09/01/2015 06:30:41 PM
Ay, matapos ang walong buwan, it's the season to be jolly again. Pero tunong ka-atat-an lang e no? Ano akala mo, Pasko na kagad? 'Di ba pwede mag-September muna?
Oo. Ber months na nga. E ano ngayon?
Oo. Ber months na nga. E ano ngayon?
Dahil BER months na, magsisimula na ang mga countdown to Christmas. Parang mga mahigit 115 o 114 na araw bago mag-Pasko ba.
Yun nga lang. Kung may countdown to Christmas, bakit naman walang countdown to New Year? O halloween? O ultimong Todos Los Santos? Ano 'to, mas pinapansin pa natin ang isang “mahalagang holiday” dahil lahat nga naman ay magsasaya ukol dito? E paano yung iba? E mga araw din naman sila na may katuturan sa ating sariling buhay at sa lipunan? At pare-pareho rin naman na lumilipas ang mga yan. Ito ang epekto ng sobra-sobrang komersyalismo eh.
BER months na! E ano ngayon? Dahil simula na ang countdown to Christmas, malamang, maya-maya niyan ay eere na muli ang mga Christmas songs. Oo, pucha naalala mo nga sa LRT-2 nun e. Buong araw tumutugtog yun mula sa oldies hanggang sa mga modernong hit. May instrumental pa nga e. Sa susunod kaya, may beat version na ba nito, o math rock? Sana naman.
Kasi ngayon, di mo na maririnig ang ganyan sa LRT-2 eh. Madalas na lamang sa mga istasyon ng radyo.
BER months na! E ano ngayon? Siyempre, may kanta na. May countdown na. Maya-maya ay mag-iiba na ang lahat. Dahil malamang, ang Yuletide season ang pangalawang pinakamalaking season sa Pilipinas kada taon. Maliban siyempre sa summer. Kahit mas lamang ang Xmas sa time frame, e sino ba ang nauuna, di ba?
BER months na! E ano ngayon? Sa konteksto ng kasalukuyang kultura dito sa Pilipinas, yan talaga anag hudyat niyan. Ang pagsisimula ng Christmas season. In fact, tayo nga lang ang bansa na may pinakamahabang selebrasyon ng Kapaskuhan. Ayos, 'di ba?
Mas matrapik nga lang sa lansangan. Mas bubuhos pa ang tao dahil dadalas na rin ang mga SALE. Yun nga lang, darami din ang mga kawatan. At dahil hindi pa ganap na malamig ang simoy ng hangin, mas matindi naman ang bagsik ng mga bagyo.
Ayos, 'di ba?
Ngunit sa ngayon, ang BER month, lalo na ang buwan na ito ng Setyembre, ay nagsisilbing pag-alala sa mga samu't saring kaganapan. Gaya ng pagdeklara ng Martial Law. Siyempre, ang daming masasalimuot na alaala dito.
Ganun din ang ika-anim na anibersaryo ng paghagupit ni Ondoy sa Luzon. Oo, ang isa sa mga pinakagrabeng kalamidad sa recent na kasaysayan. Sa Nobyembre naman, Yolanda. At sa Disyembre, Pablo.
Ngunit sa larangan naman ng basketball, sa September na ang hudyat ng pagsisimula ng UAAP season nito. Dati ay noong Hulyo ito. At dati, PBA ang nagseset ng opening e. Kaso naurong na yun sa Oktubre 18.
At oo nga pala, Oktoberfest pala sa susunod na buwan ano?
Pero... BER months na! E ano ngayon. Ay, bitter ka sa September?
“Wake me up when September ends” mo mukha mo!
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!