11/19/2015 4:17:00 PM
Tama si Heneral Luna (o si John Arcila na gumanap nito; o Jerrold Tarog na isa sa mga nagsulat ng script) nung sinabi nya na “Mga kapatid, mayroon pa tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano—ang ating sarili.”
At paano nga naman magiging mali? Sa panahon ngayon na ang radikal sa ating mata ay hindi mawaring kahulugan. May mga pundamentalista na naghahangad nga ng pagbabago, pero sa halip na ikabubuti ay ikinasama pa ng ating kalagayan.
At isa sa mga ugat nito ay ang lohika na ginagwawa raw nila ito sa ngalan ng kanilang pananampalataya sa kanilang sinasambang Diyos.
Punyeta. Kalokohan.
Subalit, sa kabila ng kabaluktutan ng relihiyosong lohika,hindi kaya ang paghahasik nila ng lagim ay isa lamang simula para maghari-harian ang kaguluhan? At isa pa: hindi kaya tayo din ay mga terorista din sa mundong ito? Hindi man sa konstekto ng pambobomba o pagratrat ng baril? Kundi sa larangang pulitikal, sa nakikita natin, at sa tipikal na kilos sa ating buhay-buhay?
Kung mapapansin, marami sa atin ang mas nakuhaan ng atensyon nung pinasabugan ang anim na lugar sa Paris, France noong nakaraang Biyernes ng hapon kesa sa mga balita ng kaguluhan sa Syria? Mas maiuugnay pa nga sa terorismo ang huling nabanggit e.
Pero siguro dahil sa halos palagian rin naman silang nagiging laman ng balita, para bang ulam na inaaraw-araw, nakakasawa din.
Still, hindi mo pa rin ikaila ang katotohanan na mas marami pang lugar sa mundo ang mas nakararanas ng gulo sa kasaysayan. Kasalanan din ba ito ng mga taong naghuhubog sa ating lipunan? Kaya ba ang isang taong Muslim o Islam sa kanilang mga mata ay nasistereotype bilang mga terorista?
Masyado ba tayong nhindi patas tumingin sa kapwa natin, kahit iba man an gating paniniwalang ispiritwal sa kanila? Ganun din sa pagkakaiba sa ating pagsusuri sa pulitika at popular na kultura?
Wag naman sana tayong ganun, mga tol. Baka nakakalimot ka: una, hindi lahat ng mga taong yan ay pundamentalista; at pangalawa, kailangan mo yatang maituwid ang mga “katotohanang” nakakalap mo palagi sa media.
Ano ang tinutukoy ko? Panoorin mo ‘to.
Kitam?
Tama si Tony Stark nung sinabi niya sa ikatlong pelikula ng Iron Man na “We create our own demons.” Oo, kung ang sarili man natin ang best friend, tayo rin mismo ang worst enemy. Kung kaya nating maging anghel o pulis sa mata ng lipunang ito, tayo rin ay may madilim na lihim na maging salbahe o demonyo.
At nasa dalawang bagay yan: sasabay ka ba sa dikta ng nakararami, o pipiliin mo ang daan na tama sa mata ng iyong konsensya at sa mata ng batas ng tao.
Huwag kang maging terorista kahit sa sariling katawan man lang.
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!