05/21/2015
08:43:57 PM
Anong meron?
Bakit may West Valley Fault sa
Philippine trends sa Twitter nitong nakaraang Martes at Miyerkules?
Well, marami kasi ang nabahala ukol sa
isang balitang nilabas ng PHIVOLCS, na isang malaking lindol ang
maaring maganap sa West Valley Fault.
Ows, weh? Di nga?
Well, hindi nagbibiro ang mga ito; kahit makipagtalo ka pa't sabihin na “Walang sinuman ang kayang makapagpredict ng isang lindol. Hindi ito gaya ng mga bagyo.”
Oo. Tama ka dun. Pero hindi ibig
sabihin ay hindi na rin sila magbibigay ng babala, ano.
Pero ano pa bang bago sa balitang ito
kung tutuusin? Parang since time immemorial ata ay nag-eexist na ang
mala-panakot na babalang ito e.
Kung mapapansin kasi: since nung
tinamaan ang Luzon—partikular ang lungsod ng Marikina—ng bagyong
Ondoy, ay sumulpot din sa maisnrteam news ang item na ito. At kada
pagkakataon na nalalagay sa estado ng alanganin ang naturang lugar,
pati na rin ang mga naglalakihang kalamidad dito man sa Pilipinas o
sa ibang panig ng mundo, ay dinaragdag sa lineuip ang balita ukol sa
West Valley Fault.
Ayon kasi sa PHIVOLCS, apat na beses na
gumalaw ang West Valley Fault (na may dating pangaklan na Marikina
Valley Fault). At ang huling matinding pagyanig daw nito ay noong
taong 1658 pa.
So, ang sa lagay ba ay
over-sensationalized na ba?
Kunsabagay, kung oobserbahan kasi ang
kabuuang hulma ng lupa at istruktura ng Kalakhang Maynila ngayon,
mapapansin na ang tila-lambak ang istura nito na tinayuan ng mga
bahay. Hindi naman urban jungle ang datingan ng naturang terrain.
Sinasabing ang the big one ay maaring
nagtataglay ng lakas ng Magnitude 7.2 na lindol na kayang sirain ang
anumang istrukutra. May kakayahan din ito na kitilan ang mahigit 33
hanggang 35 libong buhay.Ayon na rin ito sa mga naunang ulat ng Japan International Cooperation Agency.
Mas nakakatakot ba ito sa SAW,
Conjuring, Anabelle, at Sadako, mas nakakathrill ba ito kung
ikukumpara sa The Day After Tomorrow, 2012 at San Andreas? Hindi ko
masasabi. Daig pa nga ata nito yung mga damagae sa mga napapanood
mong Ultraman, Shaider o Voltes V na palabas e.
Isang bagay ang sigurado: nakakatakot
pa rin siya—to the extent ha hindi kailangang magparamdam ang mga
nilalalng na nakikita mo sa horror movies.
Anu-ano ang mga maari mong gawin?
Sumama sa mga earthquake drill, maging maalam sa mga tiops kung ano
ang pre at cautionary mesaure na gagawin. At higit sa lahat, tignan
ang lugar na kinatitirikan.
At kung sakaling pumalya ang lahat,
baka kasalanan pa ng kuya mo ha? Kaya nga West Valley FAULT, 'di ba?
Pero anyway, walang makakapgsasabi kung
kelan eksakto tatama ito. Maging handa na lang.
Ay pucha. Sabay naalala ko. Habang
sinusulat ko ito...
…ay nasa West Valley Fault pala ako.
Author: slickmaster | (c) 2015
september twenty-eight productions
Kaya nga naghahanda na rin ako eh, lalo na't ako na lang ang mag-isa dito sa bahay sa Montalban. Lumipat na rin kasi sina Mom sa new house namin sa Antipolo. Di baleng masabihan na ako ng iba na "napa-paranoid" na ako, but since Elementary kasi, Science teachers taught me that earthquake happens everyday. By next week or as long as may budget na ulit ako, I wanna invest na rin sa survival kit.
ReplyDelete