Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 August 2015

Non-story

8/11/2015 5:42:21 PM

Naalala ko tuloy yung isang balita ukol sa pamilyang ito, na pinangalan ang anak nila sa isang klase ng ‘direksyon’.’ Pambihira, angas ‘di ba? Nakakasuya lang.

Maiba naman. Fast-forward sa dos-mil-kinse. 

Ano ang meron sa videong ito?

Here is the Kardashian rant. Sorry, I lost my mind a bit, although it was partially in jest! I did feel better though after I was done.See more Good Day Orlando videos: http://bit.ly/JLScxX #FOX35
Posted by John Brown at Fox 35 on Friday, August 7, 2015

Oo. Isang lalakeng nag-rant ukol sa kabadtripan sa isang walang kwentang kwento. Oo, non-story, ika nga. Nag-walk out pa nga e.

Kaya saludo ako sa’yo, John Brown!

Siyempre, hindi natin siya kilala hangga’t hindi tayo nagbasa ng laman ng Facebook at Twitter natin. At malamang, baka mabira mo lang ako na “SINO BA YAN?!” To which I retaliate and sasabihin ko lang sa ‘yo na “matutuo ka ngang mag-Google.”

Sabagay, sa atin dito sa Pilipinas, sino ba ang may pakialam sa pamilaya na nagging isang produkto ng reality show na pinapalabas naman sa isang cable channel na naglalaman ng mga istorya sa Hollywood at paparazzi? Dapat ba nating pakialaman ito?

As in parang biglang binitawan sa mga pahayagan sa Internet: (in Filipino language), Kylie Jenner nagkaroon ng alagang kunehon; pinangalan pa sa erpat nitong si Bruce!

E ano ngayon? 

Sa isang taong nagmamasid sa mga balita dito man o abroad, ito lang masasbai ko: isang serye nga ng non-story ang Kardashian. So ano ngayon kung may element ng prominence—bagay na lagging present sa pagkilatis sa mga news item? Kailangan bang subaybayan ang mga kilos at galaw nila, porket may reality show sila? Kung ganun, bakit hindi na lang hayaan na ang mga manunulat at produser nito ang gumawa?

Pero huwag kang magtataas ng kilay bigla porket hindi mo alam ang mga yan. Dahil kung ang Amerika ay may Kardahsians, sa Pilipinas mas marami pa ang mga ganitong klaseng balita! Halimbawa, naalala mo ba yung modelo at businessman na nag-assault sa isang sikat na actor sa telebisyon last year? Naalala mo din ba naging panayam nun sa isang batikang TV host at tahasang sinabi na may sakit siya na dala ng pagtatalik nila ng dating kapareha? (Na kung tutuusin ay naganap pa sa isang primetime news program, ang oras nab aka sa malamang ay kumakain pa ang tao habang nanunood. Hindi ba nakakasura ang sitwasyon na yun?)

Naalala mo din ba ang pagbalik sa trabaho ng isang batikang TV host na bagamat mayabang ay kini-ciriticize sa pagiging arogante? Pati yung pagkamuwi ng mga fan ng isang kilalang boyband sa isang news personality dahil sa paglalahad lang naman ng sariling opinyon? 

Ayan. May pagkakahalintulad na. Pero ang pagkakaiba nga lang: yung iba, sige pa rin sa pagbasa. Wala tayong magagawa dyan. Parte yan ng trabaho nila. At sa totoo lang, hindi naman sila dapat ang may kasalanan dyan. Kundi yung mga nagsusulat ng ganyang balita at mga producer nila, sama mo na rin yung teleprompter. 

Hindi ba katala-taka na para kng nagbabasa ng tabloid habang nanunood ka ng mga gaya ng TV Patrol, 24 Oras at Aksyon? Kung hindi, aba’y magtaka ka na.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!