Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

30 July 2015

Lakasan ang Tunog!

07/29/2015 12:13:53 PM

Ngayon ay ang linggo ng OPM. Naging mandato na ito ayon sa isang batas na pinasa ilang taon na ang nakalilipas.

At sa panahon na maraming nagsasabing “OPM is dead,” at mga walang pakundangang pag-diss sa mga feelingero't feelingerang singer, natural lang na biyang pagkakaton na bigyang pagkakataon ng mga tao ang OPM na nakagisnan natin. Oo, Original Pilipino Music.

Noong nakaraang Sabado ay ang Grand Finals ng 2015 PhilPOP. Ano ito? Programang pam-patimpalak para sa mga aspiring songwriters na magbigay ng ambag sa pamamagitan ng paglikha ng awit na magbibigay-sigla sa teribleng estado ng eksena sa mainstream; bagay na kailangang-kailangan mula pa noong panahon ng pag-talkid ng mga tao para tangkilikin ang banyaga, at sa pag-usbong ng mag lip-syncero at mga artista na ginawang mang-aawit kahit hindi hasa.

At sa mga samu't saring mga estabisyamento—mall, bar, at ultimong mga kalye, ay may kanya-kanyang mga palabas na nagso-showcase ng gawa ng OPM sa pamamagitan ng pagperform ng mga musikero ng kanilang gawa na talaga namang 'sariling atin.'

Sinasabi ng hashtag na #PalakasinAngBosesNGOPM at walang masama dito. Dahil totoo nga naman—sa mundo na nakikita natin sa pamamagitan ng telebisyon at pakikinig sa radyo ay hindi na yun ang OPM na napapakinggan o napapanood natin before.

Tama lang na sabihin na palakasin ang boses ng OPM kesa naman sa sasabihing OPM is dead. Hindi dahil negatibo ang obvious na dahilan, pero dahil sa katotohanan na hindi lahat ng mga musikero ay nabibigyan ng break o pagkakataon na magperform sa mas malawak na audience; bagay na ang mga gahaman na producer na ang may dahilan.

Ay, kasalanan din ba ng audience? Kasi bakya sila, o jologs, o baduy, o masa? Maari. Pero sino ba ang nagpapalamon ng basura? Sila ba?

Tama lang na palakasin ang OPM, dahil kahit may mga malulupit na gawa tayo sa indie scene, ito ang problema: ang sistema. Gaya ng sianbi ko kanina, hindi lahat nabibigyan ng break. Besides, kung may panig ng mundo ng OPM na sira sa kasalukuyan, ito ay yung mainstream pop. Bakit, yun ang mas humahatak e.

Ay, buhay ba ang mainstream pop? Dahil siguro sa mga gawa ng mga 'singer kuno.' Oo. Lakas humatak ng sales. Pero content-wise, no-brainer. Basura.

At hinanhangaan ko ang kilos na ijto ni Ginoong Zach Lucero sa kanyang post sa Facebook page. Hikayatin ang mga musikero na iwaksi sa isipan ng ganid na komersiyalismo.

hope you can help spread the word:)Ayt fellow artists, songwriters,  musicians, and lovers of Pinoy music... ...shall...
Posted by Zach Lucero on Tuesday, July 21, 2015


Which is tama nga naman at all.

OPM is not dead. Hindi dahiul sa hindi ka pala-gig (pero I supposed you try to come by some time), pero dahil hindi lahat ng mga nasa mainstream ay yun na. Kung ayaw mo maniwala, tignan mo na lang ang Twitter ni Chito Miranda.



Kaya sa susunod ng magsabi ka pang OPM is dead, siguraduhin mo lang talaga na OPM is dead talaga. Dahil sa kabilang panig ng bansang ito makikita ang buhay na buhay na mundo ng OPM.

Mabuhay! Palaksin pa!

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!