8/19/2015 12:03:38 PM
Alam ko. Since time immemorial na ang isyung ito. Hindi masawata dahil siguro sa dami ng mga nagrereklamo at nakikialam, lalo na sa panahon na nagiging tampula ng mga balita ang mga reaksyon sa social media.
Buti na lang kamo, solved na ang uber-problemang ito kanina.
Kung maalala kasi, naging mainit ang isyu nun sa tila pagpukpok ng Land Transportation Franchising and Rehabilitation Board sa mga online-based transportation service gaya ng Grab saka particular ang Uber, na sinasabing maraming magagandang feedback mula sa mga minsang sumakay nito.
Sobrang init lang, naging tila backlash sa LTFRB ang isang operasyon nila para msabing illegal daw ang Uber noon. Oo nga naman, mas okay para sa karamihan ang ito, at isa pa: hindi pa bastos gaya ng ilang mga drayber ng taxi.
Noong mga nakaraang lingo ay nabuhay na naman ang isyung ito, matapos ang mga nagsirkulang balita na nagdedeklarang illegal ang mga ito kung hindi sila mabibigyan ng accreditation, bagay na umani na naman ng halos kahalaintulad na batikos mula sa publiko. At kasabay ng muling pag-usbong ng usapang ito ay ang pagkakaroon ng ‘premium taxi,’ bagay na kung tutuusin ay parang isang mala-conspiracy theory na kalokohan. So, monopolyohan ba ang peg? Ganun?
Subalit sa kabilang banda, tama naman sila. Para sa kapakanan ng publiko ang ginagawa. Siguiro, masyado lang talaga tayo mapagpuna sa mga negatibo, dahil tama nga rin naman na bakit ang mga bagay gaya ng Ube rang pinapakialaman natin at bakit hindi yung mga umaastang bastardo na mga nagmamaneho ng bus, taxi, at ultimong jeep—isama mo na rin yung mga kupal na barker na nanghaharang ng mga sasakyan kahit wala nang kasya pang pasahero sa kanto (kaya nagkakatraffic e tangina naman).
Yun nga lang kasi, hindi magandang timing ang sumabay na isyu, kaya hindi maganda ang datingan. Para sa mga willing magbayad ng mahal? Aba, hindi pa ba sapat ang taxi—lalo na’t baka may ilang mga siraulo dyan na gumagamit ng batingting? (Kunsabagay, sinecure na rin ng LTFRB ang mga ito laban sa ganung modus.)
At oo, buti na lang ay nabigyang linaw na rin ang lahat matapos nang bigyan ng accreditation ng naturang ahensya ang kilalang transport service app na Uber kaninang umaga. Good job, LTFRB!
Ngayon ang poproblemahin niyo na nga lang ay ang ilang mga astang-mas-kupal-pa-sa-colorum na mga drayber ng mga pamapasaherong sasakyan sa lansangan, bagay na parang since time immemorial din ang problema. Oo, asin yung pagsala niyo—kasama ang Land Transportation Office at ultimo ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga kupal na drayber na balasubas magmaneho, makisama sa pasahero, at higit sa lahat namerwisyo gaya nangyari sa Quirino Highway last week.
Yun nga lang. Puta, ang darmi rin nila (kahit outnumbered sila ng mga matitino).
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!