5/17/2015 7:16:01 PM
Supalapal. Yan ang maitatawag ko sa hatol at parusa ni PBA Commissioner Chito Salud sa isang coach ng PBA D-League matapos ang isang insidente noong nakaraang Huwebes.
At yan ang mapapala mo sa panununtok sa isang referee. Kahit makipagtalo ka pa na mali-mali ang tawag nila.
Ang problema; opisyal sila... ng laro. Habang ikaw, opisyal rin naman, ng koponan na nakikipaglaro sa liga.
Imagine mo: kalahating milyon ang multa tapos habang-buhay ka pang banned sa lahat ng mga aktibidades sa PBA. Malamang, ito na ang pinakamabigat na paursa na napatawan sa PBA D-League—at sa PBA mismo.
Pero ano pa bang bago sa dating coach ng Cagayan Valley Rising Suns na si Alvin Pua? May mga ulat pa nga dati na sa nasupalpal pa siya ng limpak-limpak na multa nnun dahil sa pakikipagtalo sa mga tawag ng mga referee.
Ayos sana e. Kampi na sana ako sa kanya, tutal napapansin ko rin na may ganitong kalokohan — hindi lamang sa PBA, kundi sa mayorya ng Philippine basketball. Kaso...
Sangkot rin pala siya sa isang racial slur nun na ginawa ng isa sa kanyang sdtaff sa isang manlalaro nun na si Ola Adeogun. At ang racism ay kailanman, walang lugar sa mundo ng palakasan (kahit ironically, ang ‘palakasan’ ay may ibang kahulugan sa ating bansa).
Yan talaga mapapala ng mga to kung ganun.
Pero, yun nga lang, kung multahan ang usapan; nararapat bang tawaging “Pera Basketball Association” ang PBA? Hahahahahahaha!
Parang pwede rin kung tutuusin. Sa dami ba naman ng pinagmumulta e. Pero, yan naman kasi ay resulta ng kanilang kalokohan sa court din e. Dala ng init ng ulo e. Ang ganung bagay din ang gusto ng ilang mga tagahanga. Siyempre, pag nakita nila na “ay, pucha, ang dumi palang maglaro ng mga ‘to!” malamang may makakantiyawan sila.
Siguro, maliban pa dun ang dahulan kung bakit pa pinagtanggol ng manager ang kanyang head coach.
Ayon rin kasi sa isa sa mga ulat ng RIVALS, ay isa sa mnga bright at hardowrking coach si Pua. Ang kanyang no-nonsense approach sa laro ay naging pundasyon para sa Cagayan Valley Rising Suns para maging isa sa mga top teams sa PBA D-League nitong nakraang kumperensya.
Maliban pa dun, ay malamang, marami pang mapapansing mali sa pagtawag ng mga referee. Pero, wala e, hindi solusyon dun ang bumira ng low blow at sapak sa mukha. Lalo lang lalala ang problema. Baka magmeeting pa kayo sa hukuman.
At dahil dyan, supalpal ka pa ng bente mil. Sakit!
Siguro patas lang talaga ang mundo, Kung may angking kagalingan man ang isang tao, may angking kakulangan din ito. Walang masama dun. Tao pa rin siya kahit anong gawin mo. Kahit masipag pa siya, at sa kabila nun ay may pagkabarumbado naman ito.
Hindi masasabing nuknukan ng sama ng tao kagad ang isang tao—maliban na lang siguro kung nakakailang beses na siyang bumibinggo.
At sa kaso ni Alvin Pua, well, wala e. Siguro, sa panig nila, ginawa lang niya ang nararapaat na mensahe kahit minsan masakit at mahirap ang pamamaraan.
Yun nga lang, out of bounds pa rin. At ika nga, walang mas nakakataas pa sa batas. Oo, kahit sa basketball pa yan.
LINKS:
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!