02 September 2015

Hassled Lessons

09/02/2015 11:42:14 AM

Tapos na ang protesta na nagsimula ng kaliwa't kanang maiinit na palitan ng kuro-kuro at argumento sa social media. Tapos na rin ang protesta na naghanap ng kaliwa't kanang butas at palusot.

At higit sa lahat, tapos na rin ang protesta na nagparalisa sa isang kalsadang pinupuntirya ng mga saksayan kahit kailan. Masaydo na ngang mabigat ang trapiko, mas bumiat pa lalo. Oo, saktong-sakto sa payday long weekend weekend nun na sinabayan pa ng buhos ng ulan; pati na rin ang buhos ng maiinit na salita. Wasak, 'di ba?

Ngayon, ano na? Ano na ang mangyayari? Ano naman ang matutunan natin pagkatapos nito?

Huwag kasi makialam sa isang pribadong sigalot. Yan naman ang pinapanawagan nila, 'di ba? Separation of the Church and State, ika nga. Kung tutuusin, matagal-tagal nga dapat ito nagiging parte ng buhay natin sa Pilipinas e.

Separation of the Church and State? Talaga lang ha? E bakit may ineendorsong kandidato ang halos bawat sekta ng lipunan? Sugo ba siya ng Diyos para mamahala sa bansa natin? Tapos pag pumalpak, todo triple facepalm na lang tayo sa pagkakahiya?

Sa totoo lang. Tama rin naman kasi sila e. Huwag makialam sa mga bagay hindi dapat pakialaman. Ioto nga lang ang problema: ang Pilipinas ay isang bansa na kung saan ang bawat mamayan ay nakikihalibilo sa kung saan-saang mga bagay, mula lovelife hanggang sex life hanggang sa showbiz, pulitika at ultimo ang relihiyon.

Sample ba ng “huwag pakialaman?” Yung mga nakikipagtalo kung sino ba ang dapat sambahin? Kung saan dapat aanib ba, o sa aling relihyon ang magbibigay sa atin ng kaligtasan—o sa konteksto nga ng iba, buhay na walang-hanggan.

Wow. Buhay na walang hanggan. Forever ang datingan ah.

Kaso ito ang problema: nagsampa ng kaso diumano ang naitiwalag na minsitro sa Kagawaran ng Hukuman laban sa mga namamahala sa naturang relihiyon. Kaya ayun, sinasabi nilang 'nakialam' si Justice secretary Leila De Lima.

Ang problema: pakikialam nga ba, o dahil parte ng trabaho niya yun? Kasi, kung ayaw nilang maisiwalat o mapakialaman sila, e sana noon pa mana ay sa kani-kanila na lamang napagtantuhan ang gusot. Hindi na sana umabot sa sangay ng gobryerno ang lahat ng yan. Well, yan ay kung pagbabasehan lamang ang galaw nila.

Alamin din ang dapat isasagot pag tinanong ng media. Separation of the Church and State ba? Walang masama sa ganyang sagot. May pinupunto naman kayo e. Pero para isagot kung ano yun? Ah, inutusan lang kami ng lider/ministro namin para dyan.

Nyai! Parang mas okay pa kung yun ang una mong sinagot, kuya.

Pero sa totoo lang, maliban sa paniniwala nila (bagay na sa totoo lang ay huwag na lang natin pag-usapan; mahirap na eh), parang nangangamoy-pulitka. Aminin man natin o hindi ay walang epekto ang paghihiwalay ng gobyerno at relihiyon sa atin. At kung magkakaisa pa ang mga kaanib ng isang grupo, panigurado malaki ang epekto sa eleksyon nito. Siyempre, dikta ng mga nasa itaas yan e.

Si Mar Roxas lang yata ang kandidato na nagpahayag na taliwas sa isyung ito; hindi gaya ng mga malalaking manok na sila Jojo Binay at Grace Poe.

Kaya sa totoo lang, maaring hindi lang ang mga kaanib na nakikibaka ang olats dito. Pati na rin ang mga pulitiko kung paano nila haharapin ang mga sitwasyon gaya ng rally.

Sa totoo lang, wala namang masama sa pakikibaka. Karapatan natin yan bilang mamamayan ng bansang Pilipinas e. Walang sinuman ang sumupil rito.

Pero paalala lang sana. Matuto rin naman tayong gumalang sa iba. Hindi lang ito sa paniniwala ng iba, kundi sa sitwasyon na kinabibilangan ng mararaming tao. Traffic na nga, payday Friday na nga nun, long weekend pa. Marami siyempre ang gsutong makauwi sa bahay mula sa kani-kanilang mga tanggapan at ultimong eskwelahan para sulitin ang panahon na ito, ano.

E maulan pa. Siyempre, matrapik na yan. Bumabaha pa sa ilang kalsada't eskinita. Hassle, 'di ba? Eh paano kung may ambulansya pa

Minsan, sarap nga lang nilang sabihan ng 'doon kaya kayo magprotesta sa Philippine Arena tutal sa inyo naman yun' at huwag sa isang lugar na kung saan ay lugar ng hindi niyo kaanib gaya ng EDSA shrine.

Pero sa malamang, may dahilan yan, maliban pa sa ilohikal na pagkukumpara sa EDSA People Power Revolution. Isang simpleng dahilan: kaya gumagawa sila ng rally sa lugar na tiyak magdidikta ng pagkapralisa ay para mapansin ang ingay ng pamahalaan. Similar na senaryo ba? Parang yung mga paghostage. Nakakagawa siya ng komosyon, hindi convenient sa mga tao, at kung minsan mamalas-malasin pa, kabadtripan.

Tunog-papansin man, pero after all, mga tao pa rin naman sila e. Napipikon din, o naiinis lalo na sa bulok na sistema na kinabibilangan din ng huradikatiura. Oo, kahit sabihin mo pang “sobra-sobra naman sila sa panata nila.” Kaya nga naman humingi sila ng paumanhin at pag-iintindi eh.

Yun nga lang, sana pa rin ay nailagay naman sa lugar ang pagbuntong sa mga kinaiinisan.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.