Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

07 September 2015

Cyber-Bullies Daw

9/6/2015 9:40:28 PM

Naku. Patay tayo dyan. Tayo din kasi e. Ang kukulit natin. Ang hihilig natin mamuna. Mang hihilig natin pulaan ang mga bagay-bagay; at ultimo ang kulay niya, pinutakte natin.

Ano ang ibig kong sabihin? Noong isang lingo ay naghabla ng kaso ang Vice President Jejomar Binay laban sa mga ‘cyber bullies.’ Bagay na ginawa rin ng kanyang anak noon na si Senator Nancy.

Pero ano ba ang dahilan kung bakit silang umaaray at nagpahayag na ‘biktima rin sila ng cyber-bullying’? 

Tayo rin kasi ang may kasalanan e. Oo, sabihin natin na incompetent sila ; o most likely, corrupt dahil yun nga naman ang binabato laabn sa pamilya nila kasunod ng mga serye ng pangyayari kabilang na ang hindi pagsipot sa hearing para harapin ang alegasyong pinupukol sa kanila.

Oo, minsan, ito lang din napapansin ko sa mga ‘netizen’ ng social media: kung hindi nasa tama, palaging ipinapangalandakan na nasa tama—as in ‘self-righteous’; bagay na nagiging kapansin-pansin pag may pinupuntirya na usapin mula sa pulitika hanggang sa showbiz. Nagkakaisa tayo laban sa mga mali, which is obviously tama. Pero ang labis-labis kasi na pagtatalak na dumarating sa punto na lampas na tayo sa dapat lang na sabihin, ay talaga namang hindi nakabubuti. 

Sa totoo lang, sa halip na kamuwian natin nang husto ang tao, bakit hindi na lang natin tulungan ang lipunang ito na bumoto sa karapat-dapat? Yun naman dapat talaga ang solusyon e. Voters education, hindi mga samu’t saring kaso ng black propaganda.

Tignan mo: sa kakabash natin d’yan, hindi na ko magtataka kung sa 2016, ayan na naman tayo mamumuna sa maraming mga ubod ng tanga sa bansang ito. Hindi ba tayo nadadala sa mga tinatawag na victim mentality? Saka sa tingin ba natin ay may magandang matutunan sa pambubully? Maliban na lamang siguro kung siya ang naguna.

Masyado na rin kasi tayong politically correct eh. Sila dapat ang lumalabas na kontrabida, hindi tayo.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!