8/8/2015 1:01:16 PM
Alam ko. Nadismaya tayo sa nangyari. Hindi tayo ang pinalad na mag-host para sa 2019 Basketball World Cup, ang pinakamalaking event ng FIBAmaliban pa sa taunang NBA Finals. At malamang, aabutin pa tayo ng ilang taon (o dekada, pero huwag naman sana) para mabigyan pa tayo ng pagkakataon na maghost ng torneo, na huli nating ginawa noong 1978 dito sa Manila.
Oo, balikan muna natin: Noong ika-1 hanggang ika-14 ng Oktubre taong 1978 ay naging host nga tayo sa tinaguriang FIBA World Championship. Ang mga naging lugar ng laruan nun ay ang Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, at ang pinakamalaking indoor venue noong panahon na yun – ang 30,000 seater na Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Sa nasabing patimpalak ay naging kamepon ang Yugoslavia matapos talunin ang Soviety Union sa overtime, 82-81 noong huling araw ng pagtitipon sa The Big Dome. Dikit rin naman ang Brazil sa ikatlong pwesto matapos talunin ang Italy, 86-85. Samantalang ang host country naman (Pilipinas), na bagamat ay walang naitalang panalo sa walong laro ay naisalba ang ika-walong pwesto, mas mataas pa kung ikukumpara sa Korea (ika-13 sa kabuuang ranking, kahit may 1-6 win loss record pa sila) at ultimo ang naging karibal natin sa pagbid na China (11th; 2-5).
At matapos ang apat na dekada (41 na taon sa 2019), ay hindi tayo ang maghohost ng FIBA World Cup. “Bakit ganun?” Alam ko yan ang tanong na naiisip mo. Ganun din ako e.
Pero realistically speaking, maliban sa katotohanan na tayo ang mas passionate na basketball fan sa mundo at sa kasalukuyang panahon, ano pa nga ba ang kaya nating ibuga? Maliban din sa tayo ang may hawak ng Guinness World Record sa pinakamalaking indoor venue (Philippine Arena), social media capital ng buong mundo at ang pinakamagandang presentation—ayon na rin mismo kay Yao Ming, ang kumatawan sa China sa naturang FIBA WC bidding?
Parang hindi lang kasi ito usapin ng laro mismo. Mas malawak pa ang saklaw. Mas malalim pa na dahilan. Nadaan ba sa presentasyon ng mga pasilidad gaya ng hotel accommodation, imprastraktura ng mga playing venue, at ultimo ang airport (naku, wala tayong panama pagdating sa pantalang yan)? Samahan mo pa ng katakut-takot ng trapiko sa lansangan kung saan ay aabutin ka ng isa hanggang apat na oras pag tumwaid ka ng Metro Manila. Pati yung mga kupal na mga drayber na kahit nasa mali na sige pa rin sa pangangalandakan (ay, putangina naman). Saka seguridad na rin. Aasahan mo ba na magkakroon ng magandang impresyon ang isang bisita kung nasaktuhan siya ng isang snatcher?
Kung hindi sa imprastraktura, may malalim pa siguro na dahilan—na maaring tawaging karanasan o experience. Kahit kasi magsabi ka pa ng "eh ilang beses na tayong nakapag-host ah." E ganun din naman ang China. At sa paglipas ng panahon, naungusan na tayo ng ibang bansa. Anyare?
Dahil sila na rin ang bansang magsisilbing host sa iba pang naglalakihang international sporting event gaya ng Winter Olympics as 2022? Huwag mo nang isama dyan yung gaganapin na FIBA Asia Championship na gaganapin dun (masyado na tayong ‘foul’eh).
Kung hindi sa imprastraktura, may malalim pa siguro na dahilan—na maaring tawaging karanasan o experience. Kahit kasi magsabi ka pa ng "eh ilang beses na tayong nakapag-host ah." E ganun din naman ang China. At sa paglipas ng panahon, naungusan na tayo ng ibang bansa. Anyare?
Dahil sila na rin ang bansang magsisilbing host sa iba pang naglalakihang international sporting event gaya ng Winter Olympics as 2022? Huwag mo nang isama dyan yung gaganapin na FIBA Asia Championship na gaganapin dun (masyado na tayong ‘foul’eh).
Aba, kantahan na lang kaya natin sila ng paboritong kanta ng anak mong tinedyer na nanunood ng Pangako Sa’Yo? Oo, China, Nasa inyo na ang lahat. Pati yung Spratlys sa inyo na rin! Baka yung susunod na mabuong planeta ay sa inyo na rin ha?
‘De.
Ayon kay Ronnie Nathanielsz sa isang artikulo sa CNN, ang FIBA ay isang konserbatibong organisasyon na mas pinagtutuunan ng pansin ang mga resources ng host country. Sure, likas-yaman ba? Meron tayo niyan e. Kaya nga tayo naging host ng FIBA Asia Championship noong 2013, ‘di ba? (Pero alam ko: hihirit ka ng second resort tayo nun dahil may problema sa dapat host country nun na Lebanon.)
Pero ibang bagay ang World Championship. Mas malaki, in fact. Maaring kada kanto may basketball court. Pero matrapik ang mga kalsada. Pag bumaha nga parang instant-cooked na noodles pa nga eh (just add water!).
Marami bang mga fans na hindi ‘manufactured?’ Actually, pasimpleng pasaring na rin yan sa kalaban. Oo, totoo nga naman. Pero ang statement na yun? Tunog agresibo masyado.
Marami tayong ‘passionated’ fans. Given sa quality, pero quantity wise, hanggang saan aabot ang 100 milyong populasyon ng RP kung ikukumpara sa lampas 1 bilyon na mga Tsino? Parang di lang diyes porsyentos e. Aanhin mo ang sigaw ng mararaming tao?
At kahit sabihin pa natin na social media capital tayo na kayang magpatrend ng mga bagay mula sa kabullshitan ng mga programa sa mainstream media hanggang sa mga naglalakihang mahahalaga wt walang kwentang isyu, hanggang sa mga literal na katatawanan sa usapan, alalahanin mo din na para lang itong audience impact ng paborito mong reality show: maliit na parte lamang ang audience impact. Hindi lang numbers game ang usapan.
Siguro, repleksyon ito ng mga kung gaano pa tyao hindi kahanda o kulang pagdating sa ganitong bagay—kahit sabihin mo pa na “sa 2019 pa naman e! Four years to go pa!” Pero alalahanin mo na hindi natin hawak ang gulong ng palad ng bansang Pilipinas kahit tayo pa ang naghahalal sa mga taong mamumuno sa atin. Speaking of which, sa panahon na yun ay hindi pa natin alam kung sino ang magiging presidente at bise presidente, gayun din ang mga senador, kongresista, dahil tayong mga Pilipino ay mabibilis makalimot. Kung sinu-sino lang ang ineelect natin, kahit alam natin sa sarili natin na tiwali siya.
Isa pa: ang mga pribadong sector lang naman ang madalas na sponsor ng mga delegasyon ng mga atletang pinapadala natin sa ibang bansa. Hindi pa ba obvious sa mga nakalipas na SONA ng kasalukuyan at nakalipas na administrasyon na halos walang puwang (kung hindi ‘wala’) sa mga talumpati ang mga ulat o development ukol sa larangan ng palakasan? Mga tipong sa mga dyaryo mo na lang makikita ang balita sa mga ito at hindi sa telebisyon (at minsan nga, pati sa radyo e).
Mabuti pa ang fashion at showbiz, napapansin. Anak ng pating!
Ngunit sa kabila ng lahat ng sampal ng realidad, heads up Filipinos. Nagawa natin ang dapat nating gawin. Hindi dapat ikahiya yun. Maaring ikadismaya pero hindi dapat tayo magpadala sa negatibong impact nito. Ngunit huwag mo naman sumbatan ang FIBA. Ano ka, Diyos? For your information, hindi sila nagtatrabaho para sa enjoyment mo kaya magtigil ka sa paninisi.
Sana nga lang, matuto tayo bilang isang nasyon. Patuloy lang ang pagsuporta sa kanila. Pero maliban dun, isipin pa ang mas malalawak na saklaw na may kinalaman rin sa sports.
Gamit din ng utak pag may time.Wag lang puso, lalo na’t minsan nagiging mapusok tayo eh.
At huwag magshoot sa ring ng kalaban.
Tara, inom na lang daw sabi niya.
LINKS:
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!