rojan88.wordpress.com |
Ayan. Nasaktan na naman kayo. Disappointed. Galit na para bang hiniwalayan kayo ng syota, o nabasted ng nililigawan, o nasabihan na “ hanggang magkaibigan lang tayo.”
At bakit nga naman hindi? Umaasa kasi kayo sa mga binibitiwang salita eh.
Alam niyo naman ang mundo ng pulitika dito sa Pilipinas. Kung hindi puno ng kasinungalingan, lipunan naman ito ng mga taong “walang isang salita.” Hindi ganun katigas ang paninindigan.
Pero ganun nga ba siya? Oo, yung gusto natin sana maging pangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte?
Aba, ibahin mo siya sa mga ibang pulitiko sa bansang ito. At least siya, sa bandang huli ay nanindigan pa rin na “hindi tatakbo sa darating na 2016 Presidential Elections.” Oo, kahit sabihin mo na para siyang babaeng nagpakipot pa sa nililigawan pero babastedin lang pala sa bandang huli. Nagpaasa, sa terminolohiya ng mga romantiko; o Friendzone sa makabaong bersiyon. Oo, maaring nag-soul searching pa siya para maliwanagan ang isipan, puso, at kaluluwa.
Pero paano kung hindi pala niya sinabi yun at bagkus ay gawa lang ito ng mga spin doctor? Yung mga tipong ginagamit ng ilang PR ang media para makapagpahayag nang may bulas. Pero malabong paniwalaan ang ganyang argumento. Hindi lang dahil si Digong mismo ang allegedly nagsabi nyan, dahil sa malakas ang kapangyarihan ng mga stratehista sa pulitika sa pamamagitan ng mga adviser nila at ang media mismo. Kaya nga kahit basura ang pinapanood mo ay tinatangkilik mo pa rin, 'di ba?
At kahit magpakalbo pa ang anak, at mga tagasuporta—at ultimong ahitin (o rather, kalbuhin) pa ang pubic hair mo, hindin siya tatakbo para sa'yo. Hindi dahil sa hindi niya kayo mahal o ano. Malamang, may dahilan siya. Gusto pala niya magretiro; o kung hindi man, pamunuan na lamang ang Davao.
At bakit mas pipiliin niya ang Davao kesa sa buong Pilipinas? Hindi madaling magpatakbo ng isang bansa. Sa ngayon, maaring nagugustuhan mo siya. Pero paano kung hindi niya nakamtam ang mga nais mo? Paano kung nag-fail siya sa mga expectation niyo? O sa kontesto ng mga friendzone at klung ano pang kababawan ng relasyon, paano kung hindin niya natupad ang pangako sa 'yo?
Magagalit ka ba gaya ng pag-react mo sa mga taong hinalal mo nitong nakaraang halalan? Iintindihin mo rin ba ang puwesto niya kung sakali? Malamang hindi, dahil baka sarili niyo lang ang pipiliin niyo, at kung anumang kapalpakan ang mangyari, isisi mo sa gobyerno.
At paano kung mangyari ito sa darating na panahon na kung sakali lang ay tumakbo si Duterte at nanalo; pero sa mga nagdaang buwan at taon ay hindi rin nagampanan nang sapat ng kanyang administrasyon ang mga suliranin ng ating bansa?
Kitam. Hindi niyo man lang ginalang ang desisyon niyang magsabi ng hindi. Paso na nga ang deadline e. Tapos na ang buong #DuterteSerye. Kahit sa kabila pa nito na nag-rally pa ata kayo sa harap ng Palacio del Gobernador para lang gumawa ng last-minute na ingay. Nung nag-anunsiyo na siya sa social media account niya ay ganun kayo na dismaya, nagalit o dili kaya'y nabad trip. As if hawak niyo siya sa leeg ah? As if anak niyo siya ah, o nilibre niyo siya ng gabundok na pagkain.
Prarang tumatanaw lang ng utang na loob ah.
Ah, dahil siya na nga lang ba pag-asa ng bansa? Kunsabagay, sa lahat kasi ng mga pulitikong kakandidato ngayong eleksyon, mukhang siya lang ang may kakayahan talaga.
Pero ano magagawa natin, maliban sa igalang ang kanyang pasya? Yun lang. Wala pala siyang ambisyon e. Bakit natin ipipilit ang mga bagay-bagay, na para bang ipinagsiksikan mo ang sarili mo sa babaeng nakilala mo sa isang bar; o sa isang bagon ng MRT na mas siksikan pa kesa sa lata ng sardinas?
Dahul siya lang ba makapagpabago sa atin? Bakit hindi ba natin magawa yan sa ating paligid? Sabagay, ultimong pagtatapon nga ng basura sa tamang tapunan ay hindi nga natin magawa.
Ganito yan: kung gusto niyo ng pagbabago sa Pilipinas, una sana mapansin niyo man lang na kailangan ng radikal na pagbabago, at nagsisimula ito sa inyong mga sarili.
At pangalawa, kung may bayag talaga kayo na maging makabayan, nag-file sana kayo ng certificate of candidacy gaya nung mga ordinaryong nilalang na gumawa niyan sa loob ng limang araw. Hindi sila baliw gaya ng inaasahan niyo. Oo, maaring hindi sila sikat. Pero at least ginawa nila kahit minsan sa buhay nila.
Hindi ito usapin ng YOLO. Usapin ito ng kung ano ang kaya mong gawin para sa bayan maliban pa sa panunood ng mga pelikulang gaya ng Heneral Luna at magingninstant fanboy o historyador pagkatapos.
Buti nga ang mga panatiko ng pelikulang ito natutuo sa mga bagay sa kasaysayan ng bansa e. At least kahit saglit lang, nagpakita sila ng pake sa Pinas. E yung mga walang inatupag kundi kiligin na lang sa mga “serye” na oras ng katanghalian, aber? Sana nga kung ano yung mga turo ni Lola Nidora dun ay naipapasok sa utak niyo e, lalo na sa panahon ngayon na mas binibigyan pa ng importansya ang pag-ibig (o paglalandi) sa sinisinta kesa sa anumang bagay.
Nakakagago na nga ang estado ng pulitika sa ating bansa, mas nakakagago pa yung ilang mga nagrereact sa social media. Para kayong pinaasa ng isang hot tsiks o kung sinumang gwapitong heartrob ah.
Sabagay, nagpadala kasi kayo e. Kasalanan niyo rin yan.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!