Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

25 October 2015

Why o Why???

10/25/2015 9:55:30 AM

Ang daming nabadtrip. Matutuwa na sana sila e. Makikialam na sana sila sa darating na halalan sa May 2016.

Kaso may problema: ayaw ng tao ang partner niya. As in yung kasama niya para sa ticket niya bilang pangulo. Yung bise-presidente ba.

Bakit ganun?

Well, sino ba naman ang hindi mababad-trip kung ang gusto mong kandidato ay pinili ang isang tao na ayaw mo? Na para bang si Sen. Miriam Defensor-Santiago, na tatakbo sa 2016 Presidential Elections, ay pinili si Senator Bongbong Marcos bilang kanyang bise-presidente?

Sino ang hindi mababagot kung maalala nila ang apilyedong yun, na naging matunog dahil sa Marital Law? Kaya nga nauso ang hashtag na #NeverAgain, ‘di ba? Akala ko noong anibersaryo lang ng Martial Law (noong Setyember 21) lang ginagawa ito.

Baka naman sa malamang, may pagkakaiba naman siguro sila Bongbong at Macoy, ano? Besides, iba na rin ang panahon. Magkakaroon pa ba ng martial law kung sakaling maluklok siya sa pwesto? Duda ako sa totoo lang kahit sa aktwalidad ay nagawa ni Francis Underwood ito.

Ngunit kalokohan naman kung ihahambing natin ang kakayahang ito dahil lamang sa panonood ng House of Cards (at ano nga ba ulit ang programang ito? Sorry panay wrestling, at basketball lamang tinatangkilik ko sa TV e).

Pero… bakit daw, Miriam? Bakit?!??!?? (O kung medyo OA ka, Punyeta naman, BAAAAKIIIIITT?!!)

Sinasabi na isa sa mga masisipag na Senador ang nakababatang Marcos, lalo na noong nasa kongreso pa siya. Nag-push ng mga panukala para sa mga pabahay, programang pang-rehablitasyon sa mga bata na nagigipit sa mga lugar ng may sigalot, sa industriya ng soybean, sa pananaliksik at pag-develop ng hydrogen, at sa mga programa nan aka-akma sa welfare ng mga guro.

Isa rin si Bongbong sa mga tumuligsa sa pagpataw ng hatol sa impeachment case ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong 2012. 

Pero bakit ayaw nila sa taong ito?

Ahh… dahil ba sa Martial Law? Dahil may stigma pa rin ba tayo ng mga pangyayari apat na dekada na ang nakalipas?

O dahil natututo at sinusubukan pa ring matuto sa kasaysayan? Oo nga naman kasi. Pag hinayaan kasi natin na maluklok siya bilang VP, parang ang dating sa atin ay “history repeats itself,” ‘di ba?

E ang problema, hindi naman yata siguro ang mangyayari. Hindi kaya masyado rin tayo mapaghusga? O dahil ayaw natin maranasan ulit ang serye ng mga ganoong bagay?

Siguro, never again sa corruption. Well, lahat naman tayo ay magkakasundo sa ganitong adhikain e. Oo, punyeta, lumayas nga ang mga tiwali sa pamahalaan. Pero ang problema: long shot ang goal na ‘yan. Ika nga ni Heneral, kailangan ng radikal na pagbabago.

At ito ang problema: nagiging siklo lamang ang mga bagay-bagay kaya hindi siya nagiging radikal.

Pero punyeta naman. Kung hindi natin gusto ang kapareha, e di pumili tayo ng iba? Halos may mga ganitong sitwasyon rin naman sa iba’t ibang kandidato noong mga nagdaan na elesyon ah. Yung iba nga na nakausap ko noong 201 elections, trip pala si Gibo; Ngunit dahil sa nasa tiket siya ng administrasyon, hindi binoto. Sa halip, yung iba na lang. Dahil ba sa siya sikat? Ewan ko bagamat yun naman ang kadalasang dahilan e; regardless kung sikat dahil sa mga nagawa o dahil sa tarantado siya sa mata ng mga balita.

Saka saang bansa ka nakakita na pag nanalo ang pangulo, ganun din dapat ang pangalawang pangulo? 

Sa Estados Unidos, at hinahalal din sila. Pag nanalo nga, pati ang partido, damay.

Pero tangina naman, wala tayo sa Amerika. That’s so US-of-A. Iba naman ang bansa natin. Sa isang bansa na malaya ang bawat mamayan para pumili—sa kabila ng karumihan ng pulitika (ginagawa pa nga itong negosyo ng ilan)—HINDI mangyayari yan. Kailan ba ang huling beses na nagkaroon tayo ng winning Pres-VP tandem? 2004? 

Pero anong petsa na, mga hija’t hijo? At sa tingin mo ba nangyayari ba ‘yun ng madalas sa mga nakaraang administrasyon? 

Naaaaahhh. 

May karapatan tayong pumili. Huwag tayong magpadala masyado sa mga branding at advertising. Nagagawa nga natin pumili kung AlDub o Pastillas Girl ang papanoorin natin e. Nagagawa nga nating pumili sa pagitan ng “Bayan o Sarli” eh.

Kaya may K ka na hindi iboto ang ayaw mo. Hindi mo na kailangan pang mang-bash sa social media. Ay, nagasabi ka nga pala ng opinion mo no? Pero ganun naman tayo palagi e. Ayaw natin, sasabihin natin., Magrereklamo tayo. Okay lang yun, as long as kung ikaw mismo ginagampanan mo ang tungkulin mo bilang mamayan. Baka nga hindi ka nagbabayad ng Vat eh; o hindi nagtatapon ng basura sa tamang basurahan. 

At baka naman, hindi ka pa nagpaparehistro muli. (Kung ganun, tangina mo, wala kang K na magreklamo.).

At kung tutuusin nga, ang dami na nating sablay sa pagpili sa mga eleksyon e.

At sa tingin mo ba, matututo tayo sa 2016?

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!