Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 July 2015

Out of Tune

7/15/2015 10:54:08 PM

Likas na sa ating lahi ang mahilig umawit. Oo, may K ka man talaga pag-awit o wala, ganun talaga.

Yun nga lang, sa naghihingalo (daw) na industriya ng muiska sa Pilipinas, mukhang sino ba naman ang hindi madididsmaya? (Oo, sinadya kong humirit ng ‘daw’ dahil sa totoo lang, kung patay na ang estado ng OPM, e bakit marami pa rin ang mga magagaling na musikero sa ating lupa? Nah, kalokohan lang ang ganoong paratang.)


Tama nga naman si Rhap Salazar nung sinabi niya na nagkaka-album pa ang mga personalidad na kilala pa sa paglilip-sync. As in mga hindi naman mga singer talaga. Samantala ang mga taong nagkukumahog at nagkakandarapa sa paggawa ng musika ay hindi nabibigyan ng break.

Bagay naman na sinang-ayunan ng mag-amang Gary at Paolo Valenciano. Mahirap kaya ang pinagdadaanan ng mga musician. Aba, kung alam niyo lang ano?

Bagamat may mga panahon din na ang mga mang-aawit mismo ay naglilip sync. Pero depende na rin kasi yan sa sitwasyon. Sa malamang, mas napupuna dito sa ‘lip sync’ isyu na ito ay yung mga artista sa mainstream media na nagkakaroon ng ilang mga platinum award at konsiyerto na pumapatok nga naman sa masa.

Well, uso na sa mainstream ang ganyan e. At gusto naman ng marami ang ganun. Nae-entertain sila, at ayun naman talaga ang pinapakay ng mga nasa-showbiz: ang pasayahin ang mga tao.

At ito ang mas malala siguro: ang sistema kung bakit ganun na lamang ang nangyayari. Bakit nga ba

May mga ‘demand’ kasi mula sa mga manunood o tagahanga. Siyempre, kung alam mo naman na mabenta, siyempre doon ka. Yan ay sa mula sa standpoint ng mga producer, ayon kay Lea Salonga. Yun nga lang, gaya ng karamihan ay winika niya na sana ay mabigyan din ng pagkakataon yung mga tao na may K naman talagang kumanta.

Sabi nga naman, “If it ain’t broke, don’t fix it.” At yan ang isa sa mga dahilan kung bakit nananatili ang mga bagay na ayaw mong makita. Dahil isa ring negisyo ang media. Kung sa punto de bista ng mga ehekutibo ng isang kumpanya sa media, bakit ka susugal sa isang ‘artsy fartsy’ na alam mo na hindi tatangkilikin ng masa? Maaring tunog superficial yan (na para bang nag-react ka na kagad samanatalng pamagat pa lang ang nababasa mo sa isang artikulo), pero sa kabilang banda, tila ‘calculated risk’ lang ang kaya nilang gawin. Siyempre, sa larangan ng business, hindi ka maaring matalo. Hindi ka maaring malugi. Dahil mala-apolkalipto na ang pakiramdam mo kung sakaling sumablay ang mga taktika mo.

Saka ayon sa isa sa mga tropa ko, ang pagbase ng taste sa mga bagay-bagay sa mainstream ngayon, ay nakadepende sa kagustuhan ng bata. Hindi ba kataka-taka kung bakit tayo naku-kyutan sa mga balita o clip sa YouTube na ang tampok ay ang mga paslit? Ganun din ang mga boses sa ilang stinger ng mga masa radio station? O sa simpleng pagmamasid sa kalsada, ‘di ba mas naawa pa tayo sa mga batang namamalimos kesa sa mga matatanda?

Sa madaling sabi, sila ang nagdidikta ng takbo ng kagustuhan. At kahit makipagtalo ka pa na “Hindi, kasalanan ng mga network executives yan eh. Sila ang gumagawa ng produkto.” Pero again, pag nagustuhan ng target audience nila yan, eh ayun eh. Kahit sabihin pa nating ‘basura’ pa yan.

At may punto rin naman si Vice Ganda nung sinabi niya na hindi naman yata maaring hadlangan ang sinuman na magkaroon ng album. Bakit mo nga idedeprive, lalo na kung pumapatok naman sa takilya? “Music is for everyone,” ika nga ng isang tropa.

Oo, karapatan ng bawat tao yan eh; na para bang kahit sino ay maaring magkaroon ng sariling bahay, sasakayan, o pamilay (may halintulad yan, tsong); at sa adbento ng teknolohiya at Internet—kahit sino, maaring maging manunulat, makapagsulat ng libro, maging artista, director, at makagawa ng pelikula. At kung makanbenta man o hindi, achievement na ito para sa isang tao, lalo na sa henerasyon ng mga tao na nagyuyurak ng sariling marka sa mundong ito o kung tawagin ay ‘self-entitlement.’

Ngunit sa kabila niyan, hindi kasi lahat ay batikan (oo, maaring lahat ay maging magaling, pero hindi lahat ay may ganatiyang tagumpay sa ganoong larangan). Kahit tumatabo, ang bottom line: hindi pa rin maganda ang boses niya, o ang tono, o mas malala: wala naman talagang dunong sa pag-awit. 

At kung sa ganung bagay lang makukuntento ang madla, hindi na rin kataka-taka kung sa susunod na mga taon o henerasyon ay mas magiging bakya pa lalo ang mga bagay-bagay na makikita o maririnig mo. Mga kantang hindi pinag-isipan ng husto; mga lirikong mababaw ang tema.

Nakakaawa nga lang.

Oo, dahil sa kanila, bumababa ang kalidad ng Original Pilipino Music. Oo, nadedegrade ba. Tingin ko, mas akma ang terminong yun kesa sa sabihing patay na ang OPM. Masyado kasi tayong exaggerated eh. Nadadala tayo ng kapraningan ng balita o ng ibang ekstremetista. Para sabihin na patay na ang OPM dahil sa mga pag-usbong nga mga adik sa lip sync at non-singers ay isang malaking katarantaduhan.

Oo, OPM is not dead. Hindi ka kasi nakikinig ng indie eh. 


Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!