9/28/2015 4:43:46 PM
Traffic is not fatal.
Talaga lang ha?
Sa dinami-rami ng kabadtripan ukol sa traffic, lalo na noong Setyembre a-8, kung saan inabot ng magdamag ang mga taong pauwi pa lang sa kani-kanilang mga opisina, huminahon ka lang dyan, mga tsong at tsang. Kaya nga umulan para kumalma tayo e.
Ganun? Hindi ba’t may pagkakapareho na ang mga instant noodle at traffic sa panahon ngayon? Oo, may similiarity sila: just add water at instant na ang epekto. Kaya instant rin na iinit ang ulo mo, maliban pa yan sa mga kupal na barker na gagawing sardinas ang jeep at mga drayber na parang ugali na rin ilang mga netizen—self-righteous na arogante. Beast mode.
Relax, hindi naman fatal ang nangyaring traffic e.
Oo, hindi nga fatal. Pero yung pasensya naming namatay na. Naubos. Kumbaga sa gasoline, empty tank na. Sino ba naman ang hindi maalibadbaran kung alas-6 ka na umalis, pero nakauwi ka na ng bahay ay alas-10 o 11. Pucha, baka nga yung iba dyan ay 12 na ng hatinggabi o ala-1 na ng madaling-araw.
Sinong hindi mababadtrip sa ganun, aber? Yung ilang oras na nasa gitna ka ng kalsada ay sana nalaan mo sa ibang mahahalagang gawain sa buhay gaya ng pagtutok sa mga paborito mong teleserye sa primetime; saka paglalaro ng LoL, CoC, o ultimong Candy Crush (anak ng pating, uso pala to?), ‘di ba?
Sinasabi pa nga na ilang milyong piso (o baka nga bilyon pa e) ang nasasayang bawat araw dahil sa traffic na inaabot pag rush hour.
Pero huminahon nga kayo: traffic is not fatal nga e, sabi ni DOTC secretary Abaya, ‘di ba?
Talaga lang ha? Traffic is not fatal?
Kung hindi nga yun fatal, paano mo i-eexplain ang balita nun na may mga pasyenteng hindi nakaabot sa ospital dahil sa traffic nun na gawa ng protesta ng isang sikat na religious group?
Traffic is not fatal pala ha?
Maaring kasalanan ng tao kung bakit sila nale-late sa umaga, lalo na pagsapit ng rush hour. Pero sa malamang ay hindi kasalanan ng maraming tao kung bakit sa uwian ay mararaming tao ang nagkakasabay-sabay sa daan kaya natatraffic. Aba, hindi naman yata pwede na iimpose mo sa marami na huwag muna kayo umuwi ng alas-singko dahil hindi lahat ay pare-pareho ang inuuwian. Yung iba nga dyan gagala pa. Hindi rin namans ila pwedeng magpalipas oras as opisina lalo na kung may iba pang uupo sa cubicle nila, o kung wala naman silang tatrabahuin pang-overtime.
Ang pagpropose sa ganung bagay ay isang malaking kalokohan, gayun din ang planong iban at magreroute na lamang ang mga sasakyan na ang sakay ay hindi tataas sa tatlong katao. Kawawa naman yung mga bachelor at bachelorette na forever alone ang peg. Pagko-commute-in mo sila? Sa bulok mong MRT? Sa mga balatubang bus at jeep? Hidi sila mga gago para magdecide ng ganun. Umayos ka nga.
Mabuti pa nga ang Highway Patrol Group e. Kahit pumalya sila nung gabi ng Setyember a-8 dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan, tignan mo naman ang nagawa nila sa unang araw ng pagmando sa EDSA.
Yan, ganun dapat. Disiplina ang kalayaan.
Yun nga lang. Ang kalaban ng disiplina ay demokrasya. Kaya good luck na lamang sa atin!
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight priductions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!