10/11/2015 8:31:19 PM
May kasabihan sa buhay—at ito ay ayon sa isa sa mga hjinahangaan kong kontrabida na si John Regala: Para mapansin ka, either gumawa ka ng masama, o gumawa ka ng masama.
At sa tingin ko, kahit alam ko na kabutihan ang nais nito ay nagging masama. OO, mabuti dahil gusoing mapasaya ang birthday celebrant nun. Pero masama dahil sa imaheng dinadala nila bilang isang opsiyal na hinalal ng mamamayan.
Hindi dahil sa naging iba ang imahe ng kababaihan. Kung tutuusin, ag mga sexy dancer naman ay andyan na e mula noong panahaon na umusbong ang mga beerhaws at sa mga noontime shows. Kaya anong bago para punahin ang mga ito? Dahil ba sa mala-sexist na ang perspektibo ng lipunang ito? Tanginang lohika yan.
Hmmm... kaya hindi kataka-taka na nahiya tuloy ang dapat na tatakbong senador sa ilalim ng Liberal party na si Metropolitan Manila and Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino at nagdesisyon na umalis sa naturang aprtido. Aba, ikaw ba naman ang putaktehin ng publiko sa ginawa mo e. Mantakin mong may suot pa ang mga playgirls ng endorsement shirt ni Tolentino.
Good luck, ‘di ba?
Kanya-kanyang taktika na rin yan siguro. Oo, kanya-kanyang ingay, at propaganda para mapansin lang ng madla. Para makakuha ng atensyon. Para na rin makakuha ka na ng simpatya sa publiko kung ikaw ay binabatikos sa social media. Kumbaga sa mga jargon ng wrestling, kailangan ay may gimik ka, kahit sa aktwalidad ay lalabas kang kontrabida at jinni-jeer o binu-boo ng marami dahil sa mga kilos mo.
Kaya ang dami ring mga pulitiko na nahahalal sa kabila ng kanilang madungis na track record na ineexpose ng ilang mga netizen. E paano? Sympathetic ang mga nasa ibaba; nadadala sa siympatiya. At yan ang sinasabi ko palagi na hinay-hinay lang sa pambabatiko sa pulitika. Matutuo naman sana tayo, ‘di ba?
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
Totoo yan. Sa dinami dami ng mga putik ng mga Politiko nakakamanghang nakatayo pa rin ang career nila. Puwedeng malinis sila sa simula pero sa huli kinakain din sila ng sistema. Ang problema napag aaralan din nilang bulagin ang mga botante. Sa bansa natin, hindi na uso ang wisdom sa kandidato pag nagsasalita, lahat paawa at pabebe na para makakuha ng simpatya..
ReplyDelete