Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 June 2015

Signs of an NBA Finals Bandwagoner

06/17/2015 04:52:35 PM

collectivelifestyle.com
Sa alinmang malalaking kaganapan sa larangan ng palakasan o sports, uso na rin ang makisali o makiuso sa mga bagay-bagay. Oo, mula Superbowl hanggang sa mga malalaking laban sa boxing hanggang sa matitinding bakbakan sa UFC at ultimo ang WrestleMania sa WWE.

At sa larangan ng basketball, maliban sa PBA, at maliban sa All-Star Game, ang NBA ay may malalaking serye na tinatawag na The Finals. Dito ang nagsisilbing hantungan sa mga naging matitibay na koponan sa Western at Eastern Conference. Isa sa kanila ang tatanghaling kampeon ng liga habang ang isa naman ay uuwing runner-up.

Sa kaso nitong araw na ito, ang Golden State Warriors ang team na nagwagi ng NBA Championship matapos dispatsahin ang Cleveland Cavaliers sa Game 6 nito sa Quicken Loans Arena, 105-97.

Si Andre Iguadola ang naging Finals MVP.

Pero hindi yun ang tatalakayin natin. Dahil sa bawat simula hanggang sa pagtatapos ng NBA Finals, maraming tao ang sumasakay sa isyu. Bandwagoner—o sa mas pormal na terminolohiya (kung masyado kang maarte sa spelling), bandwagon-rider—ika nga. Sa kaso ng taong ito, sila yung mga...

Nakiki-fan sa isang koponan dahil sa ilang mga sirkumstansiya gaya ng:

Yung kinampihan nila sa ngayon ay tinalo ang talagang manok nila; o

Gusto nilang gumanti sa team na tumalo sa kanilang bet.

Sa kasong ito, may mga 'fan' ng Cleveland dahil ang team nila ay tinalo ng Golden State; at mayroon din namang mga naging fan ng Warriors dahil ayaw nila sa Cavaliers—partikular kay LeBron James, na isa man sa mga batikang manlalaro sa liga ngayon ay kinamumuhian din ng halos karamihan.

Teka, ano bang ayaw nila kay LeBron? Maliban sa pumangit yata siya dahil sa wala na siyang headband? Maliban pa sa minsan di siya natatawagan ng mga referee? Maliban sa nababadtrip siya sa kanyang mga kasama kung minsan?

Ewan ko.

Dagdag riyan, sila rin yung tipong kakampi sa isa dahil may pusta sila. Kaya minsan, ganun na lang din sila makapag-react. Puta, kala mo naman binabayaran mo ang mga 'to para maglaro, ano; samantalang gapiso lang naman ang pinusta mo.

Ay, mali ba? Mga diyes o bente mil? Kaya naman pala e. Iyak-tawa siya nung naolats ang pinustahan niya. Aba, minsan, humanatong pa sa personalan ang ganyan. Tsk.

At kung mamalas-malasin pa, sila rin yung klase na kapag nag-champion na yung ayaw nila na team, magpapaka-Bitter Ocampo sila. Akala mo naman ay mamamatay ka bukas, o kung ikasasalba ka mula sa iyong pagkakulelat sa klase o pagporma sa chix yan.

Minsan nga, yung iba na (ilagay natin sa panahon ngayon) na Cavs fans, di nila kakausapin ang tropa nila na tagahanga ng Warriors hanggang magsimula ang bagong season ng NBA sa June. 'Tol, sports laang, ika nga ni idol Iran Panaganiban. Affected much ka sa pagkatalo nila LeBron? Uso ang magmove on. Baka sakaling umayos pa ang buhay mo, tsong.

At yung mga tagahanga naman ng nanalo, well, okay lang makipagcelebrate. Pero hoy, huwag kang masyadong mayabang. Hindi ka naglaro at nakicheer ka lang. Kahit wala nga yang cheer mo ay mananalo pa sila no!

Yung iba nga nakiki-congratulate lang kahit di nila alam yung kino-congratulate nila (unless kung isa kang diehard staler, este, fan ni April Gustillos). Yung tipong “Congrats, Golden State” kahit hindi naman talaga nanunood ng laro, o as in masabi lang na “oy, fan ako ng Warriors,” o “Hindi ako bitter.”

Sa panahong ito, karamihan ay naging biglaang tagahanga ng NBA. Siguro no choice dahil malinaw ang reception ng nag-iisang channel sa telebisyon nila. Siguro dahil sa curiosity na rin. Siguro dahil marami ang pinagtitsimisan, mula sa kanto hanggang sa Facebook.

At kung may instant fans, meron ding mga instant sports analyst. Walang masama dito, lalo na kung alam mo ang larong ginagalawan mo, kung alam mo ang mga huling kaganapan sa NBA, at lalo na kung naglalaro ka.

At least, yan ang pinagkaiba mo kung ikukumpara dun sa mga nagmamaang-maangang magaling pero mas magaling pa yung mga bano mag-isip sa kanya pagdating sa basketball. Yan ang pinagkaiba mo sa mga taong nakikiretweet sa Twitter para masabing 'in' sila sa craze. Yan ang pinagkaiba mo sa mga taong wagas makapagcomment, akala mo naman kung sinong may dunong sa sport (baka nga sa Facebook at hindi sa Wikipedia pa nanggaling ang mga kaalamang natamo niya eh).

Sa kasong ito, sila yung mga tipong “Uy, alam mo ba, na sa unang laro ni LeBron James ay mahigit 200 puntos na ang kanyang ginawa? Lagpas na nga niya si Rick Barry eh.” to which I retaliate at bibira ng “Check your facts straight! Ni wala ngang nakascore ng lampas sa 61 points sa isang NBA Finals game eh!”

At yung tipong “Tangina naman! Ang tanga mo maglaro LeBron!” na minsan ang sasarap lang din barahin ng “E putangina, kayo kaya mag-coach o maglaro? Baka nga mas bano ka pa kay Brian Scalabrine eh!”

Pustahan, marami dyan naging bandwagoner sa NBA Finals dahil sa kanilang paghanga sa mga 'gwapong' player gaya nila Steph Curry, Klay Thompson at Matthew Dellavedova.

Tangina, akala ko pa naman kaya mo sinabing fan ka ni Steph dahil sa galing niya sa 3 points.

Kunsabagay, sa ilan rin kasi, una nilang pupunahin ang itsura ng tao. Pero sana naman ay wag lang tumingin sa itsura nila, ano? Ganun talaga napapala pag sumasahod ka ng milyones sa NBA: nakakabili ka ng magagarang damit, nakapagpapaayos ka ng mukha (hindi sa pamamaraan ng surgical ha?) at kung anu-ano pang magpapaganda sa iyong pisikal na imahe.

Hindi ito gaya ng mga nakikita mo sa showbiz na hindi naman mang-aawit, sintunado pa nga ang tono ng boses, aba'y tinitilian niyo pa. Umayos nga kayo. Sports itong pinapanood niyo, hindi entertainment (unless sports entertainment ito gaya ng wrestling). Yan napapala ng pagiging palalutang palagi sa mababaw na mundo e.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!