7/26/2015 5:55:33 PM
Isa sa mga pinakamahirap na usapin sa buhay—maliban sa pera, pulitika, at pag-ibig—ay ang relihiyon. Bakit? Dahil dyan mo malalaman kung sino ang sarado sa bukas. Oo, sarado ba ang pinto sa kanyang kamalayan, sa kanyang pag-unawa, o sa kabuuang paksa. Kaya nga may tinatawag na “Sarado Katoliko” para sa mga nananampalataya sa pinakapopuladong relihiyon sa Pilipinas at “open minded” naman sa mga taong liberal ang utak.
Pero dahil kasi sa usapang relihiyon, gaya ng ibang usapin, ang mga tao ay lumablis naman sa pagkabukal ang kalooban. As in lumalabas o nagiging out-of-topic na ang nagiging hantungan ng mga argument. Minsan personal na sakita, at kung mamalas-malasin pa mas nagiging pisikal pa ang sakitan (kesa sa verbal).
Besides, nakakasawa din e. Hindi naman lahat ay iintindihin ka. Hindi naman lahat ay iagagalang ang kuro-kuro mo. Oo, basta sa ngalan ng pananampalataya, daig pa ang pag-ibig kung sa hahamakin ang lahat ang datingan. Mabibwiset ka lang. Masisira ang mood mo sa buong araw. Baka yan pa ang dahulan kung bakit ka tatamarin magtrabaho o mag-aral. Mas nakakaurat pa nga sa mga video ng pabebe girls e.
At lalo na siguro kung ang isyu ay may kinalaman sa isa sa mga pinakamalking sekta na kung tawagin ay ang Iglesia Ni Kristo, na nagdiriwang ng 101 taon. Sa panahon na inoobserbahan ko ang mga nakakasalamuha ko, halos karamihan sa kanila ay may say sa isyung ito. Ke sobrang higpit raw ng ilan sa mga nakagawian nito pagdating sa sagradong pook nila, kung gaano sila nagpaparami (ops, sa pamamagitan ng paghimok na sumali sa kanila), kung ano ang mga stipulasyon kung paano natitiwalag ang isang miyembro, ano ang adhikain, kung paano nagawa ang mga malalaking kapilya/simbahan at ultimo ang Philippine Arena, at iba pa.
Teka, information overload ata ito sa parte ko ah. Oo, sa dami ng mga nabasa at narinig ko, wala akong naintindihan. Pasensya na po.
Nakapagtataka na ako na isa sa mga napakabokang tao (well, ayon sa ilan sa mga nakakabasa ng blog ko), ay wala daw ‘say’ sa isyu kung totoo bang na-kidnap ang ilan sa pinakapremyadong tao ng INC, mga saring isyu ng katiwalian, at tila ‘black propaganda’ pa ito sa anibersaryo nila.
Siguro nga tama yung mga nagsasabi na “dapat ay isinapribado na lamang ang usapin na ito.” Yan kasi napapala kapag ang isang prominenteng pangalan ay nagiging tampok sa isang balita e. Yan siguro napapala ng isang sibilisyasyon na napakarelihiyoso e. At yan din siguro ang napapala kapag ang usapan ay relihiyon, kaliwa’t kanan na rin magsisilabasan ang mga patutsada, arguemento, kuro-kuro, tirade at kung anu-ano pa ang maibubuka n gating mga bibig.
Parang awa niyo na. Wala rin naming patutunguhan ang isyung ito e. Ang mangyayari dito ay mawawala din sa sirkulasyon, lalo na kapag may mababaw na kontrobersiyal na bagay na naman ang bigla na lang lilitaw sa ating kamalayan. Besides, gaya ng sinabi ko sa una, napakahirap pag-usapan ang relihiyon.
Kaya good luck na lang sa mga magtatangka.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!