10/06/2015 06:33:35 PM
Isa sa mga pinakamasaklap na mangyari sa lipunang ito ay ang masupil ang akrapatan ng paghahayag ng isangt ao, lalo na kung ikaw ay isang batikang journo.
Kung maalala mo, naging mainit ang nakalipas na mga linggo sa isyu ng pagkaban ng sports reporter na si Snow Badua mula sa alinmang gawain o aktibidades ng Philippine Basketball Association. Ito ay matapos ang isang mainit na isyu na kinasangkutan ni Alfrancis Chua at Abby Poblador.
Kung maalala mo, naging mainit ang nakalipas na mga linggo sa isyu ng pagkaban ng sports reporter na si Snow Badua mula sa alinmang gawain o aktibidades ng Philippine Basketball Association. Ito ay matapos ang isang mainit na isyu na kinasangkutan ni Alfrancis Chua at Abby Poblador.
Aniya, sa isang podcast nun ni Mo Twister, isiniwalat ng panauhin na si Poblador na minsan ay naging ka-affair niya ang batikang executive ng SMC team. Sa sobrang init ng pahayag, at kasama ang pagkaroon ng interes ng tao sa kontrobersiya, ay hindi na ito nakita pa sa website ng Good Times with Mo podcast.
Sumunod na pangyayari ay nag-guest naman si Twister sa programa ni Snow Badua sa Sports Radio DZSR 918, bagay na naging puno't dulo ng paghatol ng kumisyuner ng liga na si Chito Narvasa. Pinatawan ng habang-buhay na ban si Badua mula sa laro ng PBA at sa alinmang mga activity na may kinalaman rito.
At kung akala mo yun na yun, may kasama pa itong permanenteng ban mula sa pag-interbyu sa lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng mga koponan na saklaw ng PBA.
Tangina, parang sobra naman yata yun. Bread and butter na niya ang PBA, at alam ko na may mali siya roon kasi sa maliban pa sa pagsunod sa scoop na yun ay tila—sa kabilang anggulo—ay tila may hidwaan pa yata siya sa ilang mga opisyales. Pero huwag na nating pakialaman yan.
Sa totoo lang, hindi ako ganun fan ng pagrereport ni Snow. Pero ginagalang ko yun dahil sa larangan nga naman ng paghahatid ng balita, halos bawat tao ay may kanya-kanyang approach. At depende nga lang sa audience mo kung paano mo itetake yun. Magaling si Badua sa pagkuha ng expose. Iba nga lang ito sa konbensyonal na pamamraan ng ibang mga sports journo. Ngunit walang masama dun as long as nagawa naman niya nang tama ang trabaho.
Bagamat sabihin na natin na may mali sa isyung ito sa isang tingin (maliban kasi sa elemento ng proximity, ay ano ba naman talaga ang mararating ng baltiang ito sa SPIN.ph maliban sa kontrobersiya di ba?), pero labis naman yata ang parusa kay Snow. Hindi lang kasi siya pag-ban sa naturang mediaman, kundi pagban na rin siya sa pangkalahatan ng mga mamahayag at ultimong mga manlalaro at coaching staff.
Karapatan din ng tao na malaman ang mga balita sa PBA; at maliban dun, kung ang mga gaya ni Badua na may pangalan na sa industriya ng sports broadcasting ay nagawang i-ban dahil sa isang malisyosong aytem; aba, bakit hindi yung mga milyon-millyong mga tao rin na may masamang salita ukol sa liga? Pustahan tayo, marami dyan ang nababadtrip sa aniya 'pagkaluto' ng ilang laban at resulta..
Sige nga.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!