Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

18 November 2015

Tirada Ni SlickMaster: APEC-tado

11/18/2015 11:34:39 AM
APEC-TADO ka ba? 

Oo, apektado ka ba ng matinding traffic, ng halong long-weekend na holiday, at ng kung-ano anong balita na may kinalaman sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ng kung ano-anong kahibangan sa inyong mata, kaburatan sa isipan; nang dahil sa kanila—kahit wala kang pasok ngayon—ay nalate ka naman o napahalf-day dahil sa tindi ng trapiko, o mas piniling umuwi na lang at lumiban dahil sa hindi na kinaya ng iyong pisi ang matinding trapiko dala ng pagsara ng mga piling pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila?

Relax. Minsan lang naman kasi yan. Isipin mo, after 19 years—o 1996 to be exact—ay naghost din ang Pilipinas ng APEC.

Pero ang problema: anyare after 1996? Maliban sa naging ang sentro na ng pagtitipon ay sa Manila na at hindi sa Subic? Na diumano ay tinago pa ang mga palaboy sa kalye para lang hindi madungisan ang imahe ng ating kabisera?

Walang masama namand ito. Parang hindi tayo ganyan ah. Naglilinis din naman tayo ng bahay at bakuran natin pag alam natin na may panauhin tayo sa darating (lalo na kung galante ito).

Unless kung nasa hotel ka nagtatrabaho o sa kung alinmang establisyamento na palagiang tumatanggap ng bisita o prominenteng tao, araw-araw kang nag-aayos na parang ganyan. E sa konstektso natin na halos masasabing “once in a blue moon?”

Putangina, para pala tayong mga “pakitang-tao” nito e. Nagpapanggap tayo na maging okay ang lahat sa ngalan ng magandang imahe (pero kahit mukhang authentic, hindi naman tunay).

Walang masama sa pagpapakita ng hospitality nating mga Pinoy (after all, nasa kultura naman talaga natin yan e). Pero kung magpapanggap tayo, magsusuot ng maskara na parang ang linis-linis natin, at kung mas marami naman ang nakokompromiso, anak ng pating naman.

Wala naman sigurong nakikipagtalo ukol sa kung ano ang maidudulot ng APEC summit sa atin ano? Sa totoo lang, okay naman e. Walang masama dun. Ayaw mo nun? Mga bigating tao dadalo sa ating bansa? Pagkatapos nun ay tatalakayin kung paano maipalalakas ang kalakaran sa ating bansa at sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.

Hindi sa wala silang pakialam dahil sa may pagka-elitista ang usaping “ekonomiya” o dahil sa Ingles ang wika nila at hindi naman lahat ato ay nakaiintindi nito. 

E anak ng pucha naman, ano pala pinaglalaban natin kung ganun?

TrAPEC. Oo, putangina naman, APECtado kami ng jeskeng traffic na to! Isipin mo wala kang masasakyan sa loob ng ilang oras. Hassle bumiyahe sa South.

At huwag mo kong hihiritan ng “E umalis ka nang maaga,” dahil maaga na nga ang paggayak ay wala pa ring patawad ang trapiko.

Maraming kaliwa’t kanan ang nagbato ng kuro-kuro ukol sa APEC. Ngunit mas tinamaan ako sa nagsabi ng may kakulangan sa imprastraktura kaya nagkaroon ng mala-VIP na APEC lane. Oo nga naman, sila lang hindi natatraffic e. Pano ang mga mananakay na nagkukumahog sa byahe para makapagtrabaho?

Minsan lang yan? Asus. Sa isang taong nagsusumikap, hindi sapat ang dahilan na ‘yan.

Mabuti sana kung sinusupinde na lamang nila ang pasok sa linggong ito.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!