10/11/2015 7:27:23 PM
Kababawan. Ang salita na naglalarawan ng pagiging mababaw ng isang tao, bagay o pangayayari. Malaman na obvious na ang kahulugan, ‘di ba?
Pero sa konteksto ng mainstream media sa Pilipinas, ito ang perpektong salita para ilarawan. Oo, mababaw nga. Panay kababawan. Panay kilig na lang. Panay kalandian pa nga sa ilan. Lalo na sa panahon ngayon na dalawang network ay pinagsasabong na pakulo na nagpapaalala sa atin na minsan ay masarap takasan ang realidad.
Oo, lalo sa mainit na tanghali.
Kaya tuloy ang mga hanay ng mga tagahanga mula sa dalawang kampo ay nagtatalo. Hay, tangina ang bababaw niyo. Parang ikauunlad ng Pilipinas yang pinagtataluhan niyo ah. Eh kung tutuusin kayo-kayo rin lang naman ang olats.
At kaya ang sinuman na nagsalita ng kababawan aynakakatikim ng backlash. Bakit, kayo ba ang tinutukoy ni Lea Salonga? Kayo rin ba ang tinutukoy ni Joey de Leon?
Pero huwag mo nga lang sasabihin na pati ang pelikulang Heneral Luna ay mababaw din. Dahil yan napapalan ng mga taong sa social media lang umaasa. Hoy, mag-aral kasi kayo, o matutuong gumamit ng Wikipedia. Nakakalokang mga ‘to.
Ngunit kahit ang mga ampaw na bagay sa mundo—gaya ng mga malalalim—ay may dahilan. Malamang, ang media ay isang negosyo, at ang lifeblood nito ay ang tinatawag na advertising. At sa kaso ng kilalalng AlDub series, dito sila nakakuha ng mga sandamukal na tagahanga, ang habitwal na pagtetrend nila sa Twitter at maraming commercial endorsement sa mga tampok na celebrity.
Bakit, ano bang meron ang dalawang love team na ito ay tila naging isang alamat na sila in an instant sa popular na kultura? Maraming simpleng bagay: tinututuro ang ilang kagandahang asal, lalo na sa pakikiharap ng lalake sa babae—kahit sabihin pa na panliligaw. At ‘yan ang isa sa mga bagay na nawawala sa panahon ngayon. E paano? Teleserye kasi e. Samahan pa ng pagpe-Facebook, pakikinig sa mga mababaw na kanta sa radyo.
Sa kabila naman, bakit nauso ang salitang pastilyas, na ang alam lang sa unang tingin ay isang matamis na delicacy na kilalang produkto sa lalawigan ng Bulacan at iba pa? Dahil ba ito sa pagkdiskubre sa isang YouTube video na gumagawa ng pastilyas habang sinusumbatan ang ex-boypren niya?
Kaya tuloy nauso din sa Facebook ang mga mahahaba-pero-walang kwentang kumento ukol sa kung paano magluto ng kung ano-anong putahe. Putanginang yan.
Teka, may bugaw-serye nga bang nagaganap? SInasbai lang na nagiging dating game lang daw ang peg;l bagay na nangyayari naman noong dekada ‘90 sa ilang mga programa nun (seryoso, naalala ko ang mga ganung bagay at yung isang program nga nun ay sa RPN 9 pa umeere). Yun nga lang sa gabi ito nagaganap, dahil sa stigma nun na “Para ka naming Intsik” pag nanligaw ka ng hapon.
Pero dahil sa oras ng katanghlaian nangyayari—samahan mo pa ng sakit ntating mga Pinoy ang magbigay ng ‘say’ sa mga bagay-bagay—yan ang napala.
Pero ang bottomline ay ang bababaw niyo pa rin para makipagsabong sa isa’t isa. Hindi ayata alam ng mga ‘to na kasalanan rin nila dahil mas pinili pa nila na manood niyan kesa sa kumain ng tanghalian o pumasok after lunch sa kani-kanilang pinapasukan.
Hoy, umayos nga kayo. Ang babaw ha?
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!