10/31/2015 12:53:05 PM
Photo credits: Walkah Walkah; Inquirer |
Nakakalokang lipunang ito. Puno ng bunganga’t panay reklamo ang laman.
Oo, wala sanang masama sa pagbubunganga kung gaano kamiserable ang mga bagay-bagay sa ating bansa.
Parang kung gaano ba kapangit ang serbisyo ng ilang ahensya; kung gaano tayo pinaghihintay sa pila na diaig pa ang mala-forver na pagmamahalan sa mga paborito nating tetleserye’t pelikula. Kung gaano tayo nababagot sa pakikipagtalo kung may forever o wala, habang naisastuck sa trapiko sa EDSA at alinmang pangunahing kalsada. Kung bakit ang bababaw ng mga panukalang ipinapasa sa kongreso (kung tutuusin, kasingbabaw nga lang yan ng kwentong pinapanood natin e) At higit sa lahat, kung bakit ang mga nuknukan nang kakupalan at kaungasan ang nakaupo sa pamahalaan na naglilingkod dapat sa ating mga mamamyan.
Ayos sana ang pagrereklamo natin e. Ito nga lang ang mas malala: ilan naman sa atin ay may ugali na hindi naman natin dapat ginagawang parte ng ating kaugalian. Nagrereklamo tayo sa pagiging malambot ng otoridad pero hindi naman sumusunod sa batas? Nagrereklamo tayo kung bakit baha inaabot natin sa tuwing sumasapit ang tag-ulan samantalang tayo naman ay nagtatapon ng basura sa mga estero?
Nagrereklamo tayo kung bakit tiwali at incompetent ang mga nakaupo samanatalang hindi naman tayo bumoto?
At nagrereklamo tayo ng extension sa deadline samantalang hindi natin pinapansin ang voter’s registration program ng Commission of Election (COMELEC) nung nagsimula ito noong 2014?
Aba’y nakakagago naman pala kung ganun. Bakit tayo hihirit ng extension? Bakit tayo aapela na dapat ay maiextend ang voter’s registration hanggang Enero 8, 2016? Nakakalokang lipunang ito o. Kung andyan pa ang dating chairman na si Sixto Brillantes ay sa malamang nakatikim na naman kayo ng bato-batong kataga.
Teka, bakit “extend pa more,” mga hijo’t hija? Ano ang pinaglalaban natin?
Busy sa trabaho? Unless wala kang leave na maaring gamitin, ano pa ba ang maaring excuse mo? Pucha, ultimong mga walang trabaho nga e (o sa mas marahas na termino, batugan) at estudyante pa lang, basta nasa wastong edad ay may K na gamitin ang kanyang right of suffrage e. Kung OFW naman, naglabas rin naman yata sila ng registration para sa absentee voting.
Ahh, dahil ba sa mga gaya ng AlDub, Pastillas Gir, Pabebe Girls, #hugot fever, at kung anu-ano pan pautot ng mainstream entertainment? May Internet naman para makapag-catchup ah. Mantakin mong mas napapaglaanan mo pa nga yata ang mag-Facebook at Twitter, kesa sa icheck mo ang email mo at mag-research e.
Ahh, dahil ba sa mga gaya ng AlDub, Pastillas Gir, Pabebe Girls, #hugot fever, at kung anu-ano pan pautot ng mainstream entertainment? May Internet naman para makapag-catchup ah. Mantakin mong mas napapaglaanan mo pa nga yata ang mag-Facebook at Twitter, kesa sa icheck mo ang email mo at mag-research e.
Sa madaling sabi, ang haba ng panahon nang nilaan para sa inyo. Ganyan kayo kamahal ng pamahalaan niyo kahit madalas ay sablay-sablay sila sa mga serbisyo nila. Oo, kahit gaano niyo binabash sa social media at minumura ang ilang mga opisyales na nagpapakatapat (kahit ang ilan ay talaga namang likas na siraulo pagdating sa customer service), at least itong COMELEC na ito, gumawa pa rin ng paraan para i-acocomodate kayo. Naglagay nga sila ng satellite booth sa ilang publikong lugar gaya ng mall ‘di ba? (Kitam mo, may mall pa nga e. Sabagay, panay sine lang yata na nagpapalabas ng kalandian ang ianaatupag mo pag andun ka e.)
Nagkaroon pa kamo ng 12-hour operation sa bawat araw mula Lines hanggang Linggo. Pustahan tayo, baka nga hindi pa sapat ang sahod sa mga empelyado na nagging bahagi ng programang yan. Maawa ka rin paminsan-minsan. Panay sarili lang—gaya ng pagdownload mo ng Heneral Luna sa Torrent (example lang)—ang pinili mo e.
Ang lawak na rin ng mga public service announcement ng mga TV network na pinapanood mo araw-araw. Ilang beses kung i-ere ang mga ito. Palagiang pinapaalala pa yata sa mga piling palatuntunan. No Bio, No Boto nga sabi ng slogan ng COMELEC; samantalang sa isang network naman ay in-emphasis ang halaga ng boto ng bawat taong lalahok. Isipin mo na lang yun: kung hindi ka bumoto, wala ka dapat na K na magreklamo. (Pero dahil nga nasa Pilipinas tayo—na isang malayang bansa to the extent na nagiging pasaway tayo sa sariling batas at may say sa lahat-lahat ng mga bagay—sorry na lang ako.)
Pero bakit “extend pa more” ulit?
Dahil ayon sa Section 8 ng Voter’s Regitstraion Act, dapat ay tinatapos lamang ang registration period isangdaan at dalawampung araw (120) lamang bago ang regular election. Kaya ayon sa nasabing peitsyon ay illegal raw ang pag-set ng COMELEC nag awing Oct. 31 o halos kalahating-taon bago ang nakatakdang halalan.
Ah, ganun? Hanapan pala ng butas kung ganun. Maaring mali ang COMELEC dahil sa naturang hakbang na ito. Pero maliban dun, ano naman ang repklesyon sa ating lipuanng ito?
Na mahihilig tayo sa last minute. MaƱana habit, sabi nga naman nila. Parang estudyante lang, mahilig sa cramming. O minsan, applicable din ito sa ating mga nagtatrabaho. Kung kelan malapit na ang deadline, saka lang tayo kikilos.
Ganun? Oo, ganun nga. Ang gagara din natin, ano po? Balik sa tanong. Bakit “extend pa more” ang hinaing natin?
Samantalang mula Mayo 6 pa pala tayo hinihikayat ng COMELEC na magparehistro at magpa-validate n gating biometrics? Kukulit din kasi natin e. Isipin mo na halos labing-pitong (17) buwan na pala tayo kinukulit ng COMELEC para ditto. Tapos may gana tayong magreklamo kung bakit ang haba ng pila; kung bakit ang bagal nito; pati yung proseso ng serbisyo? Isama mo na rin yung mga kung anu-anong shenanigan na nagaganap.
Mga gao pala kayo e. Ang haba na ng panahon na nilaan sa inyo ay ganyan kayo. Ayusin niyo kaya ang ugali niyo at iwas-iwasan ang “mamaya na” habit?
Ay, busy? Punyeta, sapat bang excuse yan sa haba ng panahon na nilaan? Tsk.
Ay, extend pa more? Extend niyo mukha niyo!
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!