7/26/2015 7:57:43 PM
Photo credit: Wikimedia Commons |
State of the Nation Address na naman muli. Eh ano naman?
Ito na ang huling SONA sa termino ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III. Matapos ang samu’t saring kontrobersiya sa kanyang pamahalaan, matapos din ang mga kapalpakan ng mga proyekto sa kanyang administrasyon, mga galawang di akma sa gusto ng kanyang mga boss, matapaos sa mga away-pulitika at ambisyon ng ilang mga pulitko sa taong 2016, magdedeliver na naman muli ng talumpati ang kuya mo. Ewan ko nga lang kung aabutin na naman ito ng mahigit isang oras dala ng kanyang mahabang speech, mahahabang mga cheers at jeers, at ng mangilan-ngilang beses ng pag-ubo (matatapos na nga ang termino mo, di ka pa matatapos sa pagyoyosi?).
SONA na ulit. Eh ano ngayon? Matrapik na naman sa Commonwealth Avenue nito. Marami na naman ang mauurat dahil nalate sila sa trabaho. E bakit kasi hindi rin suspendihin ang mga tanggapan o opisina e no? (Hoy, wag na tayong umasa. Pag malakas na nga ang bagyo o simpleng buhos ng ulan e nagtatrabaho pa rin tayo eh!)
Dahil matrapik nga dun, ang mga walang pasok ay yung mga nag-aaral sa mga paaralan sa lungsod Quezon. Kaya sa mga mag-iinarte pero wala naman sa Kyusi ang eskwelahan, umayos kayo. Wag kayong mga pabebe, ha?
SONA na ulit. Eh ano ngayon? Siyempre, may media coverage yan. At wag ka, multi-platform na ang ilan sa mga network na maghahawak nito. For the ratings war? Siguro. Para makaiskor ng advertisers? Para makakuha ng magagandang scoop at anggulo sa balita? Malamang. Para maihatid ang mga maiinit na pangyayari? Ganun naman palagi e. At walang masama dun, dahil kailangan mong malamang. At karapatan mo bilang boss.
SONA na ulit. Eh ano ngayon? Dahil mainit ang pangyayari, at dahil matrapik sa Commonweath, asahan mo na ang naglalakihang rally o kilos protesta. Hindi naman mawawala ang ganitong eksena e. Pag may pro, may con. At kung mapapansin mo, sa bandang duluhang bahagi ng bawat termino ng isang pangulo ay naglalabasan ang mga anti-[insert name of president here] administration rally.. Bakit ganun? Ewan ko, maliban pa sa katotohanan na ang mga ganitong bagay ay may kahalintulad sa isang relasyon: sa una ay gusto, pero umaayaw na pag naglaon (yan ay applicable sa mga ‘walang forever).
SONA na ulit. Eh ano ngayon? Siyempre, panahon na naman ng mga magagara. Tangina, lagi naman silang naka-barong, Americana, gown, coat, at kung ano pang mga kasuotan na naglalarawan sa iyo ng pagiging elitist at pulitiko eh. Ano pa bang bago, maliban sa mga design?
At hindi pala ganito ang magiging tanong ng mga reporter sa mga personalidad: “What are you wearing?”
Kundi ganito: “Who are you wearing?”
Sabay siyempre ang sagot ay ang pangalan ng mga king sinumang fashion designer na ‘yan. Pero kung sa konsteksto ng mayorya, ordinaryo, at ultimong middle class na, ang mag-iisip, aba’y tangina, nasusuot na pala ang tao? Lakas din makatanga ng tanong na ito no?
Saka isa pa. Try niyo kaya gumamit ng sapatos na gawang-Marikina. Tutal kayo rin naman ang nagrerepresenta sa ating bansa, might as well, tangkilikin na rin ang sariling atin.
SONA na ulit. Eh ano ngayon? Kung magagara ang mga damit, magagara din ang mga pagkain. Tignan mo na lamang ang menu na ito.
Wow, ang taray di ba? Daig pa ang selebrayson ng isang political party sa isang branch ng kilalang fastfood chain ito ha? Aba matindi.
SONA na ulit. Eh ano ngayon? Dahil mahaba-haba-haba-haba-habang uisapan na naman ito (isantabi ang mga possibleng shenanigan), ito ang mga tanong:
Paano mo haharapin ang lipunang ito sa kabila ng mga kapalpakan ng iyong mga alipores?
Natupad mo ba ang ilan sa mga pinangako mong proyekto para sa bayan?
At kung hindi, paano mo reremedyuhan ang mga di pinalad na mainsakatuparan? Paano ka babawi sa mga boss mo tutal kulang-kulang isang taon na lang ang natitira sa iyong termino?
Sisisihin mo na naman ba ang nakaraang administrasyon? Hindi ka pa ba nakakamove on?
Siguro, para sa ating mga magmamatyag, nasa sa atin na kung maniniwala tayo sa sasabihin ng pangulo o hindi. Siguro din ay maging appreciative tayo sa mga bagay naman na nagawa ng administrasyon na okay sa atin; at maging kritikal tayo sa pagpuna sa mga bagay na hindi. Bakit nga ba hindi nangyari? May magagawa pa ba? Matuto rin tayo umintindi.
Pero SONA na ulit. Eh ano naman ngayon?
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!