Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

24 May 2015

"OPM is not dead. Hindi ka lang talaga nakikinig ng indie."

4/22/2015 1:15:08 PM


OPM is not dead. Hindi ka lang talaga nakikinig ng indie.

Ewan ko ba. Pero...

Original Pilipino Music is dead? Ginagago mo ba sarili mo? Niloloko mo ba kami?

Alam ko, nauurat ka na sa ilan sa mga nakikita mo: mga umaarte, nagko-crossover na maging singer (maliban pa sa pagiging dancer). wala sanang masama dito pero siyempre, hindi naman yata pwedeng isabak lahat lalo na kung hindi pa naman siya ganun kahasa. 

Ganito yata kasi ang dikta ng negosyo ngayon sa mayorya: kahit basura ang produkto, sige na... tanga naman ang karamihan sa mga makikinig sa kanila e.

Pero... para sabihin na OPM is dead? Baka hindi ka pa yata kasi nakakagala sa mga bar.

Ito rin kasi ang mahirap e. Sa mata ng mga sarado ang kamalayan, ang nightlife ay para sa mga nag-aadik sa bisyong naiisip mo. At kung ganun ang pananaw mo sa buhay, putanginang yan, ang bulok ng pananaw mo. Hindi lahat ng mga lagalag na nocturnal ay gaya ng iniisip mo na panay droga, alak at sex ang nasa sirkulasyon.

Tanga lang ang maniniwala sa ganung stigma. In fact, ang musika pa nga ang nagsisilbing tagapag-palaya ng kaluluwa ng isang tao mula sa marahas na mundong ito na tumatakbo sa kapitalismo, pulitika at samahan mo na ng kabullshitan ng mainstream media. a pagsapit ng gabi naririnig ang mga talnhaga ng bawat kataga, ang malalalim na tugmang nakapalat sa astig na ritmo, at higit sa lahat ang tunay na sining sa musika.

At para sabihin na matamlay ang kabuuang industriya ng musika sa Pilipinas ay isang napakalaking kabalastugan. Oo, kalokohan. Katarantaduhan. "OPM is dead" mo mukha mo. Hindi lahat ng napapanood mo sa telebisyon at napapakinggan mo sa radyo ay repleksyon ng estado ng kabuuang OPM.

Hindi mo ba alam na mararaming mga musikero—soloista man, duo, trio, banda o malalaking grupo—sa bansang ito ang nagbubuhos ng kanilang panahon, salita, at alinman ang kayang pigain sa kanilang utak at puso para lang may mapakinggan ang karamihan sa inyo? (Oo, sila naman tutal hindi ka naman nakikinig eh.)

At sa totoo lang, maraming talentado sa larangang ito. Mararaming gumagawa ng kanta. Maraming nagsusulat; maraming katha ang hindi napapansin ng marami. Bakit? E underground daw kasi sila e. At ang mga nasa underground ay may serye ng napakaraming stigma.

Ulol. 

OPM is not dead. Hindi ka lang talaga nakikinig ng indie. Kung pagsusumamuhin, subukan mo kayang tumangkilik sa mga lokal na programa sa Myx at MTV Pinoy? O sa mga palatuntunang gaya ng Fresh Filter ng Jam 88.3, Local Vocal ng Magic 89.9, o ultimo yung Concert Series ng RX 93.1?

O subukan mag-time out mula sa stress ng buhay (samahan mo pa ng jeskeng teleserye na wala nang ginawa kundi ang mapabira ka ng leche) at makinig sa ilang set ng banda dyan sa mga lugar na gaya ng 19 East, Saguijo, 70s Bistro, Cafe Lupe, Black Kings Bar, at Route 196? Baka sakaling magbago pa ang pananaw mo.

OPM is not dead. Hindi ka lang talaga nakikinig ng indie. Mararaming magagaling ang pangalan sa larangang hindi saklaw ng mainstream. Gusto mo ng ilang halimbawa? Maya’s Anklet, Lions and Acrobats, Banna Harbera, Sud, Tonight We Sleep, Niki Colet, Dayaw, Alasmedya, Tandems 91, BP Valenzuela, Pino G, MilesExperience MC Dash, Rjay Ty, Zaito, Kjah, Lei Miserable, Assembly Generals, Library Kids, Reese and Vica, at kung sinu-sino pa (masyadong mahaba ang listahan); at ultimo ang mga nakakakuha na rin ng atensyon sa madla gaya ng Lyrically Derangaed Poets, Stick Figgas, Autotelic, Flying Ipis, Reklamo, Johnoy Danao, at ilan sa mga naunang nabanggit.

Kung panay artista lang ang alam mong kumakanta, e dyan ka kinulang.

Kaya sa totoo lang, napakadaling sabihin na patay o naghihingalo ang OPM dahil sa ilan na lang napapakinggan mo sa radyo; yung tipong isang lokal na kanta ang napakinggan mo sa 2-3 oras na programa sa radyo. O kung panay labsung lang ang naririnig mo kung OPM man sa mga masa station.

OPM is not dead. Hindi ka lang talaga nakikinig ng indie. 

Try mo kaya kahit minsan?

Oo. Kinig-king din pag may time.

Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!