Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

08 September 2015

"Hell No!"

09/07/2015 05:29:09 PM

Hindi siya tatakbo bilang pangulo.

Oo, matapos ang mahaba-habang panahon ng spekulasyon, hindi nga tatakbo ang gusto nating maging presidente na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Yan ay matapos ang kanyang press conference nitong nakaraang Lunes ng hapon sa lungsod ng Davao.

Lakas bang makateleserye? Heart-breaker ba? Dinaig ba ang 'pagkikita' ni AlDub at ang indecent proposal ng isang TV reporter kay Terrence Romeo?

Alam ko: baka naman naurat ka na rin. Dahil sa halos isa't kalahating taon matapos ang kampanya ng mga kanyang taga-suporta, ay nauwi lang din sa isang simpelng pagtanggi ang lahat. Para lang magsyota nun na ilegal sa mata ng kanyang mga magulang—na matapos ang mahaba-habang pagkokontrapelo at pakikipaglaban para sa kanya, ay sumuko lamang siya sa'yo.

Pero ano nga ba ang magagawa mo? Desisyon niya yan e.

Wala e. Anong magagawa natin, 'di ba? Ayaw nya. A NO is a NO. Hindi naman itong lohika ng romantisismo na kung saan pag sinabing niyan' “I'm Okay” ay ibig sabihing “Hindi ako okay.”

Umayos nga kayo. Hindi siya ganun. Tignan mo ang nangyari sa Davao City. Dahil sa kanyang istirkto at 'no holds barred' na istilo, ay isa sa mga piunakasafe na lungsod sa mundo yun. E okung ikukumpara sa kalkhang Maynila na pag nahuli ka, either magmamakaawa ka, o magla-'lagay' ka.

Wala tayong magagawa. Yan ang pasya niya. Hindi ba't simula't sapul pa lang ay nagsasabi na siya ng mga salitang taliwas sa gusto natin? Nagpakita na nga siya ng mga senaryo na posibleng mangyari kung sakali na tumakbo siya at manalo. Na maaring darami lamanag ang mga kaso ng pagpatay—dahil sa kanyang krusada laban sa droga.

At isipin mo rin na kung tutuusin ay hindi biro ang maging presidente. Maaring sa ngayon ay magustuhan mo siya, ngunit baka sa susunod na panahon ay kamuwian mo naman. Oo, gaya ng mga naunang pangulo/bise-presidente/senador/kongresista na nagustuhan natin noon. Aminin, kaya natin angustuhan ang mag 'to nun ay dahil epektibo sila bilang mga kintawanan sa kani-kanilang mga tanggapan. Pero ngayon, matapos maglabasan ang mga baho—totoo man o propaganda—ay nawalan tayo ng interes; na para bang nag-eentertain ka ng manliligaw—sa simula ay gwapo at mabait, ngunit kalaunan ay isa palang pangit sa parehong panbalas at panloob na larangan ng pagkatao niya.

Kahit isa ako sa mga humahanga, ay tama lang ang desisyon ni Rod Duterte. Hayaan niyo na siya. Marami pa naman siguro dyan ang may kakayahan para tumakbo at makatapat ang mga trapo sa mata natin e.

Sana naman ay matuto tayong gumalang sa desisyon ng mayor na tinaguriang 'The Punisher.'At ang kanyang pag-atras ay kasama sa desisyong mag-retiro na mula sa pulitika.

Pano yun? Wala nang didispilina sa atin? Kung ganun, kung gusto natin na umayos tayo bilang isang bansa... aba, bakit hindi natin simulan sa sarili natin? Aanhin mo ang reklamo kung ni ultimo pagtapon ng basura sa tama ay hindi mo magawa? Kung arogante ka bilang drayber? Na kapag nahuli kang mag-jaywalk ay magrereklamo ka dahil 'ginagawa rin naman ito ng ibang tao?'

Pero sana naman ay isang bagay lang: huwag sanang gawing teleserye ang pulitika. Dahil marami nang tao ang naganyan. Oo, sa larangan na yan, nagsilabasan ang mga balimbing at sinungaling.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!