8/22/2015 3:36:54 PM
Noong nakaraang buwan, narinig natin sa State of the Naiton Address ng kuya natin na dapat ay maipasa na ang Anti-Political Dynasty Bill bago matapos ang kanyang termino. Oo, sa kalagitnaan ng kanyang pagiging tikom ang bibig sa SAF 44 at Bangsamoro Basic Bill, nabanggit ang isa sa mga panukalang since time immemorial pa ibinabato.
Wow, anti-political dynasty, ipapasa na? Hanep! Panalo!
Pero.... asus. In our wildest dreams, no! Tingin mo ba kakagatin ng mararaming mambabatas yan—na halos malaking bahagi sa kanila ay may mga kamag-anak na nasa mga kani-kanilang mga upuan sa pamahalaan?
Sakit ng realidad no? Ang irony lang, na para bang kulang na lang sabihin ng ilan ay ‘nasyon ng mga hipkrito.’ (Pero kung tutuusin masayado nang marahas ang ganung generalization.)
Bakit mo nga naman kasi sasabihin yun kung may pamangkin ka sa Senado? Bakit mo nga anamn kasi yan sasabihin kung ang dati mong ka-gabinete ay may anak na senador, at anak na dating alkalde (nasuspinde na eh), at yung ilan sa mga kasama mo sa kongreso ay may kanya-kanyang angkan na nakaupo sa lokal na pamahalaan?
Parang naghuhukay ng sariling libingan ang datingan e.
Ngunit bago tayo magtatatalak, may klarong depinisyon ba sa ating saligang batas ang political dynasty?
The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may defined by law.
Yun pala e. Bawal, sa madaling sabi.
Ngunit bakit nga nakakalusot ang mga ‘to? Hindi naman siguro bayaran ang Commission of National Elections para tanggapin ang mga certificate of candidacy ng mga ‘to, ‘di ba?
Ito ang problema: parang walang malinaw na pamantayan. Kasi kung ganun, e pangkalahatan na ang tinutukoy na political dynasty dyan.
Pero uulitin ko, may nakalusot, may nakakalusot, at mayroon pang makakalusot.
Pucha, ang saklap ‘no? As much as gusto ng mararaming Pilipino na maipasa ito, tangina good luck na lang. Dahil ang pulitika sa bansa—maliban sa isa itong maruming laro—ay ginagawang negosyo ng marami. Nakapagtataka ban a mas mukha pa tayong oligarkiya kesa sa demokratikong republika?
Kung hindi, aba patunayan mo na mali ang kuro-kuro ko. Aber.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!