Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

06 July 2015

Malicious Daw

7/5/2015 10:33:44 PM

Uulitin ko ang mga unang talata na aking nilahad sa nakalipas na blog entry ko na pinamagatang “Pad Hacks Kuno” dahil ang susunod na mababasa niyo ay isa na namang #TiradaNiSlickMaster ukol sa isa sa mga isyu na kinasangkutan na namn gn mararaming tao sa social media, at kasama na riyan ang sikat (weh? Talaga lang ha?) na palabas sa telebisyon sa kasalukuyan.

Masyado nga ba tayong mapang-abuso? Masaydo nga ba tayo makasarili—na piling natin ay tama tayo sa ating opinyon sa mga samu’t saring isyu? 
O talaga lang nakikita natin ang mga “mali” sa ating lipunan? 
Sa nakalipas na mga taon, naging isa sa mga primero at premyadong tagapagkunan ng balita ang mga sumisikat na post sa mga social networking site. Mapa-kalamidad man hanggang mahahalagang usapin, hanggang sa mga mababaw na isyu, at hanggang sa mga simpleng kaganpan sa kalye, mayroon at mayroon palaging mga ‘viral’ post na nagiging parte na ng ating sirkulasyon ng mga pambalitaan, lalo na sa adbentop ng ‘tabloidization.’ 
Ilan sa mga balita ay naging tampulan ng mga batikos mula sa mga samu’t saring mga tao na gumagamit ng Facebook, Twitter, o sa kabuuan–ang Internet.

Noong nakaraang Biyernes ay naglabas ng statement ang ABS-CBN ukol sa isyu ng ‘bromance’ sa palabas na Pinoy Big Brother 737. Aniyam sinusupinde ng network ang free live-streaming nito sa online at Cable TV dahil raw sa mga ‘manipuladong’ mga imahe ng dalawa na tila ‘nagtitirahan’ daw (well, ayon lang yan sa ilan sa mga nababasa ko; kung may iba man, well, ano pa nga ba?).



Photo credit: Facebook.com/Abs-cbn Social Media Newsroom


Hmmm... sabagay, sa lipunang ito, mapa-online man o offline, hindi mawawala ang mga taong napakamalisyoso mag-isip. Aminin natin: siguro ang gumawa niyan ay hindi hangad ang masabi ang kabadtrip sa naturang reality show, kundi para mabigyan ng katatawanan ang bahagi ng buhay na napaka-‘seryoso.’

Pero hindi ito nagustuhan ng network. Kaya ayun nga ang resulta para matigil na ‘raw’ ang isyu na ito—na hindi na kailangan pang i-anunsyo sa boses ni Kuya.

Sige, sabihin na natin na may tendency na maging abusado talaga ang mga netizen. Pucha, kahit naman ako nagkakaroon ng mga ganyang obserbasyon e. Sumosobra o lumalabis. Hindi na tama minsan. Yun nga lang, kasi marami sila kaya para kang nakikipagbangaan sa giyera na mag-isa ka na nga, di ka pa armado ng ni salitang pantrashtalk man lang.

Nagegets ko ang punto sa panig ng PBB kung tutuusin. Pero, sa kabilang banda, ito lang: magsasalita ba ang tao ng kanilang pagkaayaw sa PBB kung ni isang minuto nito ay napanood na nila? Nakaksuya kaya, kahit makipagtalo ka pa na “bad publicity is still publicity.”

May halintulad man ito sa ilang tatanga-tanga sa social media na nagrereact kahit hindi naiintindihan o ni nababasa man lang ang kino-commentan na post, may kanya-kanyang pamatayan kasi ng panghuhusga ang tao, ke artikulo sa Internet man yan o palabas sa telebisyon. 

At sa kaso ng PBB, tila hindi na rin kasi maganda ang nagiging temang pinapakita at demographics ng mga hosuemate nito. Saan ka nakakita na mga teenager na nasa loob ng isang saradong bahay na gwardyado ng kamera na ang kalahati (kung hindi man mayorya) na ginagawa ay may kinalaman sa kalandian? Oo, sa halip na nasa paaralan sila at mag-aral, e no? 

I get it: hindi pa liberal ang ilan pagdating sa mga bagay gaya ng same-sex relationship. At tila pinapakita niyo sa mga manunood ang pros at cons nito.

Ngunit dahil karamihan sa mga programa sa primetime television sa Pilipinas ngayon ay niresiklong basura, tangina kailangan pang magkaroon na gaya ng PBB na isang dekada na sa telebisyon? Oo, kumikita nga ang industriya pero hangin lang naman ang binebenta. Tsk. 

Saka may mali pa sa kung paano ito pinapakita. Kaya nagkakaroon ng negatibong stereotype ang mga klase ng tao eh.

Naisyu na kayo sa MTRCB ukol dito. Kaya sa totoo lang, ewan na lang namin kung paano dapat magiging treatment nito (putek, dapat ng suspended na rin daw ayon sa ilan eh). Pero...

Tangina, tigilan niyo na yan—as in tigilan na ang pagtangkilik kung ganun. Wala e. Dahil tila mga PaBeBe na lang pala ang makikita ng mga tao d’yan.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!