11/19/2015 5:02:50 PM
Minsan pinanood ko sa YouTube ang video na naglalaman ng panayam ni Karen Davila kay Alma Moreno. Ito ay ang parte ng November 15 episode ng Headstart kung saan ang panauhin ay isa sa mga tatakbong senador sa darating na 2016 Presidential Elections sa ilalim ng tiket ni Bise Presidente Jejomar Binay.
Teka, hindi ko alam kung maiimbyerna ba ako sa mga sagot ah. Parang hindi ko alam kung kinulang ba siya sa panahaon para pag-aralan ang mga isasagot o masyado lang talagang elitista ang dating ng interview na ito? Considering this: ang panayam ang Hot Copy segment, parte ng programa ni Davila na Headstart na umeere mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga sa ANC, the ABS-CBN News Channel.
At since sa cable lang accessible ang ANC (hindi gaya ng Teleradyo na maari mong panood sa [imitating Sarah G] “ABS-CBN TV PLUS…”), ang madalas na target audience nito ay ang mga nasa matataas ang antas ng kabuhayan—unless kayang sikumurain ng ilong mo ang Ingles at maintindihan ang mga detalye na hindi mo naririnig sa tabloid, este sa mga pambalitaan sa mga channel na pinapanood mo talaga.
May mali nga ba sa istilo ni Davila ukol rito, kaya hindi makasabay sa lebel nya si Ness? Hindi kaya dahil sa dikta lang din ito ng trabahong ginagawa niya?
Siguro. Subalit kung tutuusin, quits lang eh. Natural lang na mamanduhin ni Davila ang ganung manner ng panayam dahil nasa pambalitaan naman na palatuntunan siya, tapos ang tinatalakay ay ang mga paksa na may kinalaman sa seryosong bagay.
At saan ba napupunta ang usapang showbiz dun? Wala. Kahit maghanap ka pa ng reservation, wala. Walang kalulugaran, lalo na kung ang usapan naman nila ni senator-wannabe ay ang kanyang pagtakbo sa 2016. Mantakin mo nga na hindi nila tinalakay ang isyu sa teritoryo dahil sa mas pinagtuunan pa nila ng pansin ang adbokasiya ni Moreno sa mga kababaihan.
Quits.
Siguro nga na hindi ganun kaalam si Alma sa mga isasagot na kung tututuusin sa mababaw na pagtingin ay nakakatawa na lang ang mga binibitawang salita. Paano daw makontrol ang pagdami ng populasyon ay pagbukas na lanmang ng ilaw? Maaring joke yun. Pero kung tutuusin, kung ganun magiging mentalidad natin, the joke’s on us.
Kaya tayo nagkakaroon ng showbiz government e. Kaya isang malaking sarswela o moro-moro ang “political circus” sa ating bayan e.
Eh kung isipin mo, kung idadaan tayo sa mababang kalibre na kandidato, e alam nyo rin naman kung anong klaseng mayorya ang meron tayo… ay, good luck na lang sa atin, ‘di ba?
Isa pa: ang sinumang mga matalino na napaka-vocal sa social media ay garantiya na masasabihang kontrabida ng madla. Bakit kanyo? Dahil sa adbyento ng mga ganitong bagay, elitist ka. Hindi man sa p pera, kundi sa utak. Walang sanang masama dun .
Pero dahil sa pagiging vocal mo sa pagsabi ng displeasure sa mga sagot ni Alma sa Headstart ay nakakauha ng simpatiya ang nababash (oo, binabash mo siya sa ayaw at sa gusto natin). At isipin mo: sa nakalipas na mga taon, ang mga taong pinupuna natin pagdating sa kwestiyunableng kwalipikasyon ay siya pang andun sa pwestong yun.
Anyare sa atin, ‘di ba?
Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!