Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 October 2015

Lihim

9/26/2015 7:47:59 PM

At some point in my life, I admire the people who have the guts to say such poetic lines in such a way that it appears like an old school monologue—just minus the extra motions such as theatrics.

And though I had no chance to do such spoken word poetry by such saying words with such eloquence, I can only utter words in writing. (Plus aside from the fact that I have a stage freight and a low self-esteem; something that serves as a hindrance for one to do public speaking.)

This piece is all about a 'secret admission' over someone else; it's like you want to make porma on her but you're resisting to do so as if she was—as well as the feelings of infatuation, lust, and even love—is a hindrance. Here it goes:

Lihim. Lihim ang lahat ng ito. Nagmula sa dulo ng dila ang mga salita, at sa hulingt ulo ng tinta ang paglapat. Mula sa hindi maaninag na puso’t isipan ang mga emosyon. Masyado bang magaling sa pagtago ng bugso ng damdamin? Pinigilan ang silakbo na para bang sinuntok patumba sa lona ang lahat? Hindi ko alam.

Lihim. Oo, may lihim nga 'ko na pagtingin. Oo, nagawa ko itong itago at ikubli, na para bang nagbabagang apoy na tinabunan ng buhangin. Parang alak na pinigilan ang mundo ko sa isang gabi... at piniling kalimutan ang lahat... pati IKAW, AT IKAW, AT LALO KA NA.

Lihim nga ang lahat na para ba akong isang salamin na ako lang ang tanging nakakaninag; na ang tanging sigaw ay hindi mo kailanman nadinig. At kahit may sirena pa na umalingagwngaw o siga na magtangka na basagin ang pader, manantili sa takipsilim ang mga nalalabing alab nito.

Umaasa ba ako na minsan ay iyong masulyapan? Na minsan sana ay narinig mo ang hinaing ng aking puso? Na mabigyan ng pagkakataon na bigyan ka ng magandang alaala, buhay at ultimo lahi?

Masyado naman yata akong papansin para mapilit na ipamulat sa iyo ang mga bagay na baka-sa-malamangay isang hamak na delusyonal.

Oo, sa aking mga mata, delusyonal ang aking paghangad ng 'yong romansa. Delusyonal ang pag-ibig na naghahangad sa iyong pagtangis at katawan. Malabo itong maisakatuparan. Delusyonal para sa akin na hanapin pa sa mapa ang direksyon papunta sa puso mo at maghanap ng dahilan kung sakaling magtanong. Hindi ko linya ang mapraning sa t’wing hindi tayo nagkakasalubong sa ating tagpuan, na parang ikamamatay ko ang lahat kapag hindi ako nakidlatan mula sa iyong kagandahan hanggang sa iyong busilak na kalooban.

Binaon ko sa kumunoy ng kawalan ang lahat. Hindi ko ginawaran o ginunita ang araw ng paghimlay. At kahit gumanti ang patay, may gatilyo na susupil sa mga magtatangka na gisingin ito.

Patawad. Hindi ko na maisisiwalat ang lahat. Tama na. Huwag ka nang huminga nang malalim at aasang lulundag ako sa saya kung sakali man na mangyari ang kabaligtaran.

Hahayaan ko na lang maging sikreto ang lahat at maging ilusyon ang pangarap na mapasaakin ka. Pakiusap lang: lubayan mo ako. Hayaan mong itakwil ko ang aking nararamdaman at harapin ang masukal na katunayan. Sabihin mo na sa kanya na “Mama, Para po” dahil kahit gusto kitang sabayan at dalhin sa mga lugar na gusto mo, ay hindi ko gagawin sa ngalan ng aking paninindigan at kontrapelo.

Hindi ko pipiliin na mahalin ka kahit sa totoo lang ay sinisinta na kita kahit hindi mo ito nalalaman.

At oo, mananatiling lihim ang lahat ng ito.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagramFacebookFlickrand Tumblr.

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!