni Mary Jane. At trabaho nila yun kung tutuusin, dahil tayo ang boss nila e. Tignan mo nga, nakinig sila sa utos ng tao, dala ng pagsuko ng rectuier ni MJ – bagay naman na posibleng may kinalaman sa isyu ng human trafficking.
Sa totoo nga lang, dapat nga pasalamat pa ang pamilyang ito sa gobyerno ngayon dahil bottomline: ang pangulo pa rin ang umapela sa pangulo ng Indonesia. At sa kabila ng kanilang katayuan sa isyu ng pagsugpo ng krimen, dapat nmga rin ay pasalamatan rin si President Widodo.
Kasi kung matigas ang puso nila, malamang sisisihin mo pa rin si PNoy dahil hindi niya naisalba ang buhay niya.
Pero ngayon na kahit papaano’y nakaligtas, kasalanan pa rin nila? Naknampucha.
Nakakagago naman yata yan. Pero hindi lang sila ang may panawagan diyan. Meron nga dyan nagtatawag na dapat magresign si PNoy dyan e. Dahil lang dyan?
Putanginang lipunan ‘to oh.
Sa totoo lang, marami mang kapalpakan ang administrasyong ito (aminin natin), pero bigyan naman natin ng credit kung karapatdapat naman. Kilalanin naman ang ambag nila, barya man o bulto ang halaga.
Dyan tayo kulang e. Ang hilig nating gamitin ang bunganga para magreklamo. Pero hindi naman natin ginagamit ito para magbigay-puri sa nararapat na tao sa kanila. Aminin man natin, hindi naman andyan ang gobyerno para magmukhang masama sa lipunan gaya ng karamihan na inaasahan sa atin e (tangina, kung ganun lang din e di sana matagal na tayong sira bilang isang estado).
Nakakaloka lang.
At sa totoo lang, para lang tayong pinapikot ng media nito e. Papapraningin ang lipunang ito sa balitang yan. Tapos to the extent na “shet! Mamatay na siya!!!! Bibitayin na siya!!!”
Tapos pag hindi natuloy, “Mabuhay!” Well, okay sana kung nangyari ito. Yan ay kung magtutulungan lang ang mga partido sa halip na magsisihan.
Kaso kung pauulit-ulit na siklo lang nag mangyayari sa susunod, ay pucha...
Oo, putanginang lipunang ito naman oh!
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!