11/10/2015 04:35:51 PM
Oo, nakakalokang isipin na ang napupukol na naman sa isang scam ang Ninoy Aquno International Airport. Oo, ang NAIA nga na isa sa mga worst airports sa buong mundo, kawawa na naman ano.
Nakakalokang implementasyon ng batas na may kinalaman sa laglag bala scam na ito. Sa sobrang higpit hindi yata nag-iisip. Pero ganun kasi ang nature ng batas—marahas. Ika nga sa Latin, “dura lex sed lex.”
Pero may anggulo naman na nagsasabing may mga taong hindi informe dukol rito. Aba, kung hindi ka naman isa't kalahating gago, bawal kaya yan. Kahit sabihin pa na souvenir pa mula sa shooting range na pinagpraktisan mo.
Isa pa: kung gun owner ka, responsible ka dapat sa mga bagay-bagay na may kinalaman dyan. At hindi ka dapat yung trigger-happy na porket nasaktan ang ego mo ay kailangan mo siyang barilin.
Pero sa isang banda, sinsabi na may sindikato sa isyung ito.
Ngunit kontra ng pulisya: wala raw.
Talaga lang ha? Meron yan. As in mga ilang personnel sa airport malamang ang may gawa nyan. Kitam mong nahuli ng isa sa kanila.
Yan nag primerong halimbawa ng mga taong tinutukoy ni Luna na “Ang mas higit na kaaway natin kesa sa mga Amerikano ay ang ating sarili.” Ibig sabihin, mga kababayan mo pa mismo ang manlalamang pa sa'yo. Nanlalaglag. Perpektong halimbawa ng utak-talangka. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e. May mga kupal na pinli na perwisyuhin ang buhay ng ilan. Lalo na yung paalis ng bansa para magtrabaho o akhit magbakasyoin man lang. Tapos kikikilan ng libong pera para lang maitago ang kaso o maareglo. Hoy, kala mo pinagtatae lang nila ang salaping yan? Kupal ka ha.
At yan ang patunay na kung gaano kagago ang ilang mga Pinoy sa kapwa. Tsk.
Author: slickmaster | (c) 2015 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!