07/29/2015 11:24:44 AM
Ano ang meron sa litratong ito?
Malamang, sidewalk. Malamang, umaga (maaliwalas pa ang mga ulap e). Malamang, maraming tao; at malamang, marami ring sasakyan.
Pero, ang mensahe? Malamang.
Pero, ang mensahe? Malamang.
Napansin ito ng inyong lingkood noong nakaraang Biyernes ng umaga sa bandang Aurora Blvd. (malapit sa LRT Katipunan station) habang papasok ako sa trabaho.
Talaga lang ha? Mga gago lang talaga boboto sa kanya, ano?
Talaga lang ha? Mga gago lang talaga boboto sa kanya, ano?
Ito lang ang problema. Kung sakaling manalo ito (bagay na obviously ay ayaw naman ng marami sa atin—kabilang na ang inyong lingkod), ay naku, ewan ko na lang. Ibig sabihin ba nun ay maraming gago sa ating bansa? As in marami bang gago na maniniwala na “gaganda ang buhay” kapag siya ang sakaling mahalal sa 2016 Presidential Elections.
Masyado mang marahas ang ganyang salita. Pero maaring totoo din kung sakaling maisakatuparan. Tapos magngangawa na naman ang minorya ng mga taong ayaw sa kanya.
Masyado mang marahas ang ganyang salita. Pero maaring totoo din kung sakaling maisakatuparan. Tapos magngangawa na naman ang minorya ng mga taong ayaw sa kanya.
No wonder kaya sinasabi din niya na biktima siya ng "cyber-bullying."
Alam ko: kahit dehinds ko bet si ang bise presidente Binay na maging pangulo next year, ito ang problema: pag tuloy-tuloy ba nating sasabihin ang ating pagka-ayaw sa kanya dahil nga sa tiwali siya, patola sa media, at ultimo ang pagpintas sa kanyang balat, sa tingin mo ba magdudulot ito ng maganda, lalo na sa panahon ng elesyon kung saan ang sikat, tiwali, at tampulan ng mga biro ang mga nananlo—at ang mga nababadtrip na mga nag-iisip at bumoto ay tila talangka sa mata ng istupidong masa?
Tignan mo na lamang ang nangyari kay Erap dati. Di raw nakatapos ng pag-aaral, pero nanalo. Nahanapan pa ng butas ang pardon na binigay sa kanya dati kaya nakatakbo sa eleksyon noong 2010 at ngayon ay alkalde ng Maynila pagkatapos mahalal noong 2013.
At recently lang sa ating memorya, ang anak niya na naging senador. Sa kabila ng batikos ukol sa kanyang “OJT” experience o yung tukso ukol sa kanyang kulay ng balat, huwag ka: nanalo siya—at nasa top 5 pagkatapos ng botohan.
Anyare? Either panay batikos lang tayo pero hindi tayo bumoto o sadyang marami lang bumoto sa kanila—which by tanslated means sa mata ng mga sobrang irrasyonal “marami talagang mangmang na mamamyan sa Pilipinas pagdating sa Pilipinas. BOBOtante, ika na.”
Tingin ko, siklo lang ito na mangyayari sa iba pang mga kandidato. Hindi sumbatan, kutyaan ang kailangan nating ipakita—lalo na kiung isa kang edukadong mamamayan. Oo, nakakaangat tayo pagdating sa utak, pero alalalahanin mo rin—nag-iisa ka lang kung numero ang usapan.
Ang mas higit na kailangan ng tao pagdating sa panahong ito ay ang pagiging maalam sa mga bagay na magaganap. Sa election period, voter's education ang dapat isulong. Dito tinatalakaya ang mga kalidad ng mga kandidato, ano ang dapat gawin pag ikaw ay niligawan nila, kung ano ang tama at dapat sa mali at pandaraya, at iba pa.
Sa kasalukuyan, wala na ang plakard na ito. Kaya huwag ka nang umasa na maging tourist attraction ito.
At good luck na lang.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
hahah.. basta ayoko din kay Binay
ReplyDeleteHahah. I want to vote next year, I always believe that it's our responsibility to vote as citizens. pero hanggang ngayon I still have no idea kung sino. Yes, I agree, educating people about the candidates should be pushed if we all want to have a president who will make good changes to this country.
ReplyDeleteIka nga ng marami, bad publicity is still publicity. Marahil ito ang dahilan kung bakit kahit ayaw natin sa kandidato ay patuloy pa rin itong nananalo. Dahil parati syang laman ng balita at hindi makalimitan ng masa
ReplyDelete