Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

28 July 2015

Finale

07/28/2015 05:30:21 PM

hrw.org
Kahapon ay ang State of the Nation Address. Ang taunang talumpati ng Pangulo kung saan siya ay nag-uulat sa kanyang gabinete, mga kasamahan sa pamahalaan, at higit sa lahat—ay sa buong samabyanan.

Ngayon, ano na? Maliban sa nag-mistlang warzone ang kahabaan ng Batasang Pambansa at Commonwealth Avenue dahil sa samu't saring kilos protesta at iba pang mga kilos na may kinalaman rito?

Ang saya ng mga estudyante sa Quezon City, ano? Wala silang pasok. Ang tanong, kung naging takda pa ito sa Sibika/Hekasi/Araling Panlipunan/Makabayan/Phil. History: may nalaman ka ba naman sa SONA? At kung may nalaman ka, may natutunan ka?

Well, lagi namang may pro at con dito eh. May gusto sa sayaw; o kung nagustuhan ba natin ang ,ga narinig natin, o baka may kulang.

Kulang ba? Parang yung pag-commend sa SAF44 o Mamasapano incident? Di ba masyado natalakjay kung ano ang mga konkretong hakbang sa iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao?

O masyado lang din tayong negatibo at disappointed kasi nag-expect tayo, lalo na sa nabubulok na MRT?

O baka naman dahil nauurat na rin tayo sa kanyang pasaring laban sa dating Pangulo Glora Macapagal Arroyo. Oo, naging hindi maganda ang pamamahala ng ate mo bago ang eleksyon 2010. At simula noong unang SONA mo ay tiniradahan mo na. Pero 2016 na po, kuya. Bakit hindi pa kayo nagmu-move on tutal...

In all fairness naman may mga istatistika na nagsasabing gumanda ang ekonomiya ng bansa. At naging evident rin ito sa mga serye ng mga ulat na may kinalaman sa business beat. Hindi rin naman makakaila na sa tulong nito.

Hindi rin naman makakakila na marami ka namang nagawa para sa taumbayan. Bagamat hindi mo nasolusyunan ang lahat-lahat ng programa ay mayroon pa ring naiambag, mula sa kinekwestyong K to 12, hanggang sa kontrobersyal na CyberCrime Law, hanggang sa pinag-uusapanag Bangsamoro Law hanggang sa Impeachment case kay dating Chief Justice Renato Corona?

Sa pamamahala mo naman ay at least may nagawa ang PPP (public-private partnership), naging mas maiintindihan ang kampanya sa pagbabayad ng buwis, tumaas naman ang datos sa investment, napaunlad kahit papaano ang TESDA, at kung anu-ano pang mga nailahad mo sa dalawang oras na talumpati.

Oo, dalawang oras. Kung tutuusin, buti matiyaga ang mga nasa loob ng Kamara, ano? Kalahjating oras nga lang ng isang simpleng talumpati ay nakakaburyong na eh.

'De.

Matapos ang halos isang araw na pagbabasa ko sa transcript nito, gayun diun ang panunood ng mga ulat ukol sa SONA, at ultimo pag-replay na rin, tingin ko nagawa naman niya ang makakaya niya. Yun nga lang, ang problema, maliban sa mas naghahangad tayo at mga negastar tayo ay hindi nga naman kasi sapat ang nakaatas sa kanya. Siyempre, dahil siya ang pinakapinuno, siya ang magiging tampulan ng batikos o kritisismo. Natural, command responsibility yan eh.

Sana nga lang, sa nalalabing 11 buwan nya sa puewsto ay kung maari ay masolusyunan pa ang dapat masolusyunan. Saka isa pa, tigilan na niya ang paninisi sa nakaraang administrasyon. Jusko, limang taon na e.

Besides, alam naman nating lahat na malaki ang kontribusyin ng magulang mo sa lipunang ito. Pero hindi mo kailangang i-incorporate yan dahil nagmukha ring self-centered ang SONAng ito. Ngunit okay na rin yung pasasalamat nya. Last naman na e. Walang masama dun.

Ngunit dapat nga hindi dalawang oras ang SONA na yan eh. Masyadong mahaba ang programa, yung talumpati medyo palabok din. Hindi naman siya ganun kasiksik para maging 2 hours e.

Takte. Tama na to. Nagiging palabok na rin laman nito e.

P.S. Suportado ko ang Anti-Dynasty bill. Kaso paano ang pamangkin mong senador?

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!