06/26/2015 06:37:19 PM
Si Binay, si Binay at si Binay.
Halos lahat ata ng malalaking balita noong nagdaang mga araw ay ukol kay Bise Presidente Jejomar Binay.
Paano ko nasabi ang mga ito?
Si Binay, si Binay at si Binay.
Halos lahat ata ng malalaking balita noong nagdaang mga araw ay ukol kay Bise Presidente Jejomar Binay.
Paano ko nasabi ang mga ito?
Una, nagkaroon ng resulta ang Pulse Asia survey na nagsasabing isa sa mga pinagkakatiwalaan na tao sa pamahalaan si Binay.
Ay, weh, di nga? Ang isa sa mga matutunogn na pangalan sa korapsyon, pinagkakatiwalaan ng amsa? Kalokohan ata ito.
Ewan ko. Dala ba ioto ng mga PSA niya sa telebisyon. Pero masyado naman yata tayong perpekto at malinis para pulaan nang ganung katindi ano?
Ilang araw ang dumaan at biglang nagbato ng resignation letter si Binay. Aniya, resigned na siya bilang miyembro ng gabinete.
At sumunod nito, nagpaunlak siya ng press conference sa Coconut Palace. Tila sawa na siya sa mga isyu ng katiwalian na palagian na lang ipinupukol sa kanya. Kaya ayun, sumabog na yata. Daig pa yung “ano ano ano???” clip na nakunan ng media.
Ayun. So ano naman kung ganun?
Asus, panibagong yugto na naman ito sa ating sarswela. Sa totoo lang, ayaw ko na makisawsaw sa isyung ito dahil matapos ang lahat ay panibagong kalbaryo rin naman ang haharapin natin.
Oo, alam na nating lahat na magkakaroon talaga ng ganitong hidwaan sa pamahalaan. Bakit? Malamang, hindi naman siula magkakapartido e. At kahit magsama man, hindi rin naman sila magkakasundo sa lahat-lahat ng bagay.
Ito lang, ano: ayos lang na magpahayag tayo ng saloobin ng pagkaayaw sa kaniya, dahil sa totoo lang, kung tiwali rin naman ang taong ito simula't sapul pa, ayan na e. Obvious.
Ang problema kasi sa atin: masyado na rin tayong nagbibigay ng himutok. Tignan mo ang nangyari sa ibang pulitiko gaya ng anak niya. Ilang buwan bago ang 2013 Senatorial/Midterm Elections ay nagbato tayo ng kung anu-anong paratang ukol sa kanyang 'incompetence' at sa kanyang balat na rin. Tingin natin kasi hindi siya deserving na maging parte ng mga senador sa kasalukuyan.
Pero ano nangyari, aber? May gana pa tayo magbato ng paratang sa mga 'bobotante.' Oo, mga mangmang nga sila kung tutuusin. Pero ito ang problema: hindi lahat ay magkakahanay ng utak—pareho lamang sa kung gaano tumingin ang estado ng tao sa katayuang pinansiyal o socio-ekonomiko.
Palaganapin ang salita, oo. Pero may kulang na hakbang: ang tahasang ipamulat ang mga kababayan—partikular sa mga masa—ang ano ang tama sa mali pagdating sa usapin ng pulitka.
Ay, wala ba silang pake? Dahil mas papatulan pa nila ang showbiz kesa dito? Kupal kasi ang mainstream media na tinatangkilik mo eh.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!