08/20/2015 04:18:57 PM
Sa panahon na ang mga romantikong drama na lamang ang pinakaengrandeng porma ng entertainment sa atin, sa panahon na ang bitawan ng mga salitang hinugot sa damdamin ng isang tao, sa panahon na ang romantisismo ay hindi lang isang icon sa popular na kultura kundi isang epektibong stratehiya sa negosyo, tila ang One More Chance ay ang isa sa mga patok na pelikula sa nakalipas na dekada.
Sa sobrang hit nga, nagkaroon ng ekstensibong bersyon ng kwentong ito sa pamamagitan ng paglimbag ng libro; at sa susunod na mga buwan ay magkakaroon ito ng sequel. Oo, ganun ka-epektibong aktor si John Lloyd at ang loveteam nila ni Bea Alonzo. Sila ang tandem na halos sabihin na ng mga tao ay sumunod sa yapak nila Claudine Barreto at Rico Yan, at ang sinundan ng mga tindeyer na malalandi ngayon (ay, labtim din ba sila? Sorry naman).
Tignan mo nga, naging reference pa ang OMC sa ilang mga eksena sa That Thing Called Tadhana. Yung “3 Month Rule” na yan, naging instant batas sa mga break-up kahit actually pakulo lang yan para manood ka. At yung mga linya nila Popoy at Basha, kung hindi naging quotable quote sa mga group message, naging parte ng asaran ng magbabarkada. At yung mga tauhan mismo, ginagaya ng marami. Oo, kahit 'feeling' lang nila.
Yun nga lang: Huwag lang sana maging pamagat nito ay One More Chance 2.
Bakit? Dahil kung may pahabol na sequel ulit yan, anong pamagat? One More Chance 3? 4? 5? 12047821095712390541? Ang sagwa na ngang pakinggan, mas masagwa pang tignan. Mabuti opa yung mga teleserye pag ginawan ng remake ay yun pa rin ang pamagat eh. Tignan mo yung pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo nun. Noong ginawan ng sequel, maaring tunog halata, pero obviously okay pa rin naman.
At lalo rin naman huwag gawing One Last Chance, dahil baka mamaya niyan ay pumatok muli, hihirit ka pa ng pamagat na halatang pinilit lang. Oo, out of desperation.
Lalo rin namang huwag gamitin ang No More Chance. Hindi lang dahil sa kaparehong dahilan, pero dahil ang realidad, kung nagmamahal ka, ikaw lang magsasabi kung hanggang saan ang 'chance' na ibibnigay mo sa taong yan. No More Chance ka pang nalalaman dyan? Tapos na kayo? ASUS, baka mamaya magkalampungan kayo sa kama mamaya at daig niyo pa ang magsing-irog na nagpi-PDA sa ilalim ng puno sa Animal Trail gabi-gabi, ha?
Pero maliban sa pamagat, ano pa ba ang kayang ibuga nito, panoorin niyo na lamang ang trailer nila.
Ay, yun lang?!

Pero anyway, tingin ko papatok pa rin to. John Lloyd yan e. Bea yan e. One More Chance yan e.
Oo, kahit kung tatanungin ako, malamang hindi ko rin mapanood 'to.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!