Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 June 2015

Tapos na ang NBA Finals. E Ano Ngayon?! (v. 2015)

06/18/2015 10:48:14 AM

Sa wakas, matapos ang apat na dekada—o ang panahon na sila Rick Barry ang matunog sa koponang ito, nagwagi muli ang Golden State Warriors ng kampeonato sa NBA.

So... pagkatapos nito, ano na?

E ano naman kung nagtapos na ang NBA Finals?

E ano naman kung nag-champion muli ang Golden State?

E ANO NGAYON?!

After 51 years, hindi pa rin manalo-nalo ang Cleveland ng championship sa alinmang major sports league sa North America. At sorry, hindi counted rito ang pagkapanalo ng professional wrestler na si Dolph Ziggler ng kanyang intercontinental title sa WWE TLC.

After two cameo sa finals, hindi pa rin nanalo ang Cleveland Cavaliers. At ito pa ang masaklap: nagtapos ang serye ng kanilang mga kinalaban sa loob Quicken Loans Arena. Oo, ang homecourt ng Cavs. 
Ouch.

Pero ano naman ngayon?

Ayun, di pa rin makamove on ang ilang bitter sa resulta sabay bibira nang “Tangina, wala na ngang forever, olats pa ang Cavs ko!” sabay may sasabat naman ng “merong forever. As in forever loser!” And the rest is history.

So tapos na ang NBA Finals. Ano naman na ngayon?

Aalis na naman ba si LeBron? Iiwan na naman niya ba ang Cavaliers? Ayon kasi sa mga ulat sa ESPN at CBS, posibleng gamitin ng 6-foot-8 250 lbs. superstar ang kanyang “opt out” clause sa kanyang kontrata sa Cavaliers. Siyempre, panibagong “decision” dramarama sa summer nito pag nagkataon na maging totoo.

Tapos na ang NBA Finals, at si Andre Iguodala ang Finals MVP. E ano naman?

Ay, 'di mo kilala yan? May gana kang manood ng NBA at hagilapin ang mga manlalaro, pero ang mamang ito, di mo kilala? Kawawa ka naman, hijo. I-Google mo na lang.

Pero wag naman kayo masayado maghate sa mama dahil sa nagchoke siya o ano. In all fairness naman, nagawa naman niya ang part niya kaya may gana siyang magsabi nun.

Yun nga lang: best player versus best team in a team sport. Meaning, there's no I in team and limang tao kada koponan ang naglalaro.

So tapos na ang NBA Finals. Pano ba yan? Champion ang Warriors e. Ay, walang katapusang debate na naman ituuuuuu!

Hoy, uso mag-move on, ano po? Baka mamaya, nag-training camp na lahat-lahat ang mga team ay hindi pa rin kayo makaget over sa hangover ng NBA Finals ha?

Awat-awat din sa pagyayabang.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!