09/16/2015 05:40:49 PM
Alam ko, kahit makipagtalo ka pa na masyadong mapanghusga at marahas ang mundo ng social media, sasabihin ko 'to: kahanga-hanga rin ang ginawa ng mamang ito. Oo, si Bise Presidente, na bumisita sa University of the Philippines Los Banos kahapon lamang para sa isang forum.
At tila hindi naging maganda ang naging resulta. Sa kabila kasi ng patutsada niya laban sa administrasyon, sa mga isyu ng katiwalian at iba pa, ay hindi mapigilan nito ay nag-aalab na reaksyon at katanungan mula sa mga estudyante ng UPLB.
Well, exemption sa usapin ng freedom of information bill, na matagal-tagal na talagang ipinapanukala.
Pero halatang mainit na rin ang usapan nun sa iskweater sa Makati hanggang sa alegasyon ng korapsyon at sa mga pondo na giamit para sa kanyang political ad, hanggang sa 'linya' ng kanyang trabaho.
Ngunit ano bang bagay na mayroon ang bise presidente na ito? Na gayunman ay humarap siya sa isang forum ukol sa Governance, Transparency, at Social Transformation, bagay na ironically ay ang kabaligtaran sa mga bagay na ito ang pinupukol sa kanya.
Matapang para sagutin ang mga nagtatanong na mga mamayan. Oo, bata sila pero ayos na yung makipagduelo siya dun. Hindi dahil sa nakakita na naman tayo ng teleserye sa TV Patrol, Aksyon o 24 Oras, dahil sa kahit nakakaurat na ang mga balita sa pulitka, minsan nakakatawa na lamang silang pagmasdan.
Sa kabilang banda, mas kahanga-hanga naman yung mga taong naglakas ng loob na magsalita at magtanong ukol sa mga bagay na binabato kay VP Binay. Ganyan ang isang forum. Parang duelo. Kulang na lamang ay gawin nila ang salpukang Felipe Buencamino at Antonio Luna (kung hindi mo alam kung sinu-sino ang mga yun, aba mag-aral ka ng Kasaysayan at manood ka ng pelikulang Heneral Luna!).
At sa hulihan siyempre, ang mga may-ari ng bahay ang nanalo. Not in our house!
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!