Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 May 2015

Tirada Ni SlickMaster: CAEX-ekan?!

05/13/2015 06:41:37 PM



Isa sa mga nakakalokang balita sa kasalukuyan ay ito: ang panukalang pagpapalit ng pangalan ng North Luzon Expressway.

Oo, gagawin daw itong Corazon Aquino Expressway.

What the?!

Pambihira.

May airport na nakapangaln na sa kanila. Mayroon na ring ilang eskwelahan. Bagamat ang mga ito ay maaring maintindihan ang pagioging balido ng argumento. Bakit ang walang kamalay-malay na expressway pa ang planong palitan ng pangalan?

E hindi naman sila ang nagpagawa nito, 'di ba? Kung tutuusin, kung may mas nararapata pang mga tao ang gawaran ng naming rights sa NLEX, yun ay yung mga pangulo noong dekada '60 na nagpagawa nito.

Oo, sila ang mga karapat-dapat. Bakit? Kung matutuo kang mag-Google o Wikipedia, malalaman mo na ang North Luzon Expressway ay isa sa mga malalaking proyekto ng PNCC. At ang dating pangalan pa nga nito ay Expressway 1 (E1). At kung hindi ka maniwala, aba, ewan ko na sa'yo ano.

'De. Maliban pa dun ay tinawag din itong Radial Road 8 (R-8), Manila North Expressway, North Diversion Road, at Marcelo H. Del Pilar Superhighway.

Binuksan ang MNEX biulang tollway facility nito noong Agosto 4, 1968. Ito ay may habang 27 kilmotero at ang binabagtas nito ang ruta mula Balintawak hanggang Tabang sa Guguinto, Bulacan. 

Halos isang dekada naman ang nagdaan ay humaba ang NLEX, at ito ay hanggang Sta. Ines sa Mabalacat, Pampanga.

At 30 taon ang lumipas—kabulang ang samu't saring aksidente at pagkabagot sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga piling araw nito—ay nagkaroon ng serye ng malalaking pagbabago sa naturang thoroughfare.

Mula roon ay dumami rin ang mga exit points ng NLEX.

Pero, wala dun yung usapan. Dito tayo sa naming rights.

Ano, North Luzon Expressway, gagawing Cory Aquino Expressway?

Ewan ko ba kung ano ang nakain ng herodes na kongresista na nagpanukala nito. I get it: Kung hindi dahil sa kanya ay hindi naging malaya muli ang ating repulbika. Ngunit ito ang problema: sobra-sobra na yata ang pag-glorify kung magkataon na pangalanan pa ang NLEX sa kanya.

Maliban pa riyan: marami pang problema ang mas dapat pagtuusin ng mga tao, at isa na riyan ang pagtama sa mga nasasabi sa kasaysayan.

Oo, sabihin na natin na diktador siya sa tanang-haba ng kanyang panunungkulan bulang Pangulo; pero 'di ba sa panahon rin niya naging mas umusbong ang proyektong ito. 

So, ang sa lagay ay credit-grabbing pa ang mangyayari? Huwag naman ganun, madam congressman. Leave NLEX as NLEX, the North luzon Expressway we all used to know and travel. May airport na nga na nakapangalan kay Ninoy e. Tapos hindi pa magawang ayusin ang naturang pantalan. Aantayin pang masensationalized ng mainstream media at mabash sa social media para lang umaksyon at baligtarin ang reputasyon mula sa tinaguraing “One of the worst airports in the world?”

Nyai. Bastusan naman ata to eh.

Sige, pangalanan na ng Aquino ang lahat ng posibleng pangalanan. Mall, flyover, ultimong eskinita. 

Hindi na ako magtataka kung sooner or later, gaya ng ilang patawang kumento ng marami sa Facebook ay gawing Aquino Republic na ang pangalan ng Republika ng Pilipinas.

Naku, huwag naman sana, ano!

Links: 


Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!