11/2/2014 1:56:04 PM
Fashion is for elite. Parang romance: so mainstream, o pwede ring so high school.
Hindi ko alam kung bakit ko naiwika ito. Siguro dahil isa rin sa mga realization ko sa buhay ay mas okay na ang simpleng manamit. At maswerte ka na lang kung mas anagat ka sa mga maykaya . Dahil malamang, may kakayahan kang bumili ng mga damit mo. At kahit makipagtalo ka pa at sabihing “may ukay-ukay naman ah. Pati surplus.” Hindi lahat ay madiskarte sa ganun, kahit gustuhin man ng bawat isa sa atin.
Hindi maaring ipagkaila na isa sa mga pinakapangunahing pangangailangan ng tao—maliban siyempre sa pagkain, bahay, kalinga, at ultimo ang sex—ang pananamit.
Kung ayaw mong maniwala, tignan mo pa ang hierarchy of needs ni Maslow, o kung relihiyoso ka, basahin mo kaya ang isa sa mga Seven Corporal Works of Mercy.
Oo, damit. Kailangan ng tao yan. Para magmukha siyang tao. Magmukhang kaaya-aya at kagalang-galang. Sinasabing ang istilo ng pananamit ng isang tao ay repleksyon ng kung anong klase siyang tao. At totoo ito sa lipunang mapaghusga gaya ng ginagalawan natin.
Pero fashion is so elite. Hindi mo ba napapansin na karamihan sa mga taong mapoporma ay mga celebrity (dahil malamang, they belong to that state)? Swerte ka na lang kung maymakatagpo kang fashion blogger pero saan mas pumipili ng damit at nagde-dress: sa mga ukay-ukay. (at tingin ko, may mga ganito namang tao. Kaya walang masama dun).
Pero still, fashion is so elite. Dahil sa mga naglipanang mga clothing brand sa mga mall, ayun natuto rin umastang matapobre ang iilan. Nagbabago ang lifestyle. Ayaw nila sa mga local brand (sabagay,mahal din e)? Gusto nila sa mga nagbabaguhang banyagang pangalan? Ano ‘to, dulot ng colonial mentality natin? Na prang halos walang pinagkaiba sa panahong may naglalabasang smartphone, tablet at kung anu-ano pang mga gadget?
Fashion is so elite. Kaya sa totoo lang, tingil-tigilan ko nang magbasa ng mga Friday lifestyle sections ng mga pangunahing broadsheet. Alam kong yuppie generation tayo na may pagka-narcotic. Yung mga tipoing lagging nagpopost ng OOTD at ng mga selfie. Pero nadidismaya nga lang ako kasi sa halip na tutukan ang mga iba pang mga isyu salifestyle ng mga kabataan, ay panay nagmukhang lookbook ang kada pahina. (ibalato na lang natin yan sa mga ganung website at sa mga akmang style magazine, pwede ba?)
Fashion is so elite. Dahil mas trip pa ng taong pumorma ngayon kahit wala siyang datong para kumain. Ang resulta ay nagigingsexy siya dala ng kanyang pagkaanorexic. At patunay lang na pag may abs ka, in ka. Eh paano kung isa kang dukha na walang kakayahan? Malamang, wag ka lang makiuso. At huwag -mong isipin na baduy o jologs ka porket hindi tending ang kasuotan mo. Pucha, bigatin nga ang brand, e para namang tinapal lang natela sa’yo ang suot mo. Parang isang hila ng tao sa’yo ay hindi ka babagsak sa sahig at bagkus, huhubaran ka. Parang yung isang mala-X rated na prank sa Japan (oo, naalala ko nung panahon na illegal akong umaarbor ng mga porn nun sa dati kong telepono. LOL).
Fashion is so elite. Nagbukas ang UNIQLO nun? Nagbukas ang H&M kamakailan lang? Eh ano ngayon? Ika nga ng Radioactve Sago Project, “Tangina mo! Ang daming nagugutom sa undo, fashionista ka pa rin?”
Oo, pati ikaw kasama samga nagugutom nay un, pero fashionista ka pa rin?
Sabagay, trip mo yan. Pero kung ako ang tatanungin, lugar-lugar din ng priority pag may time.
Fashion is so elite.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!